read.cash Log in

@Shawn09

Joined 21 October 2022 · 2998 posts

Gege_06 First time Mom struggling but fighting πŸ€±πŸ‘ΆπŸ’ͺ

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Shawn09

Hindi ako mapakali. πŸ˜” Iritable ang pakiramdam ko. 😣 Naiinitan ako na nangangati kaya hindi ko na alam ang gagawin. Andito pa naman ako kina ate kaya hindi komportable. Hindi makakilos ng maayos. Hayss. Ang dungis ko na tignan. Daming kati-kati na pag kinamot mo kakalat at lalong kakati. Kagaya ng nasa picture. Unti lang yan sa may taas pero dahil hindi mapigilan ang pagkamot tuwing kakati kumalat na. Tigas pa ng tyan ko na may unting kirot. Hayss 😣😣😣

@Shawn09

Good morning β˜€οΈπŸŒ„ Sa wakas nalinis ko na ang pangalan ko sa work. Since nga hindi ko alam gagawin after iextend ng TL ko ang aking medleave ako ay na-MedRTWO. Need ulit medcert from accredited clinic para malinis pangalan ko. Nahirapan pa ako sa paggamit ng Viber at nagloloko. May time hindi makapagsend pero atleast ngayon okay na. Ang natutunan ko ay wag umasa sa TL. Akala ko kasi okay na ang lahat since wala naman syang sinabi na need ko magpasa ng bagong medcert. Ayan nadumihan ang pangalan ko sa attendance. Di bale moving forward mag-eemail na ako sa hr at clinic. 😊

@Shawn09

Good morning πŸŒ„ Kahapon pa matigas ang tyan ko kaya super nagwoworry ako. Hindi naman sya masakit so okay lang naman siguro ang Baby ko. Grabe din ang pangangati ko. Tyan at hita. Puro na talaga ako kamot. Hehe Kumusta naman kayo people? Hindi ako masyadong makapagpost at puro higa lang gusto kong gawin. Minsan kahit walang ginagawa pagod na pagod pa din ako. Hayss Laban lang at isang buwan mahigit na lang ako ay may Baby ng aalagaan. πŸ₯°πŸ‘ΆπŸ€°πŸ€±

@Shawn09

Pinapalabhan ko lang sana kay Partner gamit ni Baby na mga binili ko para just incase manganak ako ay ready na pero ang nangyari pumunta kami sa bahay ng parents nya. Doon daw sya maglalaba para matuyo agad. Dito kasi sa amin hirap magpatuyo ng mga nilabhan. Ang problema nga lang hindi nya nalabhan pagdating namin sa kanila. Paano namili kami ng sipitan na parectangle. Yung madaming sipit. Tapos namili na din sya pang ulam at nagluto sa kanila. Ayun inabot ng gabi na hindi sya nakapaglaba. Si Mama nya lang maglalabas. Sarap pa naman sana labhan kasi mga bagong kulay puti. Hehe Basta ang bilin ko wag ihalo yung luma sa bago kasi baka pumangit din color ng bago. Ganda tignan eh. Puting-puti at maganda talaga tela. Mahal din naman bili ko. πŸ˜‚ At dahil matagal nakaupo sa kanila sobrang sakit likod at tyan ko. Mainipin kasi Baby ko sa tyan at ayaw matagal nakaupo. Pag-uwi tulog agad kami after ko mag-inarte sa sakit ng likod at pangangati. Hehe Good morning πŸŒ„πŸŒ»

@Shawn09

Yung ang dami ko ng kamot sa tyan. Ang kati kati kasi at pag sinumpong hindi talaga mapigilan ang pagkamot. Feeling ko isa pa to sa dahilan ng paninigas ng tyan ko. Siguro nakikiliti din si Baby kaya ganyan. Hehe Yung sa selan ng pagbubuntis ko dami ko talaga nararamdaman na kakaiba. Linggo-linggo may bago akong nararamdaman. Kung sana lang may kasama akong doctor sa bahay para madali lang ang lahat. Hehe Good evening people. πŸŒ†

