Di ko alam anong nagyayare sakin?
Bakit pakiramdam ko palagi nagiisa ako at walang nagmamalasakit?
Bakit lagi kong nararamdaman ang sakit?
Ang mga patak ng luha sa pisngi ay mainit
Samantalang ang katawa'y nanginginig sa lamig.
Lamig na nagpapatunay ng pagkukulang,
Sa pagkataong ni minsan ay di napupunan.
Tila isang butas na nauuhaw, sa tulong at atensyon nino man.
Hindi ko alam ang mararamdaman
Masakit ang puso at isipan.
Ang makitang isa isa kayong lumilisan,
Unti unting nagpapagunaw sa mundong minsan ninyong inilawan.
Bakit kayo umaalis?
Bakit hindi ninyo punan ang kulang sa akin?
Hindi ba ko karadapat dapat sa init?
Nilalamig ako, natatakot at nanginginig.
Habang tanaw ko ang inyong likurang unti unti naglalaho.
Ang inyong mga tawang umaalingawngaw sa paligid.
Ansaya ninyong tignan, nakakainggit
Habang ako'y nandito, iniwan ninyong luhaan at durog.
Sinalikop ko ang nanginginig na kamat bago itinupi ng mga tuhod
Hinayaang tumulo ang luha at madurog ang puso at isip
Ang mga kaibigan ko, pinaramdam mismo sa akin ang sakit