Sayang, Paasa Lang Pala!

0 21
Avatar for Samay-Ban
3 years ago

Bakit? Bakit? Bakit?! Paano? Maraming bakit at paano pero hindi ko alam kung ano. Sagot, gusto kitang hanapin. Pero okay lang, darating ang tamang panahon. Maniwala lang tayo.

Oh no! Akala ko pa naman meron na. Akala ko spotting lang iyon. Akala ko hindi ako madadatnan kasi hindi ako dinatnan noong nakaraang buwan. Akala ko pa naman meron na. Iyon pala, akala lang. Puro lang ako akala. Umasa at nanalangin na meron na. Pero wala pala. Parang gumuho ang mundo nang nakita ko na dinatnan ako. Masakit sa damdamin pero anong magagawa ko. Hintayin lang namin ang araw na magkakaroon din kami. Hindi kami titigil na umasa at manalangin hanggang meron na.

Nakakaiyak lang kasi ang alam ko ay buntis na ako. Sinunod ko naman lahat ng ipinayo sa akin. Lahat ng mga sinabi nila na bawal kainin at bawal gawin. Pero anong nangyari? Wala! Masayang masaya pa naman kami pero sa isang iglap ito ay napalitan ng pagkalito at sakit ng damdamin. Pero tuloy pa rin na aasa kami.

Naranasan na ba ninyo ang ganito? Na akala ninyo meron na pero delayed lang pala kayo? Na grabe ang mood swings at parang sintomas ng buntis ang nararamdaman pero hindi pala. Hormonal imbalance lang pala. Bakit kaya ganito tayong mga babae?

Pangalawang beses nang nangyari ito sa akin. Noong June 2019 at ngayon, June 2021. Parehong June. Bakit? Anong meron? Nagkataon lang po ba? Bakit kaya? Hindi ko alam kung anong sagot sa katanungang ito. Isa lang ang masasabi ko, time will come na matutupad ang aming hinihiling.

Maraming katanungan na gustong masagot. Mapapaisip na lang ako lalo na kung ako'y nag-iisa. Nalulungkot ang damdamin. Pero sabi nga nila, mas maraming blessings kung patuloy na magtiwala at huwag mawalan ng pag-asa. Tiwala lang sa Kanya. In His perfect time. May tamang panahon para sa lahat.

Hindi ko alam kung bakit ako nadelay. Hindi ko rin alam kung bakit ngayon lang ako dinatnan. Katanungan, katanungan, maraming katanungan. Isip ng isip. Relax lang self. Lilipas din ito.

Buti na lang, paglipas ng dalawang araw, medyo gumaan na ang pakiramdam. Kahit papaano ay naibsan ang sakit. Sana naman po sa susunod, mabibigyan na kami ng bunga. Panalangin namin ay matupad na.

Susundin ko lahat ng payo magkaroon lang ako. Malilipasan din namin ito. Tiwala lang. Buti na lang supportive ang pamilya ko lalo na ang asawa kong mamagmahal. Salamat sa lahat.

Muling nagsusumamo, kami..... Panalangin namin ay masagot na.

2
$ 0.30
$ 0.30 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Samay-Ban
empty
empty
empty
Avatar for Samay-Ban
3 years ago

Comments