@Shawn09

Yung complete bedrest na ako dahil sa ang selan ng pagbubuntis ko. Baka mapremature Baby ko kaya pahinga na ako hanggang manganak. Bawal matagtag at mapagod. Paano na ang aking bayaran sa Lazada na 5k ngayong August 16? Malakas ako gumamit ng Lazpaylater kasi nga may work ako pero dahil wala na akong pasok, nganga na. Madiskarte naman ako kaya kaya ko yan. Hehe Good evening people πŸŒ†πŸ˜”

@Shawn09

Napaaga check up namin ni Baby. Sumabay ako kay ate para na din mapanatag ako kung okay lang si Baby kasi nga panay tigas at sakit. Panay bed rest din tuloy ako. Pa8 months palang kami ni Baby kaya bawal pa sya lumabas. Naiinip na kami ng Baby ko tumitigas na naman tyan ko at sumasakit ang likod. Wala pa kasi si doc. 2pm dapat andito na sya pero almost 3pm na wala pa. Hayss

@Shawn09

Good morning people πŸŒ„β˜€οΈ Ayan ang aga ko na naman nagising. Nagugutom na kasi ang aming Baby Shawn sa tyan ko. Hindi kasi ako nakabili ng bread kahapon para pag magutom ako ay may makukutkot. Hehe Nahiya din ako dagdagan utang ko kina ate sa tindahan. Umabot ng Php 111.00 lang naman pero nahihiya kasi ako. πŸ˜‚ Hindi ako sanay pero mababayaran ko naman na mamaya pakawithdraw. Magbibigay na din ako allowance ni younger brother. Hindi buo ang sahod pero lalaban. 😊πŸ’ͺ

@Shawn09

Papost muna bago umuwi at gabi na. Dagdag savings kahit maliit lang. Dagdag investment din kahit 50 pesos lang habang bagsak pa presyo. Hehe Kahit papano may sinahod kaya nakapagbayad na din ng Shopee loan and Shopeepaylater pati na din ibang due date. Lazada na lang na halos 5k sa August 16. Hehe Goodnight people 😘

@Shawn09

Salad sa panahon na malamig. 🌧️ Last week ko pa gusto ng magatas na pagkain gaya ng buko salad or fruit salad. πŸ˜‹πŸ˜‹ Hindi ako natiis ni mama gumawa sya ng fruit salad at pinadala dito kina ate. Kain tayo people. 😊

@Shawn09

Feeling ko ayaw na ako pabalikin ng TL ko sa work. Tinatanong ko sya ano ba schedule ko Monday palang nagchat na ako pero wala syang reply na oras. Ang alam ko kasi may changes eh. Nagreply sya na need ko fit to work pero hindi nya pa din sinasabi if may changes sa schedule ko kaya feeling ko ayaw nya na ako bumalik kaso hindi pwede. Kahit hanggang 2nd week lang ng August ako magwork tapos leave na. Depende pa sa sasabihin ni doc sa Monday dahil check up na naman namin ni Baby. Dapat Saturday pero dahil puno na allocation para sa leave ay Monday na lang. Kaya pa naman namin ni Baby. Gusto ko lang malaman okay ba Baby ko or super baba na ba ng tyan ko and need ko na ba magleave. Mainit na umaga people. πŸŒ„β˜€οΈ

@Shawn09

Good morning β˜€οΈπŸŒ„ Hindi ako nakapasok kagabi dahil sa fit to work na kailangan. Nabed rest kasi ako for 10 days. May fit to work na sa pinasa kong medcert pero bawal daw magkasama at 24hrs activation lang daw fit to work so nagpateleconsult na naman ako kahapon at dahil nagloloko viber ko nakihiram pa ako kay bayaw at inabot na mga 5pm. At nakisabay si Gcash na nakamaintenance kaya hindi ko napadala bayad for fit to work. Sabi ko today na lang proof of payment para maibigay din nila sa akin fit to work ko. Ayaw na sana ako pabalikin ni Partner kasi pag sa bahay wala akong nararamdaman na masyadong mga masakit pero dahil panay utang sa Lazada at Shopee need ko pa kumayod for few weeks then magmaternity leave na talaga ako. Napansin ko din kasi ang baba na ng tyan ko. Hindi pa nalalabhan mga gamit ni Baby Shawn ko para paglabas nya malinis na mga gamit nya. πŸ₯°πŸ‘ΆπŸΌ

