"Pag-ibig hahamakin ang lahat masunod ka lamang" isang kasabihan ng mga taong sobrang inlababo (inlove).
Ang bawat nilalang may nakalaang Tadhana minsan ay aabutan ka ng kamalasan minsan ay swerte naman. Ang Tadhana na tayo din ang siyang gagawa ika nga paano ka aasenso kung hindi ka kikilos at magpupursigi sa buhay.
Kaibahan sa pag-ibig ayawan mo man kung siya ang itinadhana. Ang saklap diba ayaw mo na wala ka pa din magawa. Sa totoo lang hindi dahil sa hindi mo mahal ang isang tao kaya ayaw mo siya kundi dahil lang yan sa takot na iyong nararamdaman.
Yes dahil lang yan sa takot same ng aking naramdaman nung nakilala ko ang aking pasaway na Asawa sa simula ayoko sa kanya dahil sa takot na baka hindi maging maganda ang buhay ko sa kanya at takot sa panganganak. Opo yun nga po palagi kong sinasabi ayokong manganak.
At dahil nga Itinadhana ayun nga at nakuha pa nagtanan at the age of 27 hehe. At ung panganganak na kinatakutan ko magkasunod pa talaga 8 months pa lang si panganay nasundan agad takot pa yun ha...what?
At ung wedding na hindi ko pinangarap.. Ang rumampa sa altar ng nakawedding gown dahil medyo boyish nga ang Lola niyo that time. At dahil na din sa practical Ako ayoko ng madaming gastos..
Syempre hindi pa din ako nasunod gora pa din ang family ko sa wedding na pinangarap nila para sa only girl sa family ang maglakad ako sa altar ng nakawedding gown. O diba no choice na naman ang Lola nyo kundi magsuot ng makating wedding gown.
After a month I gave birth na to my eldest daughter ung hirap ng panganganak na inaayawan ko noon napalitan ng excitement at happiness ng lumabas ang cute baby girl lahat ay happy since my eldest is the first apo at pamangkin sa family at nasundan pa nga ulit after 8 months nasarapan naman manganak (joke lang) accidentally nakalabit lang ako ulit ni hubby kaya nabuo si second child. Ooppps huwag nyong isipin na nagpakalabit ulit ako kaya sumunod si bunso (gRabe kayo) hindi naman nagfamily planning naman kami. Sad to say after 5 years nainggit na naman ang Lola nyo sa mga chismosang kapitbahay na may baby. At ang sabi ko gusto ko ulit ng baby inggit naman ang umariba that time kaya sumunod si bunso and very thankful it's a baby boy sobrang happy na si hubby. Kaya siya na ang sumuko at nagdecide na tama na daw ung tatlo at may baby boy na kami.
Halos lahat hindi ko pinangarap pero dahil na din sa Tadhana natanggap ko ang lahat ng biyaya nang Maykapal mabuting Asawa, mababait at masisipag na mga anak.
Paalala
Huwag magbibitiw ng salitang patapos or mangangako kung hindi naman kayang tuparin or sundin. Enjoy your destiny and make it happy and successful.
Pasasalamat
Always thankful ako sa mga maganda Kong sponsors @Jay997, @Jeansapphire39 and @Sweetiepie at sa mga nag-upvote at sa mga babasa pa sa mga article ko kahit feeling writer lang me. Thank you sa suporta at tiwala na makakaya ko ang sumabak sa pagsusulat ng article. Hindi man perpekto sana ay maenjoy ninyo kahit paano ang bawat kabanata ng aking buhay.
🌸🌸Lead image from unsplash🌸🌸
All pictures are originally mine
October 3, 2021
Bongga my nangyari pa palang pagtatanan haha,,kayang kaya mo yan sis masarap sa pakiramdam ang paglabas ng baby natin,at nakakawala ng takot at problema ang makita natin ang baby natin