Ayan ready na ang ulam para sa lunch. Maaga ako nakain dahil may work na uli ako ng 12. Kaya inaagahan din namin ang pagluluto. Pesang isda ang ulam namin ngayon. Pass muna sa mga pork kaya fish na muna. Ok na ito tapos may sabaw naman.
Joined 22 October 2022 · 204 posts
FRIENDLY
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Ayan ready na ang ulam para sa lunch. Maaga ako nakain dahil may work na uli ako ng 12. Kaya inaagahan din namin ang pagluluto. Pesang isda ang ulam namin ngayon. Pass muna sa mga pork kaya fish na muna. Ok na ito tapos may sabaw naman.
Good morning guys gising na ba kayo? Ako eto kakagising lang. At magreready na uli para sa pagpasok sa work. Nilabas ko sa ref itong spaghetti iinitin ko na lang para pang breakfast sayang naman kasi hindi nakain kagabi. Importanteng makapag breakfast tayo para meron tayong energy sa ating mga activities sa araw na ito. Kaya wag kayo magsskip ng breakfast. Sige mag prepare muna ko dito. Have a nice day sating lahat. ;)
Good eve guys nagdinner na ba kayo? Ako ngayon pa lang. Naglalaga pa ko ng egg tapos eto lettuce ang kasama. Ok na sakin yan na dinner. Ayoko din kasi magpakabusog ng sobra kapag gabi. Di rin ako masyado sa rice pag gabi. At yang lettuce yan ang favorite kong gulay. Kaya lagi kami nabili nyan sa palengke. Tara po kain na tayo ng dinner para maaga makapagrest. ;)
Hi guys nagmeryenda na ba kayo? Eto may nagbigay ng meryenda samin. Kain po tayo. Tamang tama at nagugutom na ko. Jollibee pa talaga mabubusog na ko nyan medyo alanganin na sa oras malapit na rin mag lunch haha.
Good morning guys gising na rin ba kayo? Dahil Monday at may pasok na uli, eto maagang bumangon para makapag prepare na ng breakfast. Ayan lulutuin ko na itong sausage. Mabilisang kilos para di ma-late. Nabili namin ito sa grocery kahapon. Mukhang masarap laso purefoods. Mag breakfast muna rin kayo bago pumasok sa school o sa work. Have a nice day sa inyo guys. ;)
Good evening guys, nakapag dinner na ba kayo? Kami tapos na. Kakatapos lang, at eto biglang nag uwi ang pinsan ko ng mcdo burger at fries. Galing sila ng park tapos kumain sa mcdo ayan pinasalubungan pa ko. Kaya lang busog na ko at nakapag toothbrush na rin ako. Ilalagay na lang sa ref bukas na lang kainin o di kaya ibibigay ko na lang sa tita ko. Maaga kasi kami nag dinner kasi magpaplantsa pa ko ng uniform at maaga na naman ang pasok bukas. Gusto ko maaga din makatulog.
Hi guys good afternoon, nag uwi si father ko ng pansit canton naman. Ayan may meryenda na kami. Pero busog pa ko sa lunch kaya mamaya na lang ako kakain nyang pansit.
Nakapagsimba na rin kami. At andito na kami sa bahay. Eto magmemeryenda muna. Nakabili kami kanina ng food. Eto carbonara. Kakain muna bago magpatuloy sa gawain. Kain po tayo. ;)
Good morning guys gising na ba kayo? Maaga kami dahil magsisimba kami. First Sunday of Advent na nga pala ngayon. Papalapit na ng papalapit ang christmas. Malamig na rin ang klima. Kaya tamang tama itong hot chocolate na iinumin ko. Favorite ko rin itong swiss miss masarap to bihira lang ako makabili nito kasi medyo mahal compare sa milo at ovaltine. Mag breakfast muna tayo bago magsimba at bago magstart ng anumang gawain. Have a blessed Sunday sa inyong lahat. God bless. ;)
We receive many greetings during this holiday season, but the message of hope, joy, and love is always special to us at this festive time of the year. May we and our family be happy this coming Christmas and have a prosperous new year. :)
Nakatulog ako now lang ako nagising. Pag gising ko eto dala ng tito ko pasalubong samin. Tapos may mga ulam ding dala. Tamang tama nagiisip kami kanina ng food mamayang gabi. Eh may mga dala sya kaya may pagkain na pang mamaya.
