ALAM MO BA?
Mayroong ding mga primaryang sanggunian na napunta sa Ibang bansa gaya na lamang ng mga artifact na matatagpuan sa museo sa I ang bansa.
Kabilang na dito ang Golden tara o Agusan imahe na kasalukuyan ay nasa pangangalaga ng Field Museum Of Natural History sa Chicago, United States.
Maraming artifact na gawa sa ginto ang natuklasan subalit ang karamihan sa kabila ay ibinenta sa mga sanglaan.
Mayroon ding mga artifact na ibinenta sa Black market at napunta sa kamay ng mga pribadong indibidwal.
Black Market illegal na pagbebenta at pagbili ng mga bagay dahil lumalabag ito sa mga restriksyon ng pamahalaan
Gayumpaman, May ikang gintong artifact ang napunta sa mga indibidwal na batid ang kahalagahan nito sa kasaysayan kaya't naipareserba ang mga anyo nito.
Sa kasalukuyan, Mayroong mga batas na nangangalaga sa mga kultural na yaman ng bansa gaya ng Republic Act No. 4846 na tinawag na โCultural Properties Preservation And Protection Act.โ
Nakasaad sa batas na ito na ang Pambansang Museo ang mangangalaga sa mga kultural na yaman ng bansa.
Upang maunawaawan ang halaga at limitasyon ng isang sanggunian, mainam na isaisp ang mga sumusunod na katanungan: Saan nagmula ang sanggunian? Ito ba ay orihinal na dokumento o isinulat ng isang saksi? Sino ang gumawa nito? Kailan ito ginawa? Ito ba ay isinulat nang maganap ang pang yayari o Mas matagal pa? Bakit ito ginawa? Ito ba ay batay sa mga isinagawang panayam o mga ibidensya mula sa mga tuwirang naging sangkot?
Ilan lamang ito sa mga isinasaalang alang ng mga mananalaysay upamh matiyak ang kawastuhan at pagiging patas ng mga primaryang sanggunian.
Sapagkat may pagkakataon na ang mga saksi sa isang pangyayari ay hndi lubos na nauunawaan ang mga pangyayari at maaaring hindi nito nailalahad nang lubos ang buong katotohanan.
May pagkakataon din na nakakaharap ng mga mananalaysay ang mga huwad na dokumento na nagpapanggap na primaryang sanggunian gaya na lamang ng kodigo ni kalantiaw.
๐ฃSANA'Y NAGUSTUHAN NYO ANG ARTIKULONG ITO. MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA. ๐
Napakalalim ng iyong Tagalog.