@Shawn09

Ang aga aga ang init. Hehe Maulan o maaraw mainit talaga sa inuupahan namin paano kasi super kulob. Hindi naman pwede na bukas ang bintana at kitang-kita kami sa labas. Natapos na kahapon ang aking bed rest kaya ako ay papasok na mamaya. Hindi na naman kami nito halos magkikita ni Partner. Paano sya ay 2pm-10pm samantalang ako ay 10pm na ata to 7am (waiting sa reply ni TL if may changes sa schedule ko). Pag-uwi ko mag-aasikaso na sya papasok. Kailangan maaga mag-asikaso kasi malayo ang byahe not sure pa if matraffic. Mga 1 1/2 na lang siguro ako magwork tapos magmaternity leave na ako. Depende pa kay doc kasi next check up ko ay July 23 perp dahil may pasok July 25 na lang ako pacheck up. Pag sinabing need na magstay talaga sa bahay walang choice kung hindi ang sumunod. Good morning people. πŸŒ„

@Shawn09

Hindi daw naggrow Baby ni ate. πŸ’”πŸ˜”πŸ˜­ Wala na talaga sya base sa ultrasound. Ang alam ko need iraspa pero depende pa din daw if kaya ng gamot lang. If lalabas si Baby ng kusa. πŸ˜­πŸ’” Hindi naingatan si Baby. 😭 Iniisip ko pa nung nakaraang araw na sana sabay kami ni ate nagbuntis para same kaming malaki na ang tyan habang naglalakad. πŸ˜”πŸ’” Pinagsasabihan din ako ni Partner kasi halatang nastress ako sa nangyayari kay ate. Wag daw ako pakastress kasi ang aming Baby naman ang baka maapektuhan. Pero masakit isipin na may Baby na namang nawala. πŸ˜”πŸ˜­πŸ’”πŸ™ Bantayan mo mama at mga kapatid mo little angel. πŸ•ŠοΈπŸ‘ΆπŸΌ Love ka ni Mommy Tita. πŸ˜˜πŸ•ŠοΈπŸ‘ΆπŸΌ

@Shawn09

Nag-aalala ako para sa Baby ng ate ko. 2 months pregnant na sya pero wala pa ding heartbeat ang Baby nya. At kahapon nagbleeding sya. Masyado daw madaming dugo kaya hindi spotting ang tawag dun. Kahapon kasi stress sya sa mga anak nya. Sya pa ata taga-alis ng pinaikot sa washing machine. Kanina ko lang nalaman kasi pakauwi ko pala kahapon nangyari ang lahat. Tapos kanina ang asawa nya naglaro pa basketball. Para sa akin kasi naiintindihan kong day off nya isang beses sa isang linggo pero sa ganitong sitwasyon dapat hindi nya iwan ang asawa nya. Dapat sya ang mag-asikaso ng mga anak nila lalo na maselan pagbubuntis ni ate sa pang7 nilang anak. Hayss

@Shawn09

Bantay bata muna ang peg ko. Ang aking bed rest ay gamit na gamit. Atleast walang stress at hindi tagtag sa byahe. At ayun nga bantay pamangkin muna kasi ang mama nila ay magbababad ng mga puting labahin. Sayang daw kasi oras. Bed rest din si ate ko since may something sa pinagbubuntis nya. May dugo ata kaya pinagagalitan ko panay kasi ang laba ng mga gamit nila. Hindi kasi nagdadiaper si Jillian paano ay may UTI. Sana gumaling na sya. πŸ˜‡πŸ™

