Everlasting love ending

8 53
Avatar for Sheng04
3 years ago

Kung hindi mo pa nababasa ang una at pangalawa ito ang mga link👇

https://read.cash/@Sheng04/everlasting-love-part-1-2b8adc4b

https://read.cash/@Sheng04/everlasting-love-part-2-5464d8ef

***

Jimwel's Pov

Naguguluhan ako sa sinasabi ni Jenny sa akin.. Pero nakinig ako sa mga sinasabi niya.

"Nakita ko ang mama mo at ikaw.. Sa gilid ng kalsada ngunit may isang motor na sobrang bilis ng takbo at kinuha ang bag ng mama mo.. Nahawakan mo pa nga yung kumuha e kaso nabigla ka dahil may baril pala ito. Umiyak at hinabol ka ng mama mo ngunit pati siya ay nadamay.." Umiiyak ako at naguguluhan sa mga nangyayari.

"Sino yung lalaking yon.. Sino yon!!" Nasigaw ko iyon ng malakas dahil wala akong kaalam alam..

"Mas mabuting itanong mo to sa lola mo alam ko mas may alam siya dito.. Sorry jim.. Ngayon ko lang nasabi sayo.."

***

Umuwi ako at agad kong pinuntahan ang lola ko na kasalikuyang matutulog na sa kanyang higaan.

"Lola.."

Maluha luha na ko dahil hindi ko alam ang nangyayari at nangyari..

"Bakit jim.."

"Noong naaksidente si mama.. Nakipag kita daw siya sa kaumuka ko.. Lola pls naguguluhan ako.. Sino siya!"

"Apo.. Sa maniwala ka o sa hindi.. Siya ang kakambal mo.." Napatigil ako simula noong nabuhay ako ni isa sa kanila walang nagsabi na may kakambal ako!

"Lola bakit! Bakit niyo lang ito sinabi sa akin"

"Dahil ayun ang kagustuhan ng iyong ina.. Hiniwalay ka niya sa kanya dahil gipit na gipit ang iyong magulang.. Ibenenta ang iyong kakambal para mabuhay kalang.. Sanggol palang kayo noon. May nag offer sa mama mo na kung hindi mabayaran ang Hospital bill at para sa pang paopera mo ay ipagpalit nalang ang bata sa pera."

Hindi ako makapaniwala sa aking mga narinig.. Umagos ang aking mga luha.. Dahil kahit kailan di ko nakita ang aking kakambal hanggang sa kunin ito..

"Lola bakit ngayon lang!"

"Naikwento sa akin ng mama mo na magkikita sila sa araw na yon.. Pero hindi nya sinabi kung saan basta ang sabi niya iuuwi niya ang kambal mo.."

Niyakap ako ng mahigpit ng lola ko.. Patuloy padin ang pag iyak ko dahil dalawa palang tao ang nawala sa aking buhay..

***

Kinuwento lahat sa akin ni lola tungkol sa aking kapatid.. May kinuha pa siyang isang box na pinakatatago ng aking mama.. Andon ang mga sulat nila nang kapatid ko.. Max Troy ang pangalan ng akin kapatid..

Ang sakit dahil sa sobrang barkada ko dati hindi ko namalayan o nagtaka man lang sa mga ginagawa ng mama ko..

Napaisip ako sa babaeng napapanaginipan ko.. Nag dugtong dugtong lahat kung bakit napapanaginipan ko siya..

Kahit hindi ko nakita o nakasama ang aking kakambal.. Kadugtong padin siya ng aking buhay.. Yung babaeng yon.. Siya si Zarish.. Alam ko napakasakit sa kanya ang nangyari. Kailangan niya ng makakausap o makakaramay dahil sa mga nangyari sa kanya.

***

Buo ang loob ko na sabihin lahat kay Zarish ang malalaman ko.. Pagtapos palang ng huling klase namin ay hinabol ko na siya. Sa sobrang bilis neto maglakad nakarating kami sa labas ng school.

"Bakit kaba sunod ng sunod! Anong Problema mo?!" Nakita kong nangingilid ang kanyang mga luha na ilang segundo lng ay babagsak na ito.

"Zarish sorry.. sorry nawalan ka ng minamahal.. Dahil ako nawalan din.. Hindi lang isa kundi dalawa.." Nagulat ako dahil Umagos na ang kaninang pinipigilan niyang luha..

"Zarish.. Hindi ko nakilala si Max na kakambal ko.. Pero ikaw.. Ikaw ang magsasabe sa akin kung ano mga nangyari sa kanya.. Gusto kong malaman lahat ng detalye sakanya." Humagulgol ito sa harap ko kaya niyakap ko ito ng mahigpit..

"Ma-mahal na mahal ko si max.."

Sinabi niya sa akin na wala siyang alam sa akin o may kakambal siya.. Pero nasabi Niya sa akin ang mga huling habilin nito sa kanya.. Mas nadurog ang aking puso sa nalaman ko. Sinabi ko sakanya na napapanaginipan ko siya palagi na umiiyak..

***

Ilang linggo ang nakakaraan noong nalaman ko lahat ang tungkol sa aking kakambal.. Tinulungan ako ng Lola ko na makabangon sa sakig ng pinagdadaanan ko.. Parang nanumbalik lahat ng sakit noon.

Si Zarish nakilala niya si Lola at lingo lingo kaming magkakasama para mas tumibay ang relasyon namin sa Panginoon..

"Max.. Ang saklap ng nangyari sa buhay ngayon.. Grabe hindi man lang kita nakasama Bro.." Maluha luha kong kinakausap ang puntod ng aking Kambal.

"Wag ka magalala.. Ako na ang bahala sa Mahal mo.. Hindi ko hahayaang may manakit sakanya at wag ka din magalala dahil sayo lang siya.. Hindi ko aagawin sayo.."

Isang malakas at malamig na hangin ang biglang dumaan sa aking harapan.. Naluha ako dahil alam kong andito Siya.. Pinagmamasdan ako sa malayo..

"Magpahinga kana diyan Max.. Sana kahit minsan dumaan ka sa panaginip ko.."

***

Habang tumatagal mas lumalakas ang pananampalataya namin sa kanya.. Lahat ng problema dumadali dahil sakanya.. Lahat ng sakit nawala dahil sakanya.. Lumaban ako, si lola at si Zarish dahil sakanya..

At iyon ang masasabi kong Everlasting love.. Ang Pagmamahal namin sa Aming Panginoon..

John 3:16

“For God so loved the world, that he gave his only Son, that whoever believes in him should not perish but have eternal life.

End

Salamat po sa pagbabasa.. ❤️

20
$ 5.61
$ 5.61 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Sheng04
empty
empty
empty
Avatar for Sheng04
3 years ago

Comments

Love your story

$ 0.00
3 years ago

thank you babe😘

$ 0.00
3 years ago

Nice

$ 0.00
3 years ago

hehe thank you

$ 0.00
3 years ago

Ang sad lang Di sila nagkasamang kambal

$ 0.00
3 years ago

truee khet ako nasad 😝

$ 0.00
3 years ago

Siguro gusto ni max na mapunta si zarish sakanya kaya magparamdam si max

$ 0.05
3 years ago

yay thank you mamshh 😘

$ 0.00
3 years ago