read.cash Log in

@Sanrrio

Joined 22 October 2022 · 204 posts

FRIENDLY

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Sanrrio

Ang ganda ng panahon ngayon. Nakapagsimba na rin kami. Sana mag tuluy tuloy na ang ganitong weather. May mga gagawin pa rin sa bahay pag uwi. Bukas may pasok na uli. Ngayon ay papunta naman kami ng bayan at may mga need bilhin. Ingat kayo sa mga lakad ninyo for today. God bless. :)

@Sanrrio

Good morning sa inyo. Pag gising ko ngayon nakita ko itong mga chocolates pasalubong pala kagabi ng tita ko. Nagpunta pala sila ng mall may biniling panregalo tapos ayan inuwi nya samin. Favorite ko ang chocolates pero naghihinay hinay na ko kumain nyan dahil mahirap na baka tumaas ang sugar... hindi na tayo bumabata.. hahah.. okay lang kumain wag lang marami at saka dapat minsan lang wag gawing madalas. :)

@Sanrrio

Good eve guys kumain na ba kayo ng dinner? Ako eto ngayon pa lang. Etong lucky me pasta carbonara ang niluto ko napapagod na kasi ako kaya eto na lang dinner ko para mabilis. Tutal gabi naman na. Hindi ako nakain ng marami pag gabi kaya ok na sakin ito. Dami ko kasing ginawa maghapon kaya nakakapagod. Tara po kain na tayo ng dinner para maagang makapagpahinga. :)

@Sanrrio

Dagdag na naman sa magagamit kong socks sa gym. Mahilig ako sa mga sporty socks kase gamitin ko talaga sya pag nagwoworkout ako. Buti na lang meron sa Toby's online. Kasi sa mismong store laging large at xl ang size nitong adidas socks ganun din sa nike. Buti sa online may small. Ayan kasya saken.

@Sanrrio

Kahit maulan nakadaan pa rin ng watsons at nakabili na uli ng face powder. Eto ang ginagamit ko, dr sensitive, pwede kasi sya sa mga sensitive ang skin. Tagal ko na rin ginagamit ito, kasi nalaman ko na yung mga johnsons baby powder at tender care sa body pala yon hindi sa face hahaha, dati ginagamit ko rin yung mga yon sa face ko eh malay ko ba na pang body pala yon hahah. Tapos nalaman ko nga itong dr sensitive face powder maganda naman sya kaya ito na ang palagi kong ginagamit.

@Sanrrio

At bumuhos na naman ang ulan. Ayan lakas na naman ng ulan.... mabuti na lang talaga kanina nakapaglaba kami. Ang init init kaninang umaga. Ngayon biglang naging ganito ang panahon. Marami rami din kaming nalabhan at mabuti naalis na namin kani kanina sa sampayan bago pa umulan. Naku sana naman ay tumigil din ito, baka mag baha na naman kasi. Nung isang linggo lang binabagyo tayo ni Paeng, tapos eto na naman nag uulan na naman ng malakas.. hays. Sana naman ay huminto na rin ito.

@Sanrrio

Lunch time na po tara kain na po tayo. Nakapagluto kami ng sinigang na bangus. Eto ang aming ulam ngayon. Dapat lang mag ingat at matinik ang bangus. Kain na rin kayo, masama magpalipas ng gutom. Mamaya na uli ipagpatuloy ang mga gawain. Kain muna. :)

@Sanrrio

Ganyang house yun gusto ko maipatayo. Nag iipon pa kasi kami pero ganyan lang na simpleng house ok na sakin. Kaunti lang naman din kasi kami at ang mga gamit namin. Anu pong maganda sa dalawa?

@Sanrrio

Nakatapos na rin maglaba at maligo. Mabuti at nakabili na uli kami nitong aloe vera shampoo. Eto na ang ginagamit namin kasi may nakapagsabi na maganda daw ang aloe vera sa buhok at nakakatulong makakapal. Kaya sumubok kami. At nagustuhan naman namin kaya eto na palagi ang ginagamit namin na shampoo. Maganda naman nga, nakakadulas ng hait at parang nakapal nga yun buhok ko.

@Sanrrio

Dahil mainit ang panahon at habang nag hihintay sa washing machine, kakain muna ng ice cream. Ang init kasi ngayon. Pero oks lang yan makakapagpatuyo ng mga damit. Favorite ko ang ice cream pero syempre dapat hinay hinay lang sa pag kain at baka sumakit ang lalamunan at baka tumaas ang sugar. Hahah. Saka minsan lang din naman ako kumain nito. :) namiss ko rin nga talaga.

