TTAB: Chapter 2

0 37
Avatar for Sainty
Written by
2 years ago
Topics: Story, Writing

This chapter is unedited so expect some grammatical errors and wrong spellings. Please do read the synopsis and chapter 1 before you read this, para mas maintindihan niyo ng mabuti. Thank you!

Synopsis: https://read.cash/@Sainty/tied-to-a-billinaire-novel-4fbf1af9TTAB chapter 1: https://read.cash/@Sainty/ttab-chapter-1-45fa19f8

Gulat na nakatingin ang dalaga sa bata na sa ngayon ay nakayakap sa binti nya. Madungis ito, punit-punit rin ang manipis nitong damit. Napakunot ang noo ng dalaga ng may maaninag siya sa pisnge nito. Isang pasa. Hindi niya maiwasang maawa, umupo siya para magkapantay sila ng bata.

"Help me po!" iyak nito. Hinaplos niya ang pisnge ng bata bago tumugon "Bakit? anong problema baby?" malamlam ang boses ng dalaga, labis itong naaawa sa bata.

"Bad guys are chasing me po, They will hurt me again" hindi parin ito tumitigil sa pag iyak. Inalo-alo niya ito bago binuhat. iuuwi niya muna ang bata, bukas niya na iisipin kung anong gagawin niya rito. Hinimas-himas niya ang likod ng bata habang naglalakad para tumahan ito. Hindi niya maiwasang isipin kung sino ang gumawa nito sa bata.

Mga demonyo.

"Hoy!" sigaw ng kong sino na nagpatigil sa dalaga, biglang pumasok sakanyang isip ang sinabi ng bata sakanya "bad guys are chasing me po" biglang nakaramdam ng kaba ang dalaga.

"give me the kid!"sigaw ulit nito. Dahan-dahan siyang humarap sa lalake. Malaking tao ito, kaya mas lalong kinabahan ang dalaga. Ramdam niyang humigpit ang yakap ng bata sakanyang leeg. Siguro natatakot ito baka ibigay siya sa lalake.

"Shhh it's okay, hindi kita ibibigay sakanya"bulong ng dalaga dito.

"I said give me the kid"pag uulit ng lalaking nasa harapan niya pero ngayon ay mag diin na ito. Sinamaan niya ng tingin ang lalake bago tumugon "bakit ko naman gagawin yun?"aniya.

"He's my son"tugon nito. Tinaasan niya ng kilay ang lalake, as if naman maniniwala siya.

"tang* lang maniniwala sayo"tugon ng dalaga. Sumama ang timpla ng muka ng lalake, halatang nagalit ito sa sinabi niya.

"Just give him to me!"sigaw nito na ikinagulat ng dalaga. Naglakad ito papalapit sakanila, ibinaba niya ang bata tsaka ito itinago sakanyang likuran habang matalim na nakatingin sa lalake.

"What you'll fight me?"natatawa nitong sabi. Hindi lang umimik ang dalaga, naka tingin parin ito ng matalim sa lalake kaya naman naasar ito.

"This bt*h! give him to me!" sinugod siya nito. Mabilis ang pangyayari, bigla nalang natumba ang lalake bago paman ito makalapit sakanya. Gulat siyang napatingin sa babaeng nasa likod ng lalake. May hawak-hawak itong malaking bato.

"Janice?!" gulat niyang sabi. Nanlalaki ang mata ng kanyang kaibigan habang hawak-hawak parin ang bato, bumaling ito sakanya.

"Bruha ka! hindi pa naman siya patay diba?"tanong nito sakanya, mababakas ang kaba sa muka ng kanyang kaibigan kaya mabilis siyang umiling.

"Hindi pa, tara na bilisan natin. Mamaya nako magpapaliwanag"aniya. Binuhat niya ulit ang bata bago pinulot ang pinamili niya sa 7/11 kanina. Mabilis silang tumakbo ng kanyang kaibigan pauwi, baka kasi may kasama pa yung lalake. Mahirap na.

NG MAKAUWI sila ay agad namang ibinaba ni ketiana ang bata bago inilock ang mga pintuan, ang kanyang kaibigan naman ay nilock ang mga bintana. Hingal na hingal silang napasalampak sa sahig. Ang bata ay nakatingin lang sakanilang dalawa, tumigil nadin ito sa pag iyak.

"Bruha ka bhe sino yun? anong gimik yun?" tanong ng kanyang kaibigan na sa ngayon ay naka tayo na, tinulungan siya nitong tumayo.

"Hindi ko din alam"sagot niya, agad niyang nilapitan ang bata bago lumuhod para makapantay ito. Malamlam niya itong tiningnan tsaka nginitian.

"Ano pangalan mo baby?" tanong niya sa bata ngunit hindi ito sumagot at nakatingin lang sakanya.

"Hoy bhe sino yan?" tanong ulit ng kanyang kaibigan na sa ngayon ay naka luhod nadin.

"Hindi ko pa alam, kaya nga tinatanong ko siya diba"pang babara niya sa kaibigan.

inirapan siya nito "eto nalang, saan mo sya napulot?"

"Naglalakad ako pauwi galing 7/11 tas bigla nalang ako nagulat ng may yumakap sa binti ko"

Tumayo ang dalaga, binuhat niya ulit ang bata. Pinunasan niya ang muka nito gamit ang kanyang kamay bago nginitian ulit. "Gusto mong kumain?" tanong niya rito na agad namang ikinatango ng bata. Kinuha niya ang pinamili niya sa 7/11 kanina tsaka tinahak ang daan papuntang kusina.

"Baka naman bagong modus yan ng mga sindikato bhe" sabi ng kanyang kaibigan habang nakasunod sakanila.

