Miyo(Continuation of My Friend, Mcdo)

0 38
Avatar for Sheng04
3 years ago

This is the continuation of my story "My Friend, Mcdo". If you want to read the part 1 here's the link below.

https://read.cash/@Sheng04/my-friend-mcdo-tagalog-version-00c7fca9

Noong sinabi ni Mcdo na nasa likod namin ang babae bigla kaming kinilabutan, hindi kami makalingon.. Nasa likod kami lagi nakaupo mga pasaway na estudyante kasi kami noon hahaha!

Noong vacant namin sinabi ni Mcdo na napanaginipan nya yung babae, humihingi ng tulong sakanya.. Kahit na dasal o alayan lang daw ng kandila kung san ito namatay.

Di kami naniwala noon sakanya, at binalewala lang namin. Kinabukasan nagkwento nanaman si mcdo tungkol sa babae.. Nasa terrace daw nila ito pero nakatingin sakanya.. Pero papalapit daw yung babae sakanya hanggang sa nakapatong na daw yung babae at sinasakal siya. Kitang kita niya ang muka ng babae na galit na galit na akala mo ay kakainin ka ng buo at sinasabing "Miyo". Nagising na lang si Mcdo dahil sa pag palo sakanya ng mommy nya sabi pa nga daw nito "Bakit mo sinasakal ang sarili mo?" Napaiyak nalang daw sya sa mommy nya non. At di niya sinabi kasi alam nyang hindi siya paniniwalaan nito.

Kahit ganon di pa rin kami naniwala.. At binalewala lang namin ang sinasabi ng kaibigan namin. Gabi gabi daw itong nagpaparamdam sakanya.. At laging binabanggit ang "Miyo" Tuwing ginugulo siya nito lagi daw sya sinasakal. At nakita namin ang leeg ni Mcdo na namumula. Sinabi pa namin pinagloloko niya kami kasi kung sinasakal siya edi kamay ang babakat. Pero lubid daw ang pinangsasakal nito kay Mcdo.. Naawa kami para sa kaibigan namin.

Kaya tinulungan namin siya na dasalan kung saan siya namatay.. "Saan siya dadasalan e hindi nga naten alam kung saan siya namatay!" Bigkas ni Kim na nagtataka.

Noon hindi namin alam kung saan, kaya si mcdo naglakas loob na magtanong sa mga janitor at janitress na matanda doon na matagal ng nagtatrabaho sa school.

Una niyang pinagtanungan ang mga lalaki na janitor sa school, pero wala siyang napala at laging sagot ay hindi ko alam or wala akong alam. Pero sa huli nahanap namin ang sasagot sa mga tanong namin.

"Nanay minyang pede ba magtanong sayo" tanong niya sa matandang babae na janitress sa amin. " Oh ano ba iyun iha tungkol saan?" Sagot naman ng matanda. "E kasi po may nanggugulo sakin tuwing gabi. Magtatanong lang po kung may namatay po ba dito sa Cr?" Halata ang gulat ng matanda sa tanong ni Mcdo. At para bang natakot ito dahil napaatras.

"Ba-bakit mo itinatanong iha?" Bakas sa muka ng matanda ang pagka gulat at takot. "Kasi po lagi akong binabangungot nung nakita ko dito sa Cr na Multo at laging binabanggit ang salitang Miyo at manang.. kasi.. sinasaktan na nya ako" At pinakita nito ang kanyang leeg. Mas lalong nanlaki ang mata ng matanda..

Doon na nya kinuwento ang nangyari sa babae at kung bakit hindi pa rin ito matahimik.

Isa daw itong istudyante sa school namin at sobrang talino na nagngangalang Patricia.. Nagiisang anak lang daw ito ng isa din Janitress sa school na si Teresita, wala nang ibang pamilya ang dalawa kundi sila lang.. Kaya daw ito namatay dahil nirape ito sa mismong Cr.. Limang lalaki ngunit nakita ito ng kanyang nanay kaya pati ito ay nadamay pagtapos daw gahasain ay pinagsasaksak ng kutsilyo..

Hindi ito napabalitaan sa school dahil sinekreto lang nila ang nangyari pero pinalibing nila ang dalawa. Walang hustisya ang nakuha ang mag Ina ang sabi lang samin nang matanda dinadalaw nalang niya kung saan nakalibing ito. Ang Miyo naman daw na laging binabanggit ng babae ay ang Kasintahan nito. Alam ng Janitress ito dahil daw matalik na kaibigan nito ang nanay niya.

Hindi naman daw ito nagpaparamdam sa kanya. At sa loob ng 30 years na nagsisilbi siya sa school ay di siya nakaranas ng pananakot nito pero maraming istudyante ang tinatakot..

Grabi ang nangyari sa mag ina noon. Sobrang awa namin kaya kinagabihan sinekreto namin ang gagawin namin.. Alas syete ng gabi pumasok kami sa Cr na may dalang kandila at sinindihan ito tinulungan kami ng Janitress na masindihan ito pinagbabawal kasi sa school ang pagdadala ng mga Lighter o Posporo.

Sinarado namin ang pinto at tahimik kaming nagdadasal. "Kung sino ka man na hindi matahimik pls po wag niyo na ko guluhin" Sabi ni mcdo.. Biglang nanlamig ang paligid.. Ang tatlong kandila na sinindihan namin ay bilang namatay..

"Huy tara na! Tapos na tayo tama na natatakot nako.." Sabi ni Kim na takot na takot.. Agad na namin kinuha ang kandila pero biglang bumukas ng malakas ang huling pinto ng cubicle..Napalingon kami ngunit hindi kami tumingin sa salamin.. Tumakbo na agad kami sa pinto ng may narinig kami na parang bumulong.. "Salamat." Pagtapos non para bang may dumaan na sobrang lamig na hangin sa harap namin.. Grabi kinikilabutan padin ako ngayon sa tuwing naalala ko to πŸ€¦πŸ»β€β™€οΈ

Simula noon di na daw nagparamdam kay Mcdo ang babae. Nagagalit pa nga sa amin kung sana daw di namin pinatagal edi sana di siya nasaktan! HAHAHA!

Pero pinagtataka lang talaga namin is bakit wala yung nanay nya.. Diba isa din siya sa namatay at nagahasa.. Hindi namin alam ang sagot don.. Pero sobrang pangit nang nangyare sa kanila. Grabi din kasi dati sa school parang walang mga pakialam. Sabi nga nang matanda sa malapit na sementeryo lang daw inilibing. Di na kami nagtangka magtanong kung saan baka kasi yung nanay guluhin kami 🀣

Sana nagustuhan niyo ang kwento!

Kung may hindi kayo gusto sabhin nyo lang sa comment section. And palike na din po πŸ€—

Joe 2:21

β€œFear not, O land; be glad and rejoice, for the LORD has done great things!"

God Blessed πŸ™

6
$ 2.17
$ 2.17 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Sheng04
empty
empty
empty
Avatar for Sheng04
3 years ago

Comments