Ganda ng panahon madaling makapagpatuyo ng damit mabuti nakapaglaba na kanina. Gusto ko yun ganitong weather. Di naman sobrang init ayos lang naman. Masarap din sana mamasyal kaso need ko pa rin mag rest. Sa susunod na lang pag ok na ok na ko.
Ganda naman nitong socks na ito bigay sakin ng friend ko. Ang cute ng design nya. Nag order daw sya sa shopee ang daming iba't ibang designs tapos yang isang pair binigay nya sakin. Alam nya favorite color ko ang pink eh. Napaka thoughtful talaga ng friend ko. Kahit di ko naman birthday binibigyan ako. ;)
Good morning guys happy weekend. Sarap magsleep medyo malamig kasi. Ayan pati ang alaga naming si Rocky mukang inaantok pa. Pero gising na yan gusto na nya kumain ng cat food. Alam na nya na tuwing umaga kakain na agad sila. Siguro natatamad pa lang syang kumilos kasi di pa naman namin sila tinatawag saka inihahanda pa lang yun food nila. ;)
Kaunting kembot na lang December na. Papalapit ng papalapit ang Pasko. Ang bilis lang talaga ng panahon. Sigurado parami na rin ng parami ang namimili ng mga panregalo. Dapat makapag unti unti na rin ako makapagprepare para di rin ako mabigla. Medyo marami rin ang mga inaanak ko. Kahit anung halaga man ang maibigay nating regalo ang mahalaga ay naalala natin sila at napasaya. Yan ang spirit ng Christmas yung pagbibigay natin ng love at kasiyahan.
And from the start Maybe I was tryin' to hard It's crazy 'cause it's breakin' my heart Things can fall apart, but I know That I don't want you to go.... πΆπΆ Napapakanta tuloy ako kasi nilagay nila sa youtube mga music. Alam nyo ba yang song na yan? I don't want you to go ang title nyan. Kinanta ni Lani Hall. Ang sarap lang din mag sound trip. :)
Naglunch na ba kayo? Ako eto now pa lang, ayan ang lunch ko noodles with egg. Pinalamig ko muna kasi bawal daw kumain ng mainit kapag bagong bunot ng ngipin. Iniisip ko nga kung di ko na lang muna kainin ang egg kasi diba malansa eh bagong bunot kasi ako. Late na pala ang lunch ko di ko kasi namamalayan ang oras kaya pala nagugutom na ako. Malapit na pala mag 2pm.
Salamat naman at dumating na ang order ko sa Toby's. Nag sale kasi ng mga selected items eh kasama yang nike na cap gustong gusto ko yan eh. Ang ganda kasi. Una kong order yung adidas na white kaso di pala available kaya yan na lang nike. Maganda din naman sya eh. Nag order naman ako shirt na nike para sa pinsan ko regalo ko sa kanya sa christmas. Nag sale din kasi. Buti may available na size medium. Nag aabang lang ako lagi ng sale dyan sa Toby's para medyo mura naman kasi ang shipping fee nila malaki din eh.
Good morning guys, kain tayo ng breakfast. Eto lagang kamote ang food namin today. Nakakabusog ito mabigat sa tyan. Mabuti at nakabili kami nyan sa palengke nung Monday.
Nagising ako dahil need kong mag take nitong antibiotic. Binunutan ako ng ngipin nung Wednesday kaya eto may antibiotic ako. Every 8 hours kasi ang pag inom nito. Kaya ayan sakripisyo lang talaga. 5 days lang naman ang pag take ko nito. Sa Monday makakapasok na rin ako sa work. Bawal lang talaga yung magbuhat ng mabibigat at yung ibang mga physical activities baka kasi mabinat pa ko.