@Sanrrio

Ayan malinis na uli ang slippers ko. Tuyo na rin sya sa wakas. Nilabhan ko kasi sya kahit black yan at di naman halata kung marumi na sya ay syempre need pa rin talagang linisin. Gusto ko sana kulay pink kaso mas kitang kita doon ang dumi. Kaya black na lang yun pinili ko. Pambahay ko sya. Ang daming designs nyan ang gaganda. Mabuti at malinis na sya magagamit ko na uli. :)

@Sanrrio

Good morning sa inyo, ang lamig ngayon, sarap pang mag sleep, pero kahit walang pasok sanay na rin talaga ko na maaga nagigising. Eto kakain na muna kami ng breakfast. Nakabili na kami ng pandesal. Naalala ko meron nga pala kamo nitong strawberry jam, masarap ito favorite din namin ito dito sa bahay. Para hindi muna magprito ng hotdogs or ham, eto muna ang ipapalaman nakin sa bread. Tapos timpla na lang ng chocolate or coffee. Tara po kain na tayo bago magstart ng ating mga gawain. :)

@Sanrrio

Good evening sa inyo. Ang dami kong pagod ngayong araw na ito. Maraming inasikaso kasi. Kaya eto gutom much na. Tara kain na po tayo ng dinner. Nakaorder kami ng tapsilog. Pero kaunti lang ang kakainin ko share na kami dito ng bebe ko. Hindi ko naman kayang ubusin ito. Kaunti lang talaga ang kain ko lalo pag gabi. :)

@Sanrrio

Good afternoon sa inyo, nag lunch na ba kayo? Ako now pa lang, ang dami ko pa kasing ginawa. Kaya late na ang lunch ko. Gutom na nga ako eh. Pag busy talaga di na napapansin yung oras. Naramdaman ko na lang nasakit na ang tyan ko. Pag kita ko sa orasan namin ayan, malilipasan na ko ng gutom. Tara po kain tayo. After kasi kumain aalis ako may need naman akong isubmit na mga papers. Ang busy lang talaga ng life. Enjoy the rest of the day po.

@Sanrrio

Yung friend ng mother ko nagbigay ng skippy peanut butter. Ang thoughtful naman. Alam nya kasi favorite namin yan. Mahilig kami sa peanut butter tapos pag nagmamadali yan talaga lang ang pinapalaman namin para di na magluto. Ang sarap naman kasi nya sa tinapay lalo na sa pandesal. Nakakatuwa lang at kahit nasa Italy na sya hindi sya nakakalimot samin. :)

@Sanrrio

Hello sa inyo good morning, maaga kami umalis dahil may aasikasuhin uli, dumaan muna kami ng shakeys para kumain. Di na nakapagbreakfast sa bahay nagmamadali kasi. Kaya eto now pa lang kami kakain ng breakfast, nag ccrave kasi ako sa pizza kaya eto dito na kami sa shakeys pumunta para pagtapos kumain derecho na sa lakad. Hopefully maging ok pa rin ang panahon. Have a nice day sa inyo. Kain na rin kayo ng breakfast. :)

@Sanrrio

Nakapag gym na uli ako kanina. Sarap din talaga magpapawis. Nakakaalis ng stress. Namiss ko mag gym kasi nag close sila ng 4 days mula nung nag bagyo hanggang november 1. Buti kahapon at kanina nakapag gym na uli ako. Kahit pagod sa ibang gawain naiagaw ko pa rin sa oras ang pagwoworkout. Weights lang ako kanina kasi kahapon nag cardio naman ako. Saka medyo pagod ako sa byahe kanina kaya sabi ko kay coach mag weights lang muna ko. :)

@Sanrrio

Yung gloves ko halatang gamit na gamit na, dapat makabili na ko uli ng bago, para may kahalili ito. Need ko yan pag nagba-bike at nag gi-gym. Nagkakaron ako ng kalyo pag di ako nagamit ng gloves eh. Kapag nakapunta ng mall makatingin nga para may pamalit kawawa naman itong gloves ko ang tagal na nito kasi. Pero pwede pa naman sya gamitin kahit papano. Halata lang talaga na luma na sya.

@Sanrrio

Maganda pa rin ang weather, salamat naman at mas maayos makakakilos pag ganito. Tamang tama at may mga need akong lakarin ngayon. Sana nga may maaccomplish ako sa buong maghapon para hindi naman sayang ang araw. Yun nga lang medyo matraffic pa rin di naman talaga yon mawawala. Kaunting tiis lang. Kung may mga lakad kayo or work ingat po. Laging magdala ng payong para kung sakaling sumama uli ang panahon ay nakaready tayo. Have a nice day sa inyong lahat.

