Laking probinsya ako, 4 lang kaming nakatira sa malaki at lumang bahay. Nang mamatay kasi ang lola ko, kinailangan namin lumipat dun para di tuluyang masira ang bahay. May 4 na kwarto at bakante ang isa, yun ang silid ng lola. Ilang buwan makalipas mula ng nawala c lola, ok naman ang lahat, napaayos namin ang bahay at muli itong gumanda. Ok na rin kaming lahat, kumbaga medyo naka move on na. Balik na lahat sa normal at busy na ulit sa trabaho. Hanggang isang gabi, alas 9 na nung nakarating ako sa bahay, sobrang tahimik at nakita ko sila papa, mama at kapatid ko sa sala, umiikyak ang kapatid kong lalaki. Kinabahan ako, di naman siya basta basta umiiyak, ang tapang nun eh. Patuloy ang pag iyak niya, sabi niya nakita niya sa lola sa kwarto nito, nagdadasal pero di maintindihan. Sobrang lakas ng boses tila ba sumisigaw na raw ito. Tumakbo raw siya pero di cya nakaalis sa may pintuan ng silid hanggang sa nakita siya ni mama dun at pina kalma. Hindi naman naniwala ang papa ko, sabi niya baka guniguni lang daw yon ng kapatid ko, di raw nagpapakita si lola.
Malalim na ang gabi, tulog na sila pero ako gising pa kasi gumagawa pa ako ng lesson plan, yong kwarto ko katabi ng kwarto ng lola ko. Takot ako sa totoo lang, pero sabi ko si Lola naman yun eh, di ako tatakutin nun. Makalipas ang ilang segundo, narinig ko may nag rorosaryo, si Lola!!! Alam ko boses nya yun, dahan dahan akong pumunta sa kwarto niya, siya nga! Nakaluhod at nag sasalita. Nanlamig ako, para akong mahimatay sa takot, di ako makasigaw, di maka galaw. Nag dasal ako, hanggang sa nawala si Lola. Kinabukasan sinabi ko kina mama at papa, kaya yun ng desisyon sila na ipa blessed ulit ang bahay, ok naman ilang gabi na kaming nakakatulog ng mahimbing. Hanggang sa isang gabi, may sumisigaw sa silid ng lola, kumain kame ng hapunan nun, sa takot namen lumabas kame ng bahay, andun lahat ng kapitbahay namin, di kami natulog sa bahay ng gabing iyon. Kinabukasan, may dalang albolaryo ang tita, sabi nya makakatulong daw iyon para matahimik si lolo pati ang bahay. May ginawa siya tubig na may langis at tawas at kung anu anu pa, may ritwal siya. Kahit mahirap paniwalaan pero ginawa parin namin ang lahat. Sabi ng albolaryo, di pa daw handa ang lola mawala sa mundo kaya bumabalik siya at ginagawa ang nakasanayan niya, sabi nya lagusan daw ang bahay namin kaya nakakabalik ang mga kaluluwa sa mundong ibabaw. Kailangan daw isara yun, pero di namin alam papanu.
Lumipat kame ng bahay para sa ikatatahimik ng lahat,ilang taon ng patay si lola, dinadalaw nya ako sa panaginip pero hanggang ngaun di pa ako nakabisita ulit sa bahay niya. Na truma ako sa nangyari, totoo man un o hindi, ngdulot iyon ng malaking takot sa akin.
Alam ko mahal na mahal kami ni lola kaya siguro ayaw pa nyang umalis. Ang gusto ko lang matahimik na siya.
Hanggang dito nalang muna, babalitaan ko kayo pag nakauwi ako sa amin at sa bahay ng lola ko.