"ga**, kita mo naman yung eksena kanina diba"tugon niya. Ng makarating sila sa kusina ay ibinaba niya ang bata at pinaupo ito sa hapag kainan na agad namang tinabihan ng kanyang kaibigan. Inalis niya sa plastic ang kanyang mga pinamili pero agad naman siyang tumigil at bumaling sa bata. Madungis pala ito, mas mapapasarap ang kain kapag presko.

"Jan pwede mo ba muna siyang paliguan?" paki usap nya sa kanyang kaibigan.

"Sureness naman"tugon nito, bubuhatin na sana ng kanyang kaibigan ang bata pero agad itong tumakbo sakanya at yumakap sakanyang binti.

Binuhat niya ang bata at agad naman itong sumiksik sa leeg niya.

"Gusto mo ako magpaligo sayo?" malambing niyang tanong dito. Dahan-dahang tumango ang bata kaya walang nagawa ang dalaga.

"Ikaw nalang mag luto jan, papaliguan ko lang sya"sabi niya sakanyang kaibigan, kinunutan siya nito ng noo bago ipinagcross ang mga kamay sa dibdib.

"Malay ko ba diyan sa lulutuin mo, bakit may yakult yan?"saad nito.

Walang nagawa ng nagawa ang dalaga "Oo na"aniya. "Kumain ka naba?"

agad na umiling ang kanyang kaibigan "syempre hindi pa! mga weird na luto mo lang ang gusto ko for dinner" natawa lang ang dalaga habang umiiling-iling. iniwan niya na ang kanyang kaibigan sa kusina, tinahak ng dalaga ang daan papuntang cr habang buhat buhat ang bata. hindi parin maalis sa isip niya ang nangyari kanina, sino yun? at bakit gustong gusto niyang kunin yung bata sakanya? halata namang hindi iyon ang ama ng bata. baka kidnapping? muka pa namang anak mayaman itong bata. Napabuntong hininga nalang ang dalaga, buti nalang hindi niya ibinigay ang bata.

Ng makarating sila sa banyo ay agad niya namang pinaluguan ang bata, doon nya nakita na hindi lang pala sa muka ang pasa nito. Meron din itong maliliit na pasa sa katawan. Nakaramdam ng inis ang dalaga, mga walang puso!.

Mabilis lang na pagpapaligo ang ginawa ni ketiana sa bata, baka kasi sipunin pa ito. Binalot niya ito ng towel bago binuhat at pumunta sakanyang kwarto. Pag pasok niya ay ibinaba niya muna ang bata para mag hanap ng susuotin nito. Kumuha lang siya ng hindi kalakihang t-shirt tsaka ito isinuot sa bata. Sinuklayan pa ito ni ketiana, laking tuwa naman nya kasi behave lang ito at tahimik na nakatingin sakanya.

Nginitian niya ito bago binuhat "Gutom kana diba? luluto na si ate para makakain na tayo"aniya. Naglakad na siya palabas ng kwarto habang buhat buhat ang bata ng bigla itong magsalita na agad namang ikinatigil nya.

"Can I call you mommy?"

gulat siyang napatingin dito. Mababakas ang lungkot sa muka ng bata kaya walang nagawa si ketiana kundi ang pumayag, baka miss niya na ang mommy nya.

"Syempre naman"aniya habang nakangiti. Mas lumapad ang kanyang ngiti ng makita niyang ngumiti ang bata bago sumiksik sa leeg niya. Mas lalo itong nagiging cute at gwapo kung nakangiti.

Tinahak na ng dalaga ang daan papuntang kusina. nadatnan niya namang may ginagawa ang kanyang kaibigan, mukang busy ito kaya hindi niya na inistorbo. Pinaupo niya ulit ang bata bago nag umpisang magluto. Gutom narin kasi sya.

Nagpainit na siya ng pan bago hinugasan ang hotdog tsaka ito hiniwa hiwa, nag hiwa narin siya ng bawang. Ng mainit na ang pan ay agad naman siyang nag lagay ng margarine. Ng matunaw na ito agad niya namang inilagay ang hiniwa niyang bawang, hinalo halo niya muna iyon at maya maya pa ay inilagay niya na ang hotdog bago hinalo ulit tsaka nilagyan ng konting tubig. Tinakpan niya muna iyon para maluto. Tiningnan niya ang bata, agad naman siyang napangiti ng makitang mukang komprotable ito, pasway-sway pa ang paa nito.

Ibinalik niya na ang tuon sa niluluto, kinuha niya ang lid tsaka ito hinalo. Naglagay na sya ng konting oyster sauce tsaka hinalo ulit. Sunod niya namang nilagay ang isang yakult. Hinalo-halo niya ito tsaka tinakpan, okay na ang lasa. Masarap na, hindi pa mahal. Nag sandok na siya ng kanin tsaka iyon inilapag sa lamesa, nakasunod lang ang tingin ng bata sakanya. Kumuha naman siya ng tatlong plato at mga utensils at inilagay din ito sa lamesa. Sunod niya ng kinuha ang ulam.

TAHIMIK LANG silang kumakain, from time to time ay tinitingnan niya ang bata. Napapangiti siya kasi mukang enjoy na enjoy ito sa pagkain.

Ano kaya ang gusto ng lalaking iyon sa bata?

yan ang tanong na bumabagabag kay ketiana.

__________

___

Finaly chapter 2 is done! Napagaan agad ni ketiana yung loob ni baby hahaha btw yung nasa lead photo naman eh yung attire ni FL natin, maliban lang sa bag.

sino kaya yung lalake?

SEE U ON CHAPTER 3:'>

Lead photo not mine, credits to pinterest.

3
$ 0.41
$ 0.36 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Pachuchay
Avatar for Sainty
Written by
2 years ago
Topics: Story, Writing

Comments