Gym time is the best time. Kaya kahit ang busy sa work, iniaagaw ko pa rin sa oras ko ang pagwoworkout dahil kaylangan ko talaga. Highblood ako at may findings din ako sa heart. Sabi nga nila ang bata ko pa pero bakit daw highblood na ko agad. Eh walang magagawa nasa dugo na namin yan. Lahi namin talaga. Kaya bukod sa diet ay kaylangan din talaga ng exercise. Kaya after ko sa work magpapahinga lang ng kaunti tapos punta na ko ng gym. Mas masarap sa pakiramdam pag pinagpapawisan. Sabi sakin nung iba bakit ko pa daw need mag gym eh ang payat ko na daw. Di naman ako nagpapapayat kasi. Di naman lahat ng napunta ng gym ay para magpapayat or magpasexy. Ako kaylangan ko ito dahil sa kondisyon ko. At malaki ang naitutulong sakin ng pagwoworkout. Kaya pinagpapatuloy ko sya. :)
No comments yet