@Shawn09

Bumili kami papaya nung nakaraan at over ripe na sya sa ref. Nakalimutan na kasi. Hehe Tinry ko kasi kahapon yung Avocado kahit ang tigas pa. Violet na kasi sya kaya akala ko okay na kainin. Pero super tigas pa talaga at pait kaya tinapon na lang yung una kong binuksan. May tatlo pa naman na hinihintay kong lumambot. 😊 Madilim na sa labas. Nagpasabay ako kay bayaw ng karne ng baboy at sitaw. I-adobo ko na lang since yun ang madaling lutuin. Bahala na sa lasa. πŸ˜‚πŸ˜…

@Shawn09

For the first time nakakuha ako sa PayPal. πŸ˜‚ At dahil may laman din yung isa ko galing sa mga games pagsasamahin ko na lang para lumaki at mawithdraw pati na rin yung kay Partner. Hehe Yung gusto ko sana ng ice candy na salad. Yung tag10 pesos pero parang wala na akong nakikita na ganun. Hayss. Pwede na din buko shake yung madaming gatas. Sarap sana πŸ˜‹πŸ˜”

@Shawn09

Manas na naman yung kanan. Bakit kaya mas namamanas yung kanan kaysa sa kaliwang paa ko. Hehe Hindi na to super manas kahapon eh pero lumala na naman ngayon. Naglaba lang ako ng ilang pirasong damit tapos namanas na naman. Sana umulan kasi sobrang init na naman. Hindi kinakaya ng powers ko. Haha Pag pinawisan pa naman ako super nangangati ako. πŸ˜…πŸ˜‚

@Shawn09

At kinailangan na nga. Hehe Maliit lang naman ang tubo kaya dito na lang since wala ng mahugot. Mahirap yang sangla ATM ayoko. Yun kasi sinuggest ni Partner syempre hindi ako pumayag. Hirap ata makaahon sa ganyan at malaki interest. Nawithdraw ko na at bumili ng avocado at banana. Para may meryenda na bukas. Kailangan puro na prutas hindi mga tinapay at kanin. Hehe

@Shawn09

Yung cake nung gender reveal ni Baby. Sarap ng Goldilocks. Hehe Gusto ko talaga kumain pa ng cake yung salted caramel kaso ubos na nung bumili si little sis. Mainit na araw ngayong hapon. Grabe ang init ngayong araw dito kina ate. Sa bahay naman ay boring. Kahit may data wala ding silbi kasi mahina signal. Dito ako kina ate patambay-tambay. Hehe Sana mawala na sakit ng ulo ko. Wala kasi akong gana kumain kapag ganito. Wawa naman Baby Shawn ko sa tyan. πŸ˜”

@Shawn09

Good evening πŸŒ† At ayun nga after party bed rest na naman ako for one week. Wala na namang sasahurin pero safety naman ni Baby to dahil panay sakit tyan ko. Naninigas na naman tyan ko at masakit. Hayss Wala naman akong ginawa nung party kung hindi magputok ng lobo and open ng box kasi prank lang yung lobo. Sakit pa ng ulo ko ngayon. Ewan ano na ba ito. πŸ˜”

@Shawn09

Gusto ko sana madaming pink and blue pero syempre dahil panay absent maliit lang sinasahod dun tayo sa basta mabubusog ang lahat. Cake sponsored by my younger sister. And puto from my older sister and husband. πŸ₯°β€οΈ Tapos pansit, lumpia, adobong chicken, chicken curry, malagkit na may buko, don Benito's pichi-pichi, softdrinks, ice cream and rice. Busog ang lahat may pasharon pa. Hehe

@Shawn09

And I found out that it's a Baby Boy. 🍼 πŸ‘Ά His name will be Shawn Michael. πŸ₯° I'm surprised with the gender since what I'm feeling is it's a Baby Girl. πŸ˜… But whatever is the gender of my Baby it's fine as long as he's healthy. πŸ₯° To my little dragon inside my stomach, Mommy loves you a lot. I'm so excited but please lets wait for 2 months. I love you so much. πŸ₯°πŸ’“πŸ˜˜

@Shawn09

Naghahanda na sila para bukas. πŸ₯° Gender reveal na ng aking Baby. Excited din ata si Baby. Kanina pa galaw ng galaw at pinapasuka ako. Hehe Wala akong maitulong kasi may pasok ako. Kaya designs, luto at ligpit sila-sila ang gumagawa. Hindi rin ako nakapagleave kaya papasok pa ako bukas. After magputok lobo bukas ay tutulog na ako kina ate. Hehe Good evening people πŸŒ†

