Nakapahayag dito ang iba't ibang uri ng mga estudyante sa paaralan. Mga estudyanteng wari mo'y may sari-sariling mundo.
Sa artikulong ito, ating tatalakayin ang iba't ibang uri ng mga estudyante na tipikal na makikita sa loob ng paaralan. Mga estudyanteng may kaniya-kaniyang ugali, pananaw, at paraan ng pag-aaral o di kaya ay paraan ng pagpapakitang-gilas sa loob ng eskwelahan.
Kung ikaw ay interesado, mangyaring ipagpatuloy ang iyong pagbabasa dahil narito na ang mga klase ng estudyante.
1 The Jollibee
Kapag ang isang estudyante ay sinabihang Jollibee, ang ibig sabihin ay bida bida sa klase. "yun bang inulit lang 'yung sinabi ng guro kapag nagrerecite para lamang magmukhang matalino. Ang mas nakaka-inis pa ay 'yung pagpapasipsip. Kaway - kaway sa mga may kakilalang ganito diyan!
2 The Bookworm
Ang estudyanteng ito ay madalas na nakikita sa loob ng library. Nandoon sa isang sulok kung saan wala masyadong tao habang hawak ang libro sa kaniyang harap. Ang estudyanteng ito ay tila hindi napapagod sa pagbabasa na kahit napakakapal ng binabasa ay hindi ito nagsasawa.
Kung sa ibang estudyante, maaaring nawiwirdohan sila pero sa mga mag-aaral diyan na mahilig rin magbasa, maaaring sabihin nila na normal lamang ito.
3 The Nerd Type A
Ito naman 'yung tipo ng isang estudyante na kapag nakita mo, ang una mong mapapansin ay ang dalawang malalaking salamin sa mata. Kabilang sa mga sinasabing pinagpala ng angking katalinuhan. Ang klase ng estudyanteng ito ay palaging ipinapambato sa mga paligsahan kagaya ng tagisan ng talino, essay writing at marami pang iba.
4 The Nerd Type B
Kung may Type A, may Type B rin. Sila naman 'yung mga estudyanteng medyo may depekto sa mata kaya nagsusuot ng mga salamin sa mata. Ang iba ay talagang ganon na simula noong ipinanganak sila. Ang iba naman ay nakuha lang dahil sa kakalaro magdamag sa kanilang cellphone o kumpyuter.
5 The Nerd Type C
Mayroon ring Type C. Sila naman 'yung mga nagsusuot ng salamin sa mata para kunwari magmukha silang matalino. 'Yung iba, nagsusuot lang nito para magmukhang cool at pandagdag sa style nila.
6 The Invisible Type A
Ang mga estudyanteng ito ay 'yung mga palaging wala. 'Yung bang palaging bakante ang kanilang upuan dahil palagi naman silang absent. Sila ay minsan lumiliban para tumambay sa kung saan man nila nais tambayan. Kaya naman puro palakol ang matatagpuan sa kanilang marka.
7 The Invisible Type B
Kung may estudyanteng palaging lumiliban sa klase, mayroon namang mga estudyante na palagi ngang present pero mentally absent naman. Pumapasok lang sa klase para sa attendance pero 'yung utak ay lumilipad. Kaya kapag natawagan, iba ang sinasagot.
8 Handsome Boy
Ang mga estudyanteng ito ay palaging nagpapagwapo. 'Yun bang walang ibang ginawa kung hindi ang magpapansin at pumorma. Papasok lang sa paaralan pero parang dadalo sa isang espesyal na pagdiriwang. Minsan, wala namang matinong maisagot kapag recitation.
9 Pretty Woman
Sila naman ang mga estudyante na ang puhunan ay ang kagandahan. Sila ang counterpart ng handsome boys. Sila naman ay palaging pumapasok sa paaralan na punong-puno ng kolorete sa mukha. Minsan mas makapal pa ang kilay kaysa sa natutunan.
Disclaimer:
The photos that were used are for educational purpose. No pun intended.
Inyong nabasa ang iba't ibang klase ng estudyante. Kung may iba pa kayong alam na hindi nabanggit sa taas, mangyaring mag-comment lang sa baba.
Sana ay inyong nagustuhan ang artikulong ito mga kaibigan.
Maghari sana parati ang kabutihan sa ating lahat!
I was mixed student.I cant decide for one type of student.I was the bookworm,pretty woman and a little bit the invisible type B.Anyway now I am adult with diploma in my professional and I have good job.