Power of Conveying (Tagalog)

0 26
Avatar for Savannah
3 years ago

Ang pikikipagtalastasan o Conveying sa wikang Ingles ay isang paraan ng pagpapahayag ng saloobin ng isang tao. Ito ay isang uri ng komunikasyon kung saan nagpapalitan ng kuro-kuro o ideya ang mga nagtatalakayan na mga indibidwal.

Bilang isang indibidwal, nararapat lamang na ipahayag natin ang ating mg asaloobin. Huwag natin itong solohin. Tandaan na ang pakikipagtalastasan ay isang two-way process kung saan mayroong dalawa o higit pang mga indibidwal na nagpapalitan ng mensahe.

Hindi lamang ito ginagamit sa loob ng tahanan. Pwede rin ito sa paaralan o kahit saan pa man sapagkat ang mga tao ay natural na nag-uusap sa isa't isa upang magkaintindihan.

Isipin mo, paano na lamang kaya ang mundo kapag walang wika o walang talastasan?Magkakaintindihan pa ba kaya ang lahat? o panay gulo na lamang ang mananaig sa mundo?

Alam mo ba na mayroong parte sa bibliya ang nagsasabi ukol sa wika? ito ang kaganapan sa "tore ng babel."

Tanong: "Ano ang nangyari sa Tore ng Babel?"

Sagot: Inilarawan sa Genesis 11:1-9 ang Tore ng Babel. Pagkatapos ng Baha, inutusan ng Diyos ang sangkatauhan na “magparami at punuin ang mundo” (Genesis 9:1). 
Ngunit nagdesisyon ang sangkatauhan na gawin ang salungat dito: 
“Ang sabi nila, “Halikayo at magtayo tayo ng isang lunsod na may toreng abot sa langit upang maging tanyag tayo at huwag nang magkawatak-watak sa daigdig” (Genesis 11:4). 
Nagdesisyon ang sangkatauhan na magtayo ng isang malaking siyudad at manatili doon. 
Nagpasya din sila na magtayo ng isang higanteng tore bilang simbolo ng kanilang kapangyarihan, at upang gumawa ng pangalan para sa kanilang sarili (Genesis 11:4). 
Ang toreng ito ay nakikilala bilang Tore ng Babel.

Bilang tugon, ginulo ng Diyos ang wika ng sangkatuhan upang hindi nila magawang makipagusap sa isa’t isa (Genesis 11:7). 
Ang resulta ay nakisama ang mga tao sa iba na ang wika ay kapareho ng kanilang wika at kumalat sila at nanirahan sa iba’t ibang panig ng mundo (Genesis 11:8-9). 
Ginulo ng Diyos ang wika sa Tore ng Babel upang ipatupad ang Kanyang utos na kumalat sila sa buong mundo.

May ilang nagtuturo ng Bibliya na naniniwala na nilikha ng Diyos ang iba’t ibang lahi ng sangkatauhan sa Tore ng Babel. Posible ito, ngunit hindi ito itinuturo sa teksto. 
Tila mas kapanipaniwala na ang iba’t ibang lahi ay naroon na bago pa ang pagtatayo ng Tore ng Babel at ginulo ng Diyos ang kanilang wika base sa kani-kanilang lahi. 
Mula sa Tore ng Babel, nahati ang sangkatauhan ayon sa kani-kanilang wika (at posibleng ayon sa kanilang lahi) at nanirahan sila sa iba’t ibang panig ng mundo.

Maaaring tandaan na ang pakikipagtalastasan ay mahalaga. Ilan sa mga dahilan ay ang mga sumusunod na pahayag:

  1. Nabubuo ang isang pamilya, lungsod, baranggay, bansa at maging lipunan na naglalayong magtulungan sa isa't isa, at siyempre dahil ito sa pakikipagtalastasan.

  2. Mahalaga ito dahil sa paksang tinatalakay, malayang naipapahayag ng bawat indibidwal ang kanyang saloobin o kaiisipan tungkol sa isang bagay o ano pa man.

  3. Dito nabubuo ng mga indibidwal na nakikipagtalastasan ang mga nakatagong solusyon sa isang suliranin na kasalukuyang tinatalakay.

  4. Sa pamamagitan rin nito, ang pagmamahalan at pakikipagkaibigan sa isa't isa ay pwede ring mabuo lalo pa't anf pakikipagtalastasan ay isang paraan upang maipahayag ang nararamdaman na bawat isa.

  5. Ang pakikipagtalastasan ay isa ring makinarya o proseso kung saan ang inaasam na kagustuhan ay mabubuo ng mga sangkop na indibidwal o mga nagtatalakay.

Mula sa artikulong ito, nais kong bigyan ng punto na talagang napakahalaga ng pakikipagtalastasan sa buhay ko, mo, at nating lahat. Sa lahat ng larangan ng ating buhay, ang pakikipagtalastasan ay talagang kailangan natin. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng wika na siyang ating ginagamit sa pakikipagtalastasan ay nagagawa natin ang pakikipag-unawaan sa ating kapwa. Hindi dapat na sabihin lang o ipagkamali na ang wika ay isa lamang na pagsasalita.

Muli, dapat tandaan na ang wika ay hindi lamang basta pagsasalita. Ito ay parte na ng ating buhay at isang bagay na masasabing maihahalintulad sa isang diyamante. Ang kahalagahan nito ay sobra sobra.

Inyong nabasa ang patungkol sa pakikipagtalastasan at ang mga kahalagahan nito. Sana ay may natutunan kayo sa aking mga sinaad at nawa'y nagustuhan niyo rin ang aking mga inihayag na kaisipan.

Maraming salamat sa pagbabasa mga kaibigan!

Maghari sana parati ang kabutihan sa ating lahat!

1
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Savannah
empty
empty
empty
Avatar for Savannah
3 years ago

Comments