My experience in Province.

0 41
Avatar for Sheng04
3 years ago

This is a about my experience in province kung saan kinilabutan ako ng todo.. Buti nalang talaga..

Sa probinsya ng Bulacan naninirahan ang asawa ko at doon din siya nag wowork, dinadalaw nya lang ako lagi dito sa Manila, napagdesisyunan niya na ipag bakasyon ako sakanila noon para naman daw maka pag bonding ako sa Family niya. Buntis ako that time madami nagsasabi na maraming aswang sa probinsya pero di ako naniniwala kasi di pa ko nakakakita.

Bago pumunta doon sinundo ako ng mama ng asawa ko at may binigay siya na maliit na kahoy ilagay ko daw lagi sa wallet ko o di kaya ay bulsa, tinanong ko naman kung para saan ito. "pangontra yan sa mga malakas ang usog at mga aswang." Pinakita niya rin yung sakanya di daw nawawala to sakanya dahil marami daw nagtatakang mangusog sakanya. Kaya tinaggap ko nalang to kahit di ako naniniwala. Binibigay niya din daw ito sa mga nagiging pasyente niya o laging nauusog, Isa kasi siyang Therapist iba sa nanghihilot kasi daw nagaral din siya. May tawag don sa parang kahoy na pangontra daw pero nakalimutan ko na ang tawag.

Marami na sitang karanasan tungkol sa mga usog o aswang kaya naging komportable ako habang nasa byahe.. Pag baba palang namin sa tricycle parang pakiramdam ko maraming nakatingin sa akin.. Habang naglalakad nga kami may nakasalubong kami na matanda na nagtitinda ng kakanin at nakatitig lang siya sa tyan ko.. Maliit pa naman ang tyan ko non at di mahahalata na buntis ako. "Alam mo ba nak, mabango ang amoy ng mga aswang sa mga buntis.." Natulala ako pano kaya nito nalaman.. Isa kaya siyang aswang HAHAHA! Noong nakarating kami sa bahay nila agad ako nagpalit ng damit at nagpahinga sa sobrang pagod...

Maliit lang ang kanilang bahay.. Una papasok kapa sa mga iskinita at doon ang Compound dun lahat nakatira mga angkan niya.. Kurtina lang ang kanilang pintuan.. May aso sila sa taas at baba, ang bintana ay nasa ulunan namin sa kama, pader lang ito na punong puno ng butas na may design pero natatakpan ng mga pinagsampayan ng pantalon.

Dito kami lahat natutulog sa baba samasama. Nasa ulunan namin ng asawa ko yung bintana kaya natatakot din ako minsan di ako nakakatulog, Makikita mo din kasi sa bintana kapag sumilip ka ang mga lalabas o papasok sa compound. Araw araw pinapalagyan ako ng asin at bawang sa bintana maski doon sa labas. Tsaka laking tulong din ng mga aso kasi kahit malayo palang kapag di nila kilala yung amoy tatahol na.

Noong una takot na takot ako sa bahay dahil l

agi akong magisang naiiwan.. Yung asawa ko nagwowork pa doon yung tatlong kapatid niya nagaaral at yung mama niya naghihilot.

Madalas may pusa pang pumpasok doon sa bahay lagi lang tinatahulan at hinuhuli ng aso.. Tuwing gabi nga lagi ako nakakarinig ng tunog na parang ik ik ik... Di ko alam yun pero sabi aswang daw..

Noong hapon natapos ako maglaba, nagpahinga agad ako sandali, ako lang kasi magisa that time. Nakahiga ako noon sa kama nang may narinig akong ik ik ik na sobrang hina.. Lumakas tibok ng dibdib ko at dahan dahan kong sinilip ang nasa labas.. Nakita kong may paparating na matandang babae na nakaitim, magulo ang buhok, madungis ito at nangaamoy na akala mo may hinahanap sobrang takot ko non di ako makagalaw bakit hindi tumatahol ang mga aso non..

Daming pumapasok sa isip ko non na baka pinatay nya muna ang mga aso bago siya makalapit.. Nung papalapit na sya sa bintana na parang sisilip siya.. Napaka linaw nang muka niya non.. Tinawag ko na lahat ng santo non nang biglang nang biglang may kumalabit sa akin.. Ginigising ako ng nanay ni asawa ko..

"Nak, nak anong nangyayari sayo.." Bigla akong nagising na pawis na pawis.. Jusko akala ko totoo napakahawak ako sa tiyan ko.. Gustong gusto ko non magpacheck up.. Pinapakiramdaman ko yung tiyan ko.. Dala ko pa nga non pang Bp kasi diba Nursing ako. Tinatapat ko yung Stethoscope ko sa tyan pinapakinggan ko yung pulso ni baby, nasa 3 months na kasi yun kaya kahit ganoon maririnig mo na..

Tinatanong ako ng mama ng asawa ko ano nangyre. Kinuwento ko lahat ng napanaginipan ko. Tinanong sakin kung nasa akin pa din ba yung pangontra doon kinapa ko ang bulsa ko pero wala. Pinagalitan ako kasi bakit ko daw winala kaya binigyan nya ulit ako..

Marami pang nangyre noon pero tska ko na ikwento.

Galatians 2:16 Yet we know that a person is not justified by works of the law but through faith in Jesus Christ, so we also have believed in Christ Jesus, in order to be justified by faith in Christ and not by works of the law, because by works of the law no one will be justified.

Salamat sa mga nagbasa 🥰😚😚

God Blessed 🙏

6
$ 2.62
$ 2.62 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Sheng04
empty
empty
empty
Avatar for Sheng04
3 years ago

Comments