@Shawn09

Ready na for gender reveal ang sulatan ng hula pero ang budget ay hindi pa. Haha At sa Sunday na nga ang gender reveal ng aming Baby. Seven months na sya pero hindi ko pa din alam gender. May unting echos ang gender reveal kasi per hula ng matanda 100 pag kids naman 20. Game sa side ko pero kay Partner sabi nya wala daw pera so sasagutin nya sa kanila. Syempre budget namin ang masasagasaan kaya dapat iready ko na sarili ko. Ang pera ay mapupunta kay Baby so parang galing din sa amin kaya medyo hindi nakakaexcite sa part na yan. πŸ˜…πŸ€£ At work na dahil kailangan magwork work pambayad Lazada na 3500 na ata ang aking due ngayong July 16 at halos 1500 naman kay Shopee. Kaloka. πŸ˜…πŸ€£

@Shawn09

Kalamansi juice nung nakaraang araw. Maraming binili na kalamansi si Partner kasi sabi ng mama nya need ko daw maaasim para tumibay buto ni Baby. Napilitan ako sumunod kasi syempre nag-effort sya bumili at gumastos. Hehe Yung pamamanas ko umabot na ng binti. Manas na din ata kamay ko. Masakit kamay ko pag isasara at sobrang sakit nya kagabi. September pa naman ako manganganak kaya dapat daw wala pang pamamanas. Kasi pag malapit lang daw to manganak. Hayss Ewan kung kaya ko ba pumasok mamaya. Medyo not feeling well na naman ako. Mainit pa ata ako ng madaling araw sabi ni Partner. Ano na Self? πŸ˜…

@Shawn09

Sale sya nung nakaraan kaya binili ko na. Hindi naman ako ang gagamit. Binigay ko yung isa sa pamangkin ko. Apat kasi yan yung 3 kay mama at kapatid ko naman. Hindi talaga ako mahilig na sa ganito eh. Kahit nga pagpulbo hindi ko magawa. Katamad talaga. Tambay dito kina ate para sa 2nd day off. Walang kasama sa bahay kasi work work si Partner. Tinatamad nga sya pumasok kanina kasi pagod na sa 12hrs duty. Hehe

@Shawn09

Hindi ko alam ano trip ng pamangkin ko na si Vannah. Kinagat-kagatan pero hindi kinain. Minsan mapagsasabihan mo talaga pag ganitong nagsasayang ng pagkain eh. Sayang ang apple. Hehe Pauwi na from work. Hindi na ako pagpayag pag pinalipat ako sa upuan na parang hati ang pwet mo sa upuan. Gigigil ako dito sa taga-sigaw eh. Naisahan ako nung nakaraan. Isa lang daw uupo sa part na yun. Maya-maya may pinaupo na malaking lalaki. Sakit sa likod eh. Nagbabayad ako ng tama tapos papalipatin ako sa hindi makaupo ng maayos kasi una daw akong bababa. Ingat people. 😊

@Shawn09

At dahil nga kahapon ako ay umiiyak kasi ewan ko ba. 🀣 Miss ko talaga si Partner at malungkot mag-isa sa bahay. Kakain ka mag-isa at tutulog mag-isa buti sana kung may internet eh ang hirap ng signal dito. Kahit may data ka wala ring signal. Maboboring ka talaga at mapapaisip-isip. Hehe Ako ang nakamiss pero ako ang pina-absent nya. Namiss nya ata ako nag-aasikaso sa kanya ng madaling araw. Maayos naman ang tulog pero feeling ko ang lakas ng ulan ng madaling araw. Parang ang lakas ng hangin pero dahil kulob dito sa inuupahan namin mainit pa din. Mga 10am ako tutulog para tuloy-tuloy na hanggang hapon. Need na pumasok mamaya. Lagot ako kay TL. 🀣

Everything by @Shawn09, by month