Hanggang ngayon wala ako maisip isulat na magandang paksa o kahit magandang mayroong nangungunang impormasyon para maibahagi sa inyo na mga mambabasa.
Kamakailan ay naging abala ako sa maraming bagay, at isang dahilan na rin ng pagiging abala ko ay ang modyul ng aking anak. Nahihirapan ako pagsabay-sabayin ang aking mga dapat gawin. Pag ako ay pang gabi sa trabaho sa umaga ako ay nagtuturo sa aking anak, Pag ako naman ay pang umaga sa hapon ko naman sya tuturuan. Ang isang bagay na malaking problema ko sa aking anak ay ang kanyang kalagayan. mayroon syang sakit na kung tinatawag ay (dyslexia) pero di ko pa naman ito nakukumpirma, sapagkat wala pa kami sapat na halaga ng pera upang maipakunsulta sya sa espesyalista. Ang sakit na aking nabanggit ay ang sintomas na kapag ang isang tao ay hirap magbasa, hirap sumulat at hirap sa pagbaybay. Kaya ko ito nalaman dahil ako ay naghanap ng sagot sa aking tanong sa google. At ang mga sintomas na iyon nga ang aking natagpuan na tugma sa dinaranas ng aking anak ngayon.
Ang aking anak ay sampung taong gulang na ngunit sya ay Nasa ikatlong baitang pa lamang imbis na sya ay Nasa ika-limang baitang na.
Nahihirapan sya umintindi, sumasakit ang ulo nya kapag pinipilit nya ang kanyang sarili na intindihin ang bagay na pinag aaralan nya.
Kapag pinasusulat ko sya o pinakokopya ng ilang mga salita, halimbawa :
become - imbis na ganito ang kanyang isulat kaso hindi, decome ang kanyang naisusulat.
Sa panlasa naman, kapag pinatikim ko sya ng pagkaing maasim, sasabihin nya maalat.
Kapag tinanong ko sya ano ang engles ng Malaki ang sagot nya ay small.
Ilan pa lamang yan sa halimbawa na pinagdadaanan ng aking anak. Alam ko na kung ako ay nahihirapan sa kanyang kalagayan ay mas higit syang nahihirapan kaysa sa akin.
Ito ay naisip ko lamang isulat dahil ito ay isang dahilan kung bakit hindi ako madalas maging aktibo ngayon dito.
Sa totoo lang minsan hindi ko na alam ang aking gagawin sa aking anak ngunit hindi ako maaring sumuko. Bagkus lalo ko pang habaan ang aking pasensya at intindihin mabuti ang kanyang kalagayan.
Ang sakit na kanyang pinagdadaanan ay hindi ko pa din malaman kung saan ito nakukuha at kung bakit nagkakaroon ng ganitong klaseng sakit.
Isang dahilan kung bakit ko din ito na isulat ay nais kong humingi ng payo o mungkahi sa inyong lahat na mga mambabasa.
LIKE /COMMENT /UPVOTES kung nais nyo. Maraming salamat sa inyong pagbabasa.
I don't understand this language.