Nagmahal kana ba? Nasaktan? Iniwan ng walang dahilan? Napunta sa maling tao? Paano nga ba natin malalaman na mali ang taong napili nating mahalin? Paano natin malalaman na sa maling tao tayo napunta?
Simple lang naman ang sagot mga kaibigan, wala naman talagang maling tao, kasi hindi din maling masaktan ka pero may natutunan ka naman sa inakala mong maling tao na minahal mo. Kung baga, isa lamang sya sa mga dapat mong daanang pag subok para mahanap ang tadhana mo o ang nakalaan para sayo.
Minahal mo sya diba? So paano sya naging maling tao kung kahit ikaw nga nakaramdam ng pag-ibig sa kanya. Yon nga laang, hindi sya ang katadhana no.
Alam mo kasi, bago daw kasi natin mahanap ang magiging katuwang natin sa buhay, