Hi guys happy Sunday, nakapagsimba na kami kanina. Eto magmwmeryenda muna kami. Andito na kami sa bahay ngayon. Nakabili kami ng jco donuts. Favorite kasi yan ni mother. Tara meryenda muna tayo. Sarap sana nito sa coffee kaso di ako nainom ng coffee eh. Meron kasi akong acid reflux at saka high blood ako kaya di talaga ko nainom ng coffee. Kaya pineapple juice na lang ang iinumin ko. Ok na rin syang partner ng donut. Ang jco donuts kasi masarap talaga hindi masyadong matamis kaya hindi nakakauta. Kaya gusto yan ni mother. Tara po kain na tayo. :)
Good eve guys kumain na ba kayo? Eto calamares ang food namin ngayon. Ngayon lang uli makakakain nito. Nagrest lang ako nung hapon kaya di naman ako gutom. Kaya ok na sakin itong calamares. Maaga din ako mag sleep dahil maaga din kami bukas gigising dahil sisimba. Tara po kain tayo. :)
Hi guys good day, kamusta naman kayo? Now lang ako uli nakapag noise dahil super busy ko talaga. Sunud sunod ang mga ganap. Eto nga pala ang nakuha ko sa exchange gift namin. Useful naman diba lalo na yang frying pan. Yung pillow naman pwede ko ilagay sa sasakyan. O sa upuan ko sa school. Ako din useful din yung binili kong gift kaya nagustuhan din nung kasamahan ko na nabunot ko. Masaya naman ang naging christmas party namin. Sunod sunod yan 3 christmas party. Una sa amin lang magkakaibigan, pangalawa sa lahat ng teachers at pangatlo party ng mga sutdents. Kaya nakakapagod. Pero ok lang masaya naman. At bakasyon na. Yehey! Sa January 4 na ang balik namin. :)
Hi guys kumain kami sa SM sa Everything But Cheese. Ang sarap pala ng food doon. Sobrang nagustuhan namin at affordable naman kaya satisfied naman kami. And for sure babalik uli kami next time babalik uli kami dyan. :)
Hi guys kain na tayo ng lunch. Kamusta naman kayo? Maaga ako nakain ng lunch kasi may work na ko uli ng 12. Kaya ganitong oras nakain na ko. Mabigat bigat ang kakainin ko ngayon. Tapos mamaya christmas party pa namin. Ang daming kain ngayong araw na ito ah. At ang sasarap. Pero hinay hinay lang at baka ma-highblood na naman. Maigi na ang nag iingat. Ihahanda ko na ang pineapple juice mamaya. Tara po kain na tayo ng lunch.
Good morning guys ang bilis ng araw, thursday na. Mamaya ay christmas party na namin. Kagabi nag party na kami ng mga tropa. Ayan nga pala yung food ko kagabi. Mashed potato and chicken. Ok naman masarap naman sya. Mamaya party na sa work namin naman. Bukas party naman ng mga bata. Sunud sunod kaya next week talaga babalik na ko sa gym. Kaylangan i-burn ang mga kinain. Hahah. Panay ang kainan ngayon ang bp ko naku... Dapat pa rin mag ingat sa mga kinakain. Mahirap na. Ngayon papasok muna sa work. Mamaya gabi party na. Have a nice day guys. God bless.
Good morning guys, maaga uli ang gising dahil may pasok sa work. Eto nga pala early christmas gift sakin, ang ganda ng nareceived ko diba, sana lang may mga mailagay akong pera hahahah.. pag ganitong panahon medyo mahirap mag budget dami kasing mga inaanak. Pero keri lang, kaya yan.. :)
Habang nanonood ng tv eto kakain ako nitong cream-o na ngayon ko lang matitikman parang fudgee bar. Bigay sakin to ng friend ko ngayon ko lang kakainin.
Hi guys good morning. Kakauwi lang namin galing simbahan at palengke. Kaya ngayon pa lang ako kakain. Medyo nakakagutom na rin. Kain muna po tayo bago magstart sa anumang gawain sa araw na ito para meron tayong energy. Eto taiyaki na custard flavor. Kain tayo guys. Have a blessed Sunday. ;)
Good eve guys maaga kami magdidinner eto takoyaki na lang ang dinner namin. Namiss ko ito ang tagal ko din kasing di nakakakain nito. Ngayon na lang uli. Favorite ko din kasi ito. Buti may naorderan kami sa online. Kain na rin kayo guys para maaga makapagpahinga.
