Forbidden Love 💔

2 31
Avatar for Sheng04
3 years ago
Sponsors of Sheng04
empty
empty
empty

Pinagtagpo sa tamang oras at panahon ngunit hindi sa tamang Pagkakataon..

Sa oras na malaman ko ang totoo.. Ipagpapatuloy ko pa ba ito o kailangan ko ng tapusin.. Nakakatakot man pero kailangang gawin..

***

CTTO: https://www.pinterest.com/pin/368098969514732014

Chelsea's POV

Laki akong Probinsya at pumunta dito sa Manila para makipagsabayan ngunit ako pala ay magiging palaruan ng mga Studyante doon. 3 taon na ako dito sa School but still marami pa din ang nangbubully sa akin, 2nd year na ako noong nagaral dito.

"Hey, Weirdo!"

"Ay feeling chix? Snob ka Ghorl ah!"

"Anong Hairstyle yan? Pang mangkukulam?!"

"Tignan mo naman ang suot.. Mukhang ilang buwan ng di nilalabhan!"

"HAHAHAHA!"

Yan ang Grupo ng mga Babae na lagi akong Binubully sa School. Hindi naman ito Pribado pero sobrang dami lang talaga dito na mayayabang..

Kasalanan ko din naman to dahil nagpapa Bully ako sakanila, wala ako magawa dahil mahina lang ako at walang alam..

"Hi Chelsea!" Bati sa akin ni Luke, isa sa Poging studyante dito sa School.

Nginitian ko lang ito at naglakad ng mabilis.. Alam ko may hindi mgandang binabalak sakin yung mga yun.

Kinaiinisan ako sa aming school dahil sa aking itsura at pananamit, hindi ko kasi hilig ang mag ayos dahil gusto ko lang talaga na may matutunan sa school at di ko na naalalang ayusin ang aking sarili.

Pero at least mataas ang aking mga Grade kumpara sa mga nambubully sa akin na puro kopya at pandadaya ang ginagawa para lang pumasa.

Sa tuwing vacant namin ay hindi ako kumakaen at tumatambay lang ako sa aming Library para magbasa at di makarinig ng ingay na nanggagaling sa mga nambubully sa akin.

***

"Hi, pwedeng umupo?" tanong sa akin ng isang lalaki dito sa Library.

Nagtaka ako dahil marami namang bakanteng Lamesa bakit makikiupo pa dito.

"Gusto mo dito?" Tanong ko dito.

"Ah oo ka-si..."

Di ko na pinatapos ang sasabihin niya at kinuha ko na ang mga gamit ko at lumipat sa ibang Lamesa.

Nanibago ako doon dahil ngayon ko lang to nakita dito. Pero hindi ko na pinansin dahil baka isa siya sa mga gustong Mang Bully sa akin.

Nakita ko ang lalaki na panay tingin sa akin. Kaya kinuha ko na ang aking mga gamit para pumunta na sa susunod na aming Subject.

"Iha, kanina kapa palinga linga, ano ba ang hinahanap mo?" Bungad sa akin ni Ma'am Lily na isang matandang Librarian at isang guro din.

"Wala po iyon Ma'am yung lalaki kasi ang kulit.. Una na po ako sa klase.. Punta po agad ako dito maya."

Tuwing Vacant at bago umuwi ay dumadaan muna akong Library.. Ako ang nagbabantay doon bago magsara ang Library at bago ako umuwi. Mas maaga ang aking uwian kesa sa pagsara ng Library dahil may klase si Ma'am Lily ng ganong oras at ako ang pinagbilinan nito magbantay dahil sakin siya may tiwala.

4Pm ang aking uwian at nagbabantay ako sa Library hanggang 5Pm.

*Ringgggggggg!!*

"Yehey! uwian na"

"Oy tara inom tayo"

"Oo dun sa bahay nila Luke"

Yan lang naman ang mga usapan ng mga kalalakihan dito.. 4th year na kami ngayon pero hanggang ngayon hindi pa din sila nagtitino.

