Mini Sari sari store

0 9
Avatar for Sheng04
3 years ago

Mayroon kaming maliit na sari sari store sa bahay namin.. Lagi namin itong binabantayan na aking anak na babae na apat na taong gulang na..

Lagi kaming dalawa lang ang nasa tindahan dahil ang dalawang kapatid ko at ang asawa ko ay nag tatrabaho samantalang ang mama ko ay tumutulong sa aking bunsong kapatid sakanyang pag aaral..

Lagi kaming masaya doon.. Madalas kinakausap ng anak ko ang mga customer kaya tawag sakanya is Ms.Madaldal naaasar naman yung baby ko hindi daw sya madaldal HAHAHA!

"Ms.Madaldal pabili naman ng Coke!" Bungad samin ng isang suki.. Nakasimangot naman yung isa dahil ayaw nya nga nung tinatawag sya ng ganon..

"Mami ohh si kuya ohh.." Pagsusumbong sakin nito na siya naman ang ikinatuwa ng bumibili..

"Kyut mo!!"

Isang maliit na tindahan at may maliit na upuaan sa labas ng tindahan namin na kung saan pede sila tumambay.. Madalas nakatalikod ako sa tindahan dahil mayroon maliit na mesa doon na pinagpapatungan namin ng Tablet at kaharap ko din ang aking anak na nakaharap din sa tindahan kaya siya lagi unang nakakakita kung may bibili o wala..

Hanggang hapon lang kami nagbabantay sa tindahan noon dahil pinapalitan na kami ng kapatid kong bunso para makapagpahinga din kami..

Napaka active nitong batang to pero minsan kasi natatakot ako pag sobrang active niya dahil nung Isang araw sabi nya may nakatayo daw na lalaki sa gilid ng tindahan pero pag tingin ko e wala namang tao.. Hindi ko na lang ito pinapansin dahil ayokong matakot..

Sinasabi ko to kila mama at sa asawa ko pero wag ko nalang daw pansinin at wag magpakita ng takot..

Isang araw na sobrang init.. Nagbabantay kami noon habang nagaantay ng may bibili naisipan kong turuan siya mag sulat ng ABC's dahil nakakasulat na din naman siya ng mga Shapes at gustong gusto nya talaga magsulat minsan nagdodrawing pa..

Nagulat ako noon may parang dumaan na malamig na hangin sa batok ko na siya naman nag bigay ng kilabot sa akin.. Mas kinilabutan ako noong kinalabit ako ng anak ko..

"Mami si ate bibili oh! Lollipop daw!"

Agad akong humarap pero wala akong nakita kaya agad naman akong humarap sa anak ko..

"Ayan ka nanaman bebe wala naman eh.. Wag mo ko lokohin ahh!" Sa totoo nyan natatakot na ko noon pero ayaw ko pahalata.. Dahil naramdaman ko din ang nakita ng anak ko..

Nakatingin ang baby ko sa harap ng tindahan na akala mo may tao talaga..Ng bigla syang sumimangot..

"Mami biliss gagalit na sya ohh!"

Agad niyang kinuha ang lalagyan ng mga lollipop at binigay sakin para buksan.. Agad ko naman itong binuksan at inilapag ko ito palabas sa butas ng tindahan..

"Tenchu po!" Nakangiting sabi ng anak ko sa kung sino mang babae na yun pero di pa pala natatapos don..

"Ahhhhh!"

Sigaw ng anak ko habang nakaturo sa labas dahil may dumaang truck noon.

"Ano ba nakakagulat ka naman!"

"Si atee bubunggo mami!"

Agad agad akong lumabas ngunit wala namang bakas na may nasagasaan o nabunggo.. Kaya lahat ng balahibo ko sa katawan ay nagtaasan noon..

Sinara ko muna ang Tindahan noon at binuhat ang baby ko.. Pinagpahinga ko muna at baka mahimatay na ako sa takot dahil di ko lam kung totoo ba ang sinasabi nito..

Pag tapos noon ay si Mama na ang pinagbabantay ko noon dahil natakot din sya kay baby baka kung ano ano na makita at baka matrauma pa.. Nag lagay din kami noon ng kandila sa tapat ng tindahan at nananalangin na sana wala ng magpakita doon sa baby namin..

Author's note

Sana po ay nagustuhan nyo.. Marami pong salamat sa Pagbabasa!

Isa lamang po itong kathang isip 😁😁

Tatry ko lang ulit magsulat dito hehehe..

1
$ 0.00
Sponsors of Sheng04
empty
empty
empty
Avatar for Sheng04
3 years ago

Comments