Ano Ba Ang "Dysmenorrhea" At Paano ko ito Hinaharap
Dysmenorrhea is the medical term forΒ painful menstrual periods which are caused by uterine contractions. Primary dysmenorrhea refers to recurrent pain, while secondary dysmenorrhea results from reproductive system disorders.
Once a Month nireregla ang mga babae, Yung iba nakakaranas ng ganitong sakit. "Dysmenorrhea"tumutukoy sa paulit-ulit na pananakit ng puson. Swerte mo kung never ka nakaranas nito. Isa ako sa nakakaranas nito tuwing magkakaroon ng regla. Pag nakaramdam na ako ng sakit ng puson, balakang at para akong napalo nanlalambot ang mga paa ko, Delikado na kasi paparating na naman ang dalaw ko. Hindi lang siya basta dalaw kasi may twist doon, yung dysmenorrhea na kung saan nagpapahirap sakin once a month.
Naisip ko nga minsan, Magpabuntis na kaya ako para naman makapag pa hinga naman ang puson ko. Pero Naisip ko rin na, Mabubuntis pa kaya ako? Kasi lagi akong nakakaranas ng dysmenorrhea, sabi nila mababa daw ang matres mo pag ganun. So siyempre sino ba naman ang ayaw mag ka anak diba? Dumarating rin yung time na, dalawang beses ako reglahin sa isang buwan. Normal lang ba yun? Tapos matagal bago matapos yung regla ko. Kung sa iba tatlong araw lang, ako isang linggo. Madaming tanong sa isipan ko pero pagkatapos ko reglahin. Okay na ako ulit. So wala na sa isip ko ang magpacheck up.
Hindi biro maging babae, Lalo na kung isa ka sa nakakaranas ng ganito buwan buwan. Alam mo yung feeling na hirap ka na gumalaw, gusto mo nalang mahiga kasi parang malalaglag na yung pwerta mo, yung sobrang sakit ng puson mo, balakang, at sabayan pa ng katawan na parang pinalo. Tapos pag tumigil ang regla mo asahan mo sasakit ang ulo mo na para bang ang bigat na sasabog na.πͺπ
Paano ko ba ito kinakaya sa tuwing dumarating siya? Well simple lang, Nag ha hot compress lang ako. Hot compress ko yung puson ko tapos yung balakang ko nilalagyan ko ng unan at minsan naglalagay ako salompas lalo na pag ayaw na talaga kumalma. Tapos Ihihiga ko lang at pahinga. Pero nakakaiyak yung sakit niya. Hindi ko siya iniinuman ng gamot. Kasi ayokong masanay ng puro gamot, baka masanay yung katawan ko. Tsaka may mga gamot kasing nakaka baog. Kaya tiis tiis nalang muna ako sa sakit hanggang sa kumalma ito. Actually mga dalawang araw ko lang naman iindahin yung sakit. Sa pangatlong araw may konting sakit pero hindi na malala. Kaya ng tumayo, Sobrang hirap lalo na pag working ka. Dati nga pag inabutan ako sa duty ko mangiyak iyak na ako sa gilid sa sobrang sakit. Hayys. Pag babae ka at ganito ka dapat malakas loob mo harapin yan,ππ
Kaya Sana pahalagahan din tayo ng mga lalaki kasi hindi nila alam ang nararanasan nating mga babae. Wala sila sa katayuan natin buwan buwan nakakaranas ng sakit, tapos sasaktan pa tayo haha jk.Well ang mapapayo ko lang sa katulad kong laging dini dysmenorrhea, Hot compress then rest, Huwag sanayin ang sarili sa mga gamot, baka may dulot yan na hindi maganda sa katawan. Mas okay nalang din yung Herbal mas safe. Sana lang talaga pag nagka anak na ako hindi ko na maranasan pa to.
Patulog na sana ako ng bigla kong naisip magsulat muna ako bago mahiga at ayun inabot na nga ako ng madaling araw. Salamat sa mga babasa nito.ππ
Tama ka friend ang dysminorhea ay hindi birong nararanasan kadalasan ng mga girl. It very good article my friend