"The Hearts says What it wants" Part 1

4 36
Avatar for SerayahSnow
2 years ago
Topics: Love

Nasa library ako nung biglang nag ring ang phone ko at pagtingin ko mukha nya agad ang bumungad sa akin. I was a little bit nervous that time at nagtatalo din ang isip ko kung sasagutin ko ba or hindi and then suddenly I ended up talking to him.

It's been years since nawala yung communication namin ng ex boyfriend ko.. He ended our relationship without any explanation.. didn't I deserve an explanation?He just left me hanging..without saying anything.. It was year 2013 when I caught him cheating.As I remember anniversary namin nung time na yun 3rd anniversary.. I'm expecting a call or text coming from him that day pero wala.. Nag text ako sa Kanya ng Happy 3rd Anniversary pero walang reply galing sa kanya.. I called him pero out of coverage sya.. Until I found out that his profile pic in his facebook account was change yung dating kaming dalawa ang nasa profile pic nya pinalitan nya nang solo pic at pati status nya naging single na..from in a relationship to single.. Sunod kong tiningnan ang timeline nya and then I saw him with the other girl... at kung tutu usin mas maganda pa nga ako sa babaeng kasama nya.. Pero subrang sakit lang talaga yung ina akala mong sya na ang the one.. Ay nakahanap na ng iba ganun lang kadali para sa kanya yun.. LDR kami sa mga panahong yun kaya siguro bigla syang nanlamig sa akin pero ang unfair naman dahil wala man lang syang pasabi.. Dumating yung point na nag stalk ako sa account ng girl na kasama nya and I found out na may dalawa na palang anak yung babae..

I cried a lot..knowing the fact that he left me just because of that girl at may anak pa.. ano bang mayron sa kanya na wala sa akin.. Sa subrang pagmamahal ko sa kanya wala ng natira para sa sarili ko..

I block him on my facebook account..Para makapag move on ako sa kanya.but suddenly my sister ask kung alam ko na ba na ikinasal na yung ex ko.. I unblocked him para makita ko kung totoo nga ang sinabi ng sister ko.. And it was confirmed married na nga sya sa huwis.. Pero nagulat ako yung naging girl friend nya na pinalit nya sa akin ay hindi yung pinakasalan nya.. It was Dec. 2014 Nung kinasal sila ng wife nya.. Mukhang matanda pa sa kanya yung wife nya.. I was wondering kung bakit.. Ako naman yung pinapangakuhan nya dati ng kasal.. pero bakit sa iba sya nagpakasal.

I tried my very best na makalimutan sya.. pero hindi ko magawa..Everytime I heard those favorite songs of him..naiisip ko sya at pilit kong binabalikan ang mga masasayang ala ala namin.. At kung kailan gusto ko nang mag move on sa kanya bigla na naman syang magpaparamdam sa akin.. I know it's impossible na maging kami ulit dahil kasal na sya. Hindi rin naman ako papayag na maging kabit nya..

Nasa libray ako nung biglang nag ring ang phone ko at pagtingin ko mukha nya agad yung bumungad sa akin.I was a little bit nervous that time at nagtatalo din ang isip ko kung sasagutin ko ba or hindi and then suddenly I ended up talking to him.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman that time galit ba or kilig or should I ask him closure this time..wala kasi kaming closure nung time na nag break kami.

Pero hindi ko magawa.. Instead I just look at his lovely face hindi parin sya nagbabago ang gwapo parin nya.. Yung killer smile nya walang kupas .Hindi ko na narinig kong anong sinabi nya that time nakatulala lang kasi ako sa kanya.At nang matauhan na ako sabi ko "Malalagot ka talaga sa asawa mo" at ang sabi nya.. Hindi naman nya malalaman..

And that was the start of our communication again.. Nagsisimula na naman syang mag comment at nangangamusta sa akin. Even though may communication na kami ulit wala parin kaming closure hindi namin napag uusapan ang tungkol sa nakaraan namin..

Alam din nya naman na may boyfriend na ako pero hindi nga lang seryoso gaya ng sa amin noon.. Pero ayaw ko parin saktan ang boyfriend ko dahil sya din naman ang naging dahilan kung bakit ko unti unting nakalimutan yung ex ko..

Pero yung feeling na gusto mong mag move on pero sa twing mag comment at mag message sya sa akin kinikilig ako.. I know hindi tama ang nararamdaman ko..kaya pilit kong dinidisiplina ang puso ko..Nakakainis yung ganito na e inlove ka sa maling tao pa.I admit all those years I still love him.. Nasasaktan ako sa twing nakikita ko na masaya silang magkasama ng wife nya..

Until I decided not to response whenever na mag message ulit sya sa akin.. I will never stalk him in social media.Months and year had pass pero di parin ako makapag move on sa kanya.. Wla na ulit kaming communication..until Year 2018 nakita ko yung my day ng kapatid nya na subrang close sa akin.. Nag my day lang naman sya sa araw ng kasal ulit ng kuya nya.. Yes...you read it right kinasal sya not just once but twice first sa huwis.. ngayon sa simbahan na.. I wanted to cry that time pero pinipigilan ko dahil kasama ko ang mga kaibigan ko.Nag comment pa nga ako sa post ng kapatid nya.. ng congrats..

I really need to move on na talaga.. I've always prayed na sana mawala na yung dating sugat na iniwan nya na sana tuluyan na itong maghilom.

To be continued :

Thank you for reading..I'd love to read your comments about this article I hope abangan nyo ang Part 2.

Sponsors of SerayahSnow
empty
empty
empty

3
$ 0.22
$ 0.16 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Betha
$ 0.01 from @gemeex19
Sponsors of SerayahSnow
empty
empty
empty
Avatar for SerayahSnow
2 years ago
Topics: Love

Comments

Alam ko na ang part 2 nito hahaha char.... Habang nagbabasa ako nito parang nasa harapan ka lang sa akin nag kwento nito. Na picture out nako yung time na ge kwento mo ito sa akin noon. Yung napadpad tayo sa danao kasi andun sya? Ahahahaha

$ 0.01
2 years ago

Hahaha.. ikaw najud yumz..

$ 0.00
2 years ago

May mga tao talaga na kahit ang tagal na ng panahon na lumipas ay binabalik balikan ng ating alaala. Kasi nga sabi sa title mo Marz, the heart wants what it wants. Excited ako sa part 2 neto.

$ 0.01
2 years ago

My mga memories kasi na kahit pilit mong ibaon sa limot ay hindi mo parin magawa..nkakalimot man yung isip natin pero yung puso natin pag gusto nyang Balikan ang mga ala ala ay talagang binabalikan nya.. haha..

$ 0.00
2 years ago