Sa Pagpikit ng Mata😌

0 13

Araw man o gabi, segundo at minuto, ikw lang ang naiisip kahit akoy nakapikit. Mukha mong kay sarap titigan, na kahit sa pag tulog,ako sayo'y nahuhulog. Mga tingin at ngiti mong sadyang kaytamis, alam mo bang araw araw ko itong namimis. Siguro akoy baliw na, baliw naba? Ewan ko lang ko talaga, basta alam ko di na yun mahalaga.

Sa pagpikit ng mata, akoy nababalisa, gusto kung tumakbo palapit sayo, pero nasan kaba? Di kita makita. Sa pagpikit ng mata, akoy napapasaya, sa panaginip ikw parin at walang iba. Hinihiling na maramdaman mo, hinihiling na malaman mo, sigaw ng puso at nagsusumamo.

Sa pagpikit ng mata, minsan ako'y napapaluha. Yung may kirot pero masaya. Alam mo yung pakiramdam, na kahit di mo pag aari pero minamahal mo siya, walang kapalit at walang galit.

Kung dumating man ang panahon na magmamahal kana, wag kang mg alala, sisikapin kong maging masaya kahit wala ka. Ok lng ako, di naman katapusan ng mundo. Maniwala ka lahat may nakalaan, minsan matagal pero andyan lang yan.❤️

1
$ 0.00

Comments