#52 My First Tagalog Article

4 62
Avatar for ScarletDoll
1 year ago
Topics: Life, Writing, Blog, Experiences, Story, ...

Medyo nakakapanibago dahil ngayon lang ako magsulat ng tagalog dito sa read.cash. Pero sana maintindihan pa rin ito ni @TheRandomRewarder , tingin ko naman kaya niya dahil bilang isang AI marami siyang alam na language. Bakit nga ba tagalog muna? Simple lang po ang dahilan ko, nose bleed na kasi ako kaka english dito haha 🤣. Sa ngayon din naman wala ako maisip na topic na pwede ko gawan ng article kaya puro random thoughts nalang ang sasabihin ko dito.

Mga gawain ko sa umaga

Maaga talaga ako nagising dahil mas komportable ako mag umpisa sa gawaing bahay kapag maaga pa lang. Kapag kasi tanghali ang kilos ko ay tinatamad na ako. Pero sa umaga pa lang binubuksan ko na ang phone ko at check na agad ng mga notifs. Isa-isa ko na binibisita yung mga sidehustles ko. Syempre para sa ekonomiya kaya dapat maging masipag. Hindi naman tayo makakapulot ng pera sa kalsada ng ganun kadali haha. Sipag at tiyaga talaga ang puhunan nating lahat.

Una sa listahan ko ang Shareit app dahil madali lang naman mag kolekta ng points doon, mga 3 minutes lang tapos na ko dun. Nireredeem ko kasi pang load ang naipon ko na points dun. Malaking tipid na din yung 15, 25, 30 or 50 pesos load diba. Hanggang ngayon naman nakakapag redeem pa din ako kaya tiyagaan lang talaga. Mas mabilis na din dumating yung redemption na load kumpara dati.

Syempre hindi ko malilimutan ang mag check-in at spin a wheel sa Shopee para mag dagdag coins ako sa pag order ko online. Malaking katipiran din kasi kung may mababawas sa total amount ng order diba po. Pero sa ngayon hindi na muna ako nag order sa shopee kasi nagtitipid na ako haha. Ayoko naman na lagi magpa budol sa Shopee. Nakakaubos din kasi ng pera ang Shopee sa totoo lang dahil matutukso ka bumili ng bumili lalo na kung maganda ang items at naka sale pa.

Hindi ko din kakalimutan bumisita sa noise.app, kahit wala na donations na pinamimigay doon ay active pa din ako mag post daily. Pero 1 post a day nalang ginagawa ko dun kasi matumal na din mag post ang ibang users doon, baka naman puro ako nalang ang naka post dun haha. Pero hoping pa din na babalik sa dati ang noise.app. Working pa naman ang site nila kaya tuloy lang sa pag post ng contents dun. Meron pa din naman mga users na active din mag post dun palagi.

Isa din ang Cashrain sa patuloy ko na binibisita. Kahit limited na ang pwede salihan na communities doon ay okay lang dahil marami naman ako nasalihan dati kaya may mga active cashrains pa din ako nasasalihan araw-araw. Swerte na kung maka 10 pesos ako sa isang araw dun. Mas okay na ang kaunti kaysa wala diba. Naiipon ko din naman kaya sulit na din. Like and retweet lang naman ang gagawin dun. Buti nalang at hindi na ukit na suspend ang twitter account ko.

Ang pinaka tutok ako sa lahat ay itong sa read.cash. Alam naman natin kasi na hindi rin ganun kadali ang mag-isip at mag sulat ng isang article sa isang araw. Minsan nga pahinto-hinto ako sa pagsusulat kasi na mental block na ko sa kung ano pa ang idadagdag ko na ideas. Nakaka drain din sa utak pero kapag naman may upvote ng kapwa writer at ni Rusty ay sulit ang effort at pagod sa pagsusulat.

Tutok din ako sa ibang gawaing bahay gaya ng paglilinis, pagluluto at paglalaba. Syempre wala tayong katulong sa bahay kaya dapat kumilos kundi baka maging madumi ang loob ng bahay haha. Kahit man lang sa kalinisan ay bumawi tayo diba kahit konti lang ang pera.

Madalas na nga din pala ang pag ulan ngayon tuwing hapon. Malapit na nga matapos ang summer. Hindi pa rin namin napapaayos yung butas na bubong namin. Wala pa kasi budget para makabili ng bagong bubong. Kaya sana naman huwag bumagyo dahil baka magka water falls nanaman sa loob ng bahay namin.

Kung minsan talaga kahit anong sipag ang gawin ko para bang hindi ako matapos tapos sa gawain ko haha. Kung pwede lang talaga ikayaman ang pagiging tamad eh ginawa ko na maging tamad buong taon hahaha. Sa sobrang kasipagan ko pagdating ng gabi inaantok na talaga ako kaya bihira na ko makapag basa ng articles dito sa gabi, more on sa umaga ako kung magbasa para buhay na buhay ang isipan ko.

Ito lamang po ang nais ko sabihin sa araw na ito. Sana po ay nasa maayos kayo na kalagayan din. Ingat po palagi at laging maging healthy, masaya at mapagpala. Laban lang tayo sa buhay ❤.

3
$ 0.20
$ 0.10 from @BitcoinCashFoundation
$ 0.10 from Anonymous user(s)
A
Avatar for ScarletDoll
1 year ago
Topics: Life, Writing, Blog, Experiences, Story, ...

Comments

To be honest, I didn't understand what you wrote, only the title, which I imagine is a Filipino language, right? The translator fails me, later I will translate your article a little better, I have to do it by paragraphs so that I don't get an error from the platform. Still for some reason it caught my attention. Happy Thursday!

$ 0.00
1 year ago

I'm sorry if I did not include any english translation in this article. But I am glad that you are interested to read this. Yeah, it is a Filipino language.

$ 0.01
1 year ago

You don't have to apologize, I can still translate it in parts. Something that makes me curious is that it seems that with the Filipino language they "mix" English words with their native language, it is something that I have seen in some comments left on this platform, greetings!

$ 0.00
1 year ago

Yes you were right, we have the pure Filipino language, but today as we are using also the English language we often mix the two language when speaking and writing. We were colonized by America before and I think that is the reason why we make English as part of our language too.

$ 0.00
1 year ago