Papunta na akong Library noon ng pinigilan ako ni Krystal isa sa mga babaeng nanloloko sa akin.

"Hindi kapa uuwi?" Nakangiti siya na parang demonyita

"Hindi pa may inutos pa sakin si Ma'am Lily, bakit?"

"Ok!" at umalis na ito sa harap ko.

Di ko napansin na bumigat ang aking bag kaya dali dali akong Pumuntang Library.

"Oh Iha ikaw na ang bahala dito ah.. Pupunta na ako sa klase ko." Bungad sa akin ni Ma'am at tumango nalang ako.

Binaba ko agad ang aking Bag at binuksan. Punong puno ng bato ito.

"Ang sama niyo!!" Sa sobrang galit ko napasigaw ako at gustong gusto kong ibato sa kanila tong bato na inilagay sa bag ko.

Pero hindi ako ganoon kaya iniyak ko nalang lahat ng galit at inis ko sakanila.

"Okay kalang?" Isang boses ng lalaki ang aking narinig.

"May umiiyak bang okay?!" Ngunit nagulat ako nang nakita kong lalaki kanina ay andito nanamn sa harap ko.

"Heto oh, punasan mo muna ang luha mo" Habang inaabot niya ang panyo niya sa akin at siya ay nakangiti.

Ayoko sana tong tanggapin kaso kasi hindi ko talaga hilig magdala ng panyo sa school at hindi ko alam ano ipangpupunas ko sa muka ko.

"Oh, oh tumutulo na uhog mo."

"Ako na!" agad kong kinuha ang panyo dahil walang ano ano sasaluhin nya talaga uhog ko piste.

"Ako nga pala si Adrian." Nakangiting sabi nito sa akin.

Hindi talaga siya pamilyar sa akin 4th year na ako dito pero ngayon ko lang siya nakita o sadyang di lang talaga ako pala kaibigan at hindi ko nakikita mga nasa paligid ko dahil simula noong nagaral ako dito wala naman ako naging kaibigan.

"Ako si Chelsea..."

"Ahh Nice to meet you!" Inilahad nito ang kanyang kamay.

"Nice to meet you too.." First time kong may mag ganito sa akin at di ko mapigil ang tuwa ko noon..

Hinawakan ko ang kamay niya at ramdam ko ang lamig nito ngunit hinayaan ko nalang dahil nakakatunaw ang mga ngiti niya.

"Ay sorry malamig kasi kinakabahan ako hehe." Inalis niya ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin at napakamot habang nakangiti.

"Nako wala yon, ako dapat magsorry kasi di ako nagalcohol hehe." Natawa siya sa sinabi ko at mas bumilis ang tibok ng puso ko at parang puputok na ito.

" Bakit ka nga pala umiiyak?" Tanong Niya sa akin.

Pinakita ko ang laman ng bag ko sakanya at laking gulat ko noon nagalit siya.

"Hala sino gumawa niyan!"

"Hayaan mo na aalisin ko na-..." Di ko natuloy dahil napasigaw ito.

"Hindi tama tong ginagawa nila sayo!"

Natulala ako dahil kahit galit siya ay ang pogi niya padin.

"Ay sorry nabigla lang ako kasi hindi mo dapat hinahayaan na gawin nila sayo to." Paliwanag nito sa akin.

*,,,,,,*

Hindi ako makapagsalita that time dahil ngayon lang.. Ngayon lang may nag malasakit ng ganito sa akin dito sa School.

Parang siya na ata.. Siya na ata ang magiging Knight in Shining Armour ko..


Thank you for Reading!!❤️

10
$ 0.00
Sponsors of Sheng04
empty
empty
empty
Avatar for Sheng04
3 years ago

Comments

Liked and commented

$ 0.00
3 years ago

thanks

$ 0.00
3 years ago