@Sanrrio

Good morning sa inyo, musta naman ang tulog nyo? Ang sarap pa sanang matulog kaso marami pang aasikasuhin kaya maaga din ako bumangon. Eto nakapagprito na ng spam at may pandesal na para makapag breakfast na. Kain muna bago mag start sa anumang gawain para may energy. Tapos ayan may chocolate drink din pampagising. Tara po kain po tayo. Have a nice day sa inyong lahat. :)

@Sanrrio

Good evening sa inyo, kumain na ba kayo ng dinner? Kami eto nag yaya ang family kumain sa labas. Kaya dito na kami sa popeye's pumunta. Favorite namin ang chicken dito ang sarap talaga. Ayoko mag rice kaya spaghetti ang inorder ko. Nakakagutom na ang dami ginawa kanina kaya eto dinner time na. Para pag uwi mamaya makakapagpahinga ng maaga. Tara po kain na tayo. :)

@Sanrrio

Gandang tanghali sa inyo, tara po kain muna tayo. Eto andito kami ngayon sa jollibee para kumain ng lunch, ayoko na muna mag rice. Nakakabusog na rin naman ang jolly hotdog pati fries. Oks na ko dyan. May pinuntahan kasi kami kaya naisipang sa jollibee na lang kumain. May mga aasikasuhin pa rin naman ako pagkatapos kaya kumain na rin kami dito. Kain na rin kayo. Masama magpalipas ng gutom.

@Sanrrio

Nakalabas din at kahit papano nakapaglakad lakad. Uminit na ng tuluyan ang panahon. Kaya dapat may payong pa ring dala. Super init,gusto ko na nga mag alis ng facemask di ako makahinga. Sarap na sana mamasyal kaso sumobra naman ang init.

@Sanrrio

Salamat naman at medyo gumanda na ang panahon. Makakadalaw sa school para icheck ang classroom. At saka may mga aasikasuhin pa ring iba habang wala pang pasok. Dapat samantalahin yung mga importanteng dapat lakarin. Pero dapat lagi pa rin ready at may dalang payong. Mahirap na baka bigla na naman umulan.

@Sanrrio

Good morning sa inyo, musta naman ang tulog nyo? Kasabay ng gising namin, gising na rin ang alaga naming si Rocky. Ayan kahit papikit pikit pa sya ay gising na sya nakaabang na sa cat food nagugutom na sya. Tuwing umaga pag nag bubukas na kami ng pinto sasalubong na sya, alam nya pakakainin na namin sila. Super bait at lambing nyan si Rocky. :)

@Sanrrio

Good evening, dinner time na po. Tara kain na po tayo. Eto nakabili kami ng pork siomai. Eto ang aming dinner. Favorite namin yan dito sa bahay.

@Sanrrio

Daming nacu-cutan sa phone case ko. Nagustuhan ko ito kasi pink sya at cute naman talaga kahit na bulky sya. Ang hilig ko lang talaga din magpapalit palit ng phone case pero most of the time color pink talaga gusto ko kasi favorite color ko sya and pang girl talaga. Kaya pag bumili uli ako ng bagong phone case for sure pink uli. :)

@Sanrrio

Habang nanonood ng movie ayan nagpapalamig din muna. Nakauwi na kasi kami kaya eto nagpapahinga muna, nood nood lang muna. Sakit ng ulo ko sa byahe, pero naabutan ko kasi sila nanonood kaya eto nakinood na rin ako.

@Sanrrio

Kain na po tayo. Bago umuwi ay kakain na muna kami, alanganin na kasi, lunch time na talaga eh, nakakahilo naman magbyahe ng gutom. Kaya eto nag order na kami ng food. Yung kaninang chicken joy ko sa bahay sabi ko kila mother kainin na nila para hindi sayang. Kakain na kasi kami dito. Para pag uwi busog na. Makakapagpahinga pag uwi. Buti at di pa nabagsak ang ulan.

@Sanrrio

Napadaan na naman kami dito sa may Jaytee's. Bumili lang kami ng buko pie pasalubong. Favorite kasi ng mother ko ang buko pie. Bihira lang din kasi kami mapadpad dito. Ang layo din naman mula sa amin. Medyo nadilim na uli ang panahon. Mukhang babagsak na naman ang ulan. Mabuti at nabili na namin ang dapat bilhin. At mayamaya ay makakauwi na rin.