Good morning guys happy weekend, ang sarap pa sana magsleep pero may mga gawain pa kaya eto kakain muna ng breakfast para may energy. Ang sarap ng food ko today. Actually kagabi yan inorder sa chowking pero di ko nakain kasi busog na ko. Kaya ayan iinitin na lang ngayon. Chicken lauriat. Pero di ko kaya ubusin ang dami eh. Share na lang kami ni mother. Tara po kain na tayo. ;) have a nice day sa lahat. :)
Hi guys good morning, happy friday. Mag breakfast po muna tayo bago pumasok sa work. Kahapon nasa mall kami kaya nakapag uwi kami ng food. Tapos di ko naman nakain kagabi kaya ayan ngayon ko na lang sya kakainin. Kaso malamig pa yun salad. Yung bread naman iinitin ko na. Tara kain po tayo. Have a nice day sa inyong lahat. God bless. ;)
Hi guys good day, maaga talaga ko nagla-lunch kapag may pasok kasi work na ko ng 12. Kaya eto may ulam na ko. Mayamaya kakain na ko. Gulay muna tayo para healthy. Iwas iwas muna sa mga fatty and oily foods. Dapat talaga mga gulay gulay muna. Mahirap magkasakit. Tapos ang gastos pa. Disiplina lang talaga dapat sa mga kinakain. Kayo nagreready na rin ba ng lunch nyo? Anu niluluto nyo guys? Dapat yung healthy rin. ;)
Good eve guys kain tayo ng dinner. Eto nagluto kami ng chicken afritada. Now pa lang kakain medyo marami pa kasing inasikaso. Nakakagutom na rin wala kasi kaming mineryenda kanina, ang busy din kasi sa work tapos dumaan pa ko ng bank at ng palengke. Buti pag uwi sa bahay ayan nakapagluto naman kahit papano. Tara guys kain na tayo ng dinner para maaga din makapagpahinga. :)
Good morning guys nagbreakfast na ba kayo? Ako mag scramble ako ng egg. Eto ang mantika na gamit ko, olive oil para healthy. Kaso ang mahal lang talaga nito. Wala lang akong choice kasi nga puro kami highblood kaya ganitong mantika ang kaylangan namin gamitin. Ang hirap pag highblood dapat ingat na ingat sa mga pagkain. Anyway, mag breakfast na kayo bago pumasok sa school o sa work para may energy. Have a nice day guys. God bless. :)
Good afternoon guys, dahil mataas na naman ang bp ko need ko uminom ng pineapple juice. Ayan lagi akong nabili ng pineapple juice para everyday nakakainom. Ang hirap talaga ng highblood at nakakatakot kapag napabayaan dahil pwedeng maglead sa heart attack or stroke. Kaya ingat tayo lagi lalo na sa mga kinakain.
Good morning guys, monday na uli may pasok na kaya maaga uli ang gising. Guys baka naman pwede nyo ko turuan kung paano ba gamitin yung cash rain na nababasa ko dito. Paano magkaroon ng earnings doon? Please help naman. Gusto ko rin sana gumamit ng app na yon... app nga ba yung cash rain na yon? Hahah sorry wala talaga ako idea about doon baka pwede pashare naman ng idea tungkol doon at kung paano yon gamitin. Maraming maraming salamat in advance. Have a nice day. God bless. :)
Hi guys good afternoon kakauwi lang namin bumili ako ng pang exchange gift. Di na rin ako nagmeryenda sa mall kaya eto dito na lang ako sa bahay kakain nitong carbonara na binili namin kanina. Ininit ko na lang. Nakakagutom na kasi. Ito na rin ang dinner ko. Kain na rin kayo. ;)
Good morning guys, kamusta naman kayo? Sunday ngayon kaya magsisimba kami. Kayo din ba? Wag natin kalimutan magpasalamat kay Lord sa lahat ng blessings na patuloy nating natatanggap sa araw araw lalo na sa life. Mabuti at maganda uli ang panahon natin ngayon. Mag breakfast muna tayo bago magsimba at bago mag umpisa sa iba pang mga gawain. Have a blessed Sunday sating lahat. God bless. ;)
Hi guys good evening, kumain na ba kayo ng dinner? Kami hindi pa. Pero sila Rocky nag dinner na. Mayamaya magpapahinga na yan si Rocky kasi busog na sya. Kung titingnan para syang suplada pero mabait at malambing yan si Rocky. Kaya love na love namin yan...