Spaghetti kaninang umaga, spaghetti uli ngayong gabi. Craving satisfied na talaga. Ilang araw na kasi ako nagc-crave sa pasta, ayan mula morning hanggang gabi spaghetti ang food dito. Hahah. Umorder pala sila tita sa mcdo. Nagpapahinga kasi ako kanina sa kwarto pag labas ko ayan ang nakita ko sa table namin. Tara guys mag dinner na tayo para maaga makapagpahinga. :)
Thank you sa maagang papasko ng aking pinsan. Mabuti at ganito ang binigay nya sakin alam nya na nagamit ako ng soap na cetaphil. Tamang tama naman at malapit na rin maubos yung stock ko. Maganda ito lalo na sa mga sensitive ang skin. Kaya matagal ko ng gamit ito. Nahiyang na rin. :)
Gandang tanghali guys, nakakain na ba kayo ng lunch? Kami kakatapos lang, at eto sapin sapin bigay ng friend ni mother samin. Mukang masarap. Pero dahil kakatapos lang namin kumain ng lunch mamaya ko na lang titikman busog na kasi talaga ko. Dami ko rin nakain. Mamaya na lang itong sapin sapin sa meryenda. ;)
Ayan sa wakas nakabili na rin ng olay at oxecure. Ang bango ng olay na yan mula nung nakita ko na ineendorso ni Bright yan naisip kong bumili tapos ayun nagustuhan ko naman kasi ang bango bango nya. Yang oxecure naman ginagamit ko lang kapag minsan may pimples ako. Effective naman sya madali mag heal ang pimples at walang scar.
Dahil tapos ng kumain, ayan iinom naman ng gamot para sa highblood. Mahirap talaga kapag laging mataas ang bp. Minsan bigla ka na lang mahihilo, sasama ang pakiramdam. Tapos dapat maingat sa mga kinakain. Tapos kaylangan laging mag exercise para nakakapagpapawis madaling makapagpababa ng bp ang exercise. Kapag ok na ok na ko makakabalik uli ako sa gym. Nagpabunot kasi ako ng ngipin kaya di pa pwede mag gym. Rest lang muna dito sa bahay.
Good morning guys, kain tayo ng breakfast. Dahil nagccrave ako sa pasta, ayan nakabili naman si mother ng spaghetti. Yan ang aking breakfast for today. Mahilig talaga ko sa pasta. Ang di ko lang type na ganyan ay yung pesto at oil based. Pero spag, carbonara, lasagna at baked mac gustong gusto ko yang mga yan. Tara po kain tayo. Have a nice day. :)
Hi guys good afternoon sa inyo, nag meryenda na ba kayo? Ako ngayon pa lang. Eto pancake at buttered corn ang food ko dito. Kakabili lang din namin nito kedyo naging busy din kasi dito sa bahay. Tara kain po tayo. :)
Good morning guys, gising na ba kayo? Maaga uli ang gising dahil may pasok. Ayan pati ang alaga naming si Rocky ay gising na rin. Nakaabang na sya sa breakfast. Buti na lang nung Sunday ay nakabili na ko ng cat food nila. Ang lakas kumain nyan si Rocky. Kasabay talaga namin sya nagigising. Alam na nya na pag morning kakain na sila ng cat food. :)
Good afternoon guys, ayan nakabili na ko ng mga pwedeng ulamin mamaya. Pass muna sa mga pork baka ma-highblood na naman. Tuna muna tayo ngayon. Ang hirap talaga kapag highblood ang daming bawal na pagkain. Kaylangan talaga may disiplina sa pagkain.
Nakapagsimba din kanina. Mabuti at napaaga kami at may naupuan. Marami kasing tao kaya mahirap ma-late baka wala ng upuan talaga.