Ginawa ang mundo kasabay ng magagandang tanawing ating makikita sa ating kapaligiran. Sila ang ang nagbibigay ng sariwang hangin, makulay na mga bulaklak, matatayog na puno, at ang malinis na karagatan. Napaka swerte natin dahil nagkaroon tayo ng pagkakataon na masilayan ito, pero paano naman ang mga tao sa susunod na henerasyon.
Unti unti na nalalagas ang mga puno, nakakalbo na ang mga kabundukan na nagdudulot ng mga pagbaha sa ibat-ibang lugar. Bakit nga ba nauwi sa ganito ang lahat, ang dating masiglang mundo ngayo'y unti unti ng nalalambungan ng mga panibugho't takot, na sa ating isipa'y gumaganti na mismo ang ating inang kalikasan.
Matuto sana tayong maging isang mabuting ehemplo para sa mga nakababata sa atin. Huwag nating hayaang makuha nila ang ating pagiging makasarili. Makasarili, dahil sa bawat pag putol mo ng puno, sa hindi pag palit ng punong pinutol mo, sa pagkakalat sa kapaligaran, at ang kontribusyon mo sa pag dumi ng ating hangin, tinanggalan mo na rin ng karapatan ang susunod na henerasyon na mabuhay ng mapayapa at walang iniisip na makasasama sa kanilang kalusugan sa pag dating nila sa mundong ibabaw.
Kung tayong mga ordinaryong tao nagpapahalaga sa kalikasan ang mga mayayaman nman ang sumisira hayss. Maganda yong mga pic friend.