Kingdom

2 36
Avatar for Sheng04
3 years ago

Ang storyang ito ay isang kathang isip lamang at walang katotohanan..

***

Isang umagang kay ganda.. Punong puno ng kasiyahan at tawanan ang makikita sa aming bayan kung saan nagdidiriwang ng kapistahan..

Lahat sila dito ay masaya wala kang ibang makikita kundi nagsasayawan, nagiinuman, nagkakainan, nagkakantahan at kagkukwentuhan.

Liah's POV

Grabe sobrang saya dito sa amin wala ka talagang makikitang nagiisa.. Isa akong dayo dito sa bayan ng akin ina. Pinauwi kami dahil nga sa mayroong Kapistahan.. Ni wala pa kong kilala dito sa amin kaya ang mga nakakausap ko lang is sila mama at mga kapatid ko.

"Apo.. Iyah.. okay kalang ba?"

"Ayy opo lola bakit po?"

"Pwede mo bang ibigay ito sa mga bisita?" Habang nakangiti at hawak ang mga pagkain.

"Opo ako na diyan lola umupo ka nalng at magpahinga baka kayo mapagod.."

"Salamat."

Noong pinamimigay ko ang mga dala kong spaghetti at shanghai napalingon ako kung saan mayroong lalaki na nakatayo sa pinto..

Nginitian niya ko.. pero hindi ko nalang pinansin at nagtuloy sa paglalakad.

Sabi ng mama ko wag daw ako makikipagusap sa mga hindi ko kilala dito dahil baka kung anong mangyari sa akin. Di ko nalang tinanong kung bakit at nakinig nalang sakanya.

Yung lalaking nakita ko parang dayo lang din siya dahil may katangkaran maputi at masasabi kong gwapo ito.

Noong natapos ang kasiyahan at tapos na kami sa mga ligpitin.. Napaisip ko na lumabas sandali sa aming tapat kung saan makikita ang mga dumadaan, nagmuni muni muna ako bago matulog..

Malamig ang hangin at nagulat ako nang biglang may nagsalita.

"Hi.. Bago kalang dito?" Nagulat ako dahil nasa tabi ko na siya.. Imposible yun dahil dapat makikita ko siyang dadaan.. O baka kanina pa siya doon. Eto yung lalaking nakita ko sa pinto kanina.. Tinignan ko siya pero hindi ko pinansin..

"Ahm miss? Ako nga pala si Rolly taga kabilang kanto lang ako kakilala ako ng Lola mo." nakangiti nitong sabe sa akin ang creepy niya pero nagtataka ko bakit ako ang gusto niyang makita..

"Ah okay po." Tatayo na sana ko ng bigla nya kong hinawakan sa kamay.. Natulala ako noon at nawala sa ulirat..

"Pasensya kana mukang natakot ata kita. Sge uwi kana." At tumayo siya at umalis nalang habang nakatulala pa din ako.

***

Tatlong araw nakalipas noong nangyari di ko na nakita ang lalaki na yun.. Pero pumasok sa isip ko na pumuntang gubat at mag gala..

Gusto sanang sumama ng kapatid kong lalaki pero hindi ako pumayag..

"Mag ingat ka iha.. Wag ka magpapa gabi.." Payo sa akin ng aking ina. Dali dali akong umalis dala ang aking camera..

Isa ito sa mga gustong gusto ko gawin ang kumuha ng mga litrato ng Kapaligiran.. Alam ko habang naglalakad ako ay nakasunod sa akin ang kapatid ko.. pero hindi ko nalang ito pinansin at pinagpatuloy ang pag kuha ng litrato..

Habang naglalakad ako nakakita ko ng napaka gandang lawa.. Nagulat ako doon dahil asul na asul ang tubig at kitang kita ang mga isda na lunalangoy.. Kinuhaanan ko ito ng litrato at tuwang tuwa ako dahil marami akong mapapakita sa kanila pag uwi ko..

"Hi Liyah!"

"Ay palaka!" Sa sobrang gulat ko nabitawan ko ang aking camera..

"Bakit ka nanggugulat! Kanina kapa ba sumusunod? At saka saan mo nalaman ang pangalan ko?!" Sunod sunod kong tanong sa lalaking humawak ng kamay ko.. Oo siya yung si Rolly.

"Ohh easy kalang wala akong gagawing masama sayo.." Nakangiti ito sa akin.. Para akong natulala nanaman.

"Kailangan ko nang umuwi.. Si-.."

Di ko na nagawang ipagpatuloy ang aking sasabihin dahil nawalan na akong nang malay sa pagkakahawak nito sa aking kamay..

***

Isang napakagandang Lugar ang bumungad sa akin noong nagkamalay ako.. Dali dali akong tumayo at kinuhanan ng mga litrato ang paligid..

Isang matataas na puno na may iba't ibang bunga.. Mga taong naglalakad pero makaluma ang suot at puro alahas ang katawan.. Mga ibong malalaki na sinasakyan din ng tao.. Isang napakalaking palasyo at na akala mo sa Fairytale mo lang makikita..

Mga iba't ibang klase ng mga pagkain na tinitinda doon. Mga ilog na punong puno ng tsokolate.. At lahat ng tao dito ay may taglay na kagandahan at kagwapuhan.. Lahat yon at kinuhanan ko ng Litrato..

Pero nagulat ako sa mga nakuhanan ko.. Lahat iyon ay kabaliktaran ng nakita ko.. Mga punong walang mga bunga o dahon mga taong maiitim at hubo't habad na tanging saplot lang ang nagsisilbing pantago sa kanilang mga pribadong parte. Mga uwak na nagliliparan sa kapaligiran mga animoy parang mga aswang.. Ilog na punong puno ng dugo.. At ang akala kong palasyo ay isa palang Malaki at maitim na Tirahan na parang pang Hunted House. Akala ko ay sira lang ang aking Camera kaya para makasigurado ay kinuhanan ko ang muka ko mg litrato.. Nagulat ako sa aking nakita.. Walang nagbago sa aking mukha ngunit isang napaka pangit na nilalang ang nakita ko mula sa aking likuran..

"Liyah, natutuwa ako at gising kana.. Halika at kumain kasama ang mahal na Reyna.." Hindi ako nakasagot dahil hinawakan niya ako sa aking kamay..

Pakiramdam ko ay nakokontrol niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa aking kamay. Pero kailangan kong makaalis dito.

Nasa isip ko noon kung paano makakaalis dito.. Paano nga ba ano ba amg mga sinabi sa akin ni mama at lola! Bakit ganito ang nangyayari sa akin!!!

Pag kapasok namin Pekeng Palasyo ay bumungan ang malaking lamesa na punong puno ng mga pagkain..

"Kamusta kana? Halina at ika'y sumabay sa aking umagahan.." Bati sa akin ng isang napakagandang Babae. Ito na siguro ang kanilang Reyna

Lahat ng pagkain ay magkakaiba. Punong puno nga mga kinatay ng baboy at mga parte nito. Makikita mo din amg makulay na kanin na masarap pagmasdan. Hindi ko na naisipan ang kuhanan ito dahil alam ko na may hindi mangyayaring maganda sa akin dito..

Salamat sa pagbabasa!

Next episode tomorrow 😊

11
$ 2.39
$ 2.39 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Sheng04
empty
empty
empty
Avatar for Sheng04
3 years ago

Comments

Keep up the good work

$ 0.00
3 years ago

yey thank you bunsoo

$ 0.00
3 years ago