Malaki ang naging ambag ng wikang katutubo o sariling nating wika sa sikolohiyang Pilipino. Dahil ngat nakuha lamang natin sa mga kanlurang bansa ang ating kaalaman sa sikolohiya ay naging malaki ang parte nito ang wika nating mga Pilipino.
Dahil sa ating wika ay mas nabigyan ng malawak na kahulugan para sa mga Pilipino ang sikolohiya at mas nagbigay ito ng kagustuhan sa ating mga kapwa na pag aralan at mas intindihin ang sikolohiya.
Ang wikang katutubo, ay mas nagpalinaw sa mga bagay na may kinalaman sa mga bagay at paraan na patungkol sa mga gawain at habitwal na ginagawa natin.
Mas madaling naihayag ng ating mga sikolohistang Pilipino ang mga pag aaral nila patungkol sa mga kaugalian natin, kung kayat mas naintindihan natin ang ibat ibang pag uugaling pinapakita satin ng mga nakakasalamuha natin sa araw araw.
Dahil din sa sarili nating wika ay nabigyan ng titolo ng mga Pilipino ang sarili nating sikolohiya na hindi na naitutumbas sa sikolohiya ng ibang mga lahi.
Dahil nadin dito ay umusbong ang mga pag aaral tungkol sa ating mga habit kagaya ng “po” at “opo” na nagpapakita at sumisibolo sa pagiging magalang nating mga Pilipino. Isa pa rito ay ang mga oral na tradisyon at panitikan, makikita sa mga bugtong, salawikain, awit, tula, alamat at epiko ang mga pagpapahalaga ng mga Pilipino.
Kaya naman ganun na lamang kahalaga ang wikang katutubo sa pagpapalawak at pag aaral ng sikolohiya natin, dahil mas natulungan nito na mas mabigyan ng malawak at malinaw na paliwag ang mga damdamin at pag iisip natin.
Each of our nations has its own language. Which we usually use in ourselves. Anyway thanks a lot to the author for presenting the topic. Trip writing this kind of article.