Hi guys good afternoon. Anong ginagawa nyo ngayon? Ako eto nagprepare ng mga ibibigay sa mga inaanak pero eto pa lang ang nakaready. Madami pang kulang ang dami ko kasing inaanak. Buti nakapagpapalit ako ng mga bagong pera kahapon sa bangko. Ayan nakaready na yun iba. Kulang pa ko sa lalagyan bibili pa ko. Tapos yung ibang gifts naready ko na rin. Kaylangan mag unti unti na para nakaready na dahil mabilis ang araw. Tapos pag weekdays naman ang busy sa work kaya sinamantala ko na ngayon na umpisahan para di rin ako kapusin sa panahon.
Hi guys good morning, kumain na ba kayo ng breakfast? Ako eto lugaw with egg uli ang nabili ko. Now pa lang ako kakain late na ko bumangon wala naman kasing pasok. Anong mga activities nyo today? Ako dito lang sa bahay haharapin ang mga gawaing bahay. Pero kakain muna para may energy. Tara guys kain po tayo. Have a nice day sa inyo. ;)
Good eve guys nag dinner na ba kayo? Ako eto ngayon pa lang. Nakabili ako ng strawberry jam kanina kaya mag bread na lang ako ngayon at yan ang palaman ko. Favorite ko yang ganyang palaman sa tinapay. Ok na sakin yang ganyang dinner. Tapos iinom ng pineapple juice pampababa ng bp. Kain na rin kayo ng dinner para maaga makapagpahinga. Masama din ang nagpupuyat. Lalong tataas ang bp. Tara po kain tayo. :)
Ang ganda ng panahon ngayon mabuti na lang at ganito ang weather sana hanggang mamaya ganito dahil may pupuntahan ako mamaya after ko sa work. Tanghali na pala maglulunch na. Magpeprepare pa lang kami ng kakainin. Kayo ba? Mag aasikaso muna ko para makakain na rin at para makapagpatuloy sa work. ;)
Good afternoon guys nag meryenda na ba kayo? Ako ngayon pa lang kakauwi ko lang kasi galing sa work. Nakabili nga pala ako nitong bibingka sa palengke kaya eto ang memeryendahin ko. Pwedeng hapunan na rin kasi alanganing oras na. Hahah. Saka nakakabusog naman ito kaya meryenda at hapunan ko na sya. Tara po kain tayo. ;)
Hi guys, dahil medyo malapit na kong maglunch inihahanda ko na rin ang aking mga gamot na iinumin. Ang hirap kapag may mga iniinom na gamot bukod sa magastos, ang hirap para sa sistema ng katawan. Kaya dapat talaga maging maingat na sa mga kinakain at alagaan mabuti ang kalusugan. Mahirap pag nagkakasakit.
Good morning guys, dahil may pasok maaga uli ang gising. December na! Ang bilis talaga ng panahon. Papalapit na ng papalapit ang Christmas. Mukhang marami ng namimili ng mga gifts sa mga malls. Ako busy pa sa work eh. Pero paglalaanan ko yon ng panahon. Saka ang budget ko need pagkasyahin. Ang hirap din kasi ng buhay ngayon. Pero ang mahalaga nakakaraos tayo at kasama natin palagi si Lord at ang pamilya natin. Kaya anu pa man ang mangyari merry pa rin ang ating Christmas. ;) God bless everyone!
Pasalubong sakin galing ng Dubai. Nakakatuwa ang thoughtful naman. Sobra kong naappreciate. Hindi man ako makain ngayon ng chocolates pero talaga naappreciate ko ito dahil naalala ako. ;)
Hi guys good morning. Ang ganda ng sikat ng araw ngayon. Dahil walang pasok, ngayon lang ako bumangon hahaha. Nagbawi lang ng rest. Eto now pa lang din kakain ng breakfast. Nakabili kami dito ng lugaw with egg. Natamad na magluto eh kaya bumili na lang. Kayo kumain na ba kayo? Tara mag breakfast muna tayo.
Good eve guys, kumain na ba kayo ng dinner? Ako eto ngayon pa lang. Egg na lang ang kakainin ko ngayon. Ok na ito tig isa kami ni mother. Di talaga ako nagra-rice sa gabi at saka di na marami ang kinakain ko pag gabi na. Kasi wala ng activity mahirap matunawan kapag maraming nakain. Ok na ok na sakin ang egg. Mabubusog na ko dyan. Para mamaya maya ay pwede ng mag rest. Buti na lang walang pasok bukas makakapagpahinga uli. ;) Tara po kain tayo. :)