Varied Emotions (Tagalog)

0 28
Avatar for Savannah
3 years ago

Nakapaloob sa artikulong ito ang iba't ibang emosyon na madalas makita sa mga tao, mayaman man o mahirap.

Ang emosyong ating nadarama ay nakadepende sa ating mood o 'di kaya'y sa kasalukuyang ginagawa. Minsan hindi mo napapansin na nagiging masaya ka na pala, o 'di kaya ay malungkot pala, o nagagalit at marami pang iba.

Ang ilan sa mga ito ay ating tatalakayin sa artikulong ito. Kapag nagustuhan mo ang ating pag-uusapan ngayon, mangyaring magpatuloy lamang sa pagbabasa.

1 Happiness

Madalas makikitang masaya ang isang tao kapag may nangyaring maganda sa kaniya. Katulad halimbawa kapag ang isang tao ay nanalo sa isang paligsahan, naabot ang pangarap, nakasamang muli ang pamilya at marami pang iba.

Minsan, ang kasiyahan ay hindi natatagpuan sa mga materyal na bagay. Minsan, nakakamtan ito sa mga simpleng bagay lamang pero masasabi mong genuine 'yung kasiyahang iyong nadarama gaya na lamang kapag nagbobonding ang buong pamilya o barkada.

Iba pa rin talaga ang mga Pinoy dahil kahit alam mong nahihirapan na ay nakukuha pa ring sumaya at tumawa. Anumang unos ang dumating, palagi pa ring magniningning ang mga mata dahil nasa puso ng bawat Pinoy ang tunay na saya.

2 Sadness

Ito naman ang kabaligtaran ng kasiyahan. Ang mga taong mangkut ay kalimitang nag-iisa. Nandoon sa sulok o di kaya'y natutulog. Nakikinig ng mga malungkot na kanta at minsan ayaw ng kasama.

Maraming bagay ang nagdudulot ng kalungkutan. Isa na doon kapag matagal nang hindi nakikita ang pamilya. Ang eksenang ito ay madalas na maiuugnay sa mga ofw's na kumakayod sa ibang bansa upang maiahon sa kahirapan ang buhay ng pamilya.

3 Anger

Ang pagkakaroon ng poot at galit ay dahil sa mga external factors na talaga namang nakapagbibigay sakit sa ulo. Minsan ang dahilan nito ay kapag biglang may umasar sa iyo o kung hindi naman ay pinagtataksilan ka na pala ng iyong minamahal.

Ngunit huwag hayaan ang galit na maging dahilan ng ikakasira ng iyong buhay. Huwag mo itong gawing dahilan upang makagawa ng isang bagay na habang buhay mong pagsisisihan.

4 Fear

Ang pagkatakot naman ay madalas nangyayari kapag ikaw ay nag-iisa lamang tapos ikaw pa ay nasa madilim na lugar. Ang pagkatakot ng bawat isa sa atin ay iba -iba. Ang nakakatakot sa iyo ay maaaring hindi nakakatakot sa iba.

Mayroon ding tinatawag na mga phobia kung saan may espesyal na terminolohiya para sa mga bagay na kinakatakutan ng mga tao. Isa na dito ang Claustrophobia o ang pagkatakot sa mga masisikip na lugar. Ano man ang iyong kinakatakutan, nanniniwala akong makakaya mo yang malagpasan. Kung hindi man, at least subukan mong pigilan ang sarili na matakot lalo pa kung alam mo sa sarili mo na makakaya mo yang ma - overcome.

Minsan, may isang bagay na gustong gawin kahit ikaw ay matatakot din naman. Isa na dito ang panonood ng mga sineng may temang katatakutan.

Via Istock

5 Disgust

Ang pagkasuklam ay may maraming depenisyon. Isa sa mga ito ay ang pagkasuklam sa isang bagay kung saan para kang naduduwal o di kaya naman ay parang nahihilo ka kapag nakita mo lang ang isang bagay na pinaka-ayaw mong makita o mahawakan.

6 Surprise

Ang pagkagulat ay isang emosyon kung saan ikaw ay nagugulat. Maraming bagay ang pwedeng manggulat sa iyo. May mabuti at mayroon ding masama. Minsan nagugulat ka dahil sa mapang-asar mong kapatid na kapag nakita kang naglalakad palapit sa kanila ay magtatago ito at kapag malapit ka na ay gugulatin ka.

Mayroon din 'yung magugulat ka na lamang dahil sa anunsyo sa telebisyon at marami pang iba.


Ang mga nabanggit sa taas ay ang mga iba't ibang klase ng emosyon na madalas makita sa mga tao. Ang mga nasabing usapin ay batay sa sariling opinyon at pananaw. Kung may napansin kang mali, mangyaring isulat ito sa baba upang mabigyan agad ito ng agarang aksyon.

Disclaimer:

The photos that were used are for educational purpose. No pun intended.

Inyong nabasa ang iba't ibang emosyon na madalas makita sa tao. Kung may iba pa kayong alam na hindi nabanggit sa taas, mangyaring mag-comment lang sa baba.

Sana ay inyong nagustuhan ang artikulong ito mga kaibigan.

Maghari sana parati ang kabutihan sa ating lahat!

1
$ 0.02
$ 0.02 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Savannah
empty
empty
empty
Avatar for Savannah
3 years ago

Comments