-Buhay sa probinsya-

0 48

Laking probinsya ako, simpleng buhay at pangarap, masaya naman kasama ang buong pamilya. Nung nagtapos ako ng koheliyo, walang pahinga at nag trabaho agad. Pagkaraan ng isang taon, napag desisyonan ko na pumunta sa ibang lugar. Mahirap sa umpisa, nakitira sa tita ko ng dalawang taon, hanggang sa nung kaya ko na, umalis nko sa kanila at nag simulang mag isa, nakasanayan ko na rin na buhayin ang sarili ko at makatulong sa pamilya. Ang laking pagbabago ang nangyari sa buhay ko, ang dami kong natutunan, sa trabaho at sa mga taong nakakasama ko. Naisip ko na iba talaga ang buhay sa probinsya, walang makakapantay, simple pero masaya, ung mga tao na gumigising ng maaga para mag saka sa bukid, yung mga kapitbahay mong parang kamag anak nyo na kasi kahit anu hinihingi sa inyo at imbitado sa lahat ng okasyon, ibang klase talaga. Kakilala lahat ng tao sa barangay na kahit personal na pangyayari alam nila. Yung bahay namen na gawa sa kahoy lahat, di na kelangan ng aircon kc sobrang lamig sa gabi tapos alas 6 palang tapos na ang hapunan ang handa na para matulog. Ang sahod dun sobrang laki na, makakatipid kana lalo at kung may garden kapa(hehe).

Sobrang miss ko na sila. Matapos lng to pandemya, uuwi talaga ako. Kayo anu gusto nyong balikan sa probinsya nyo?

2
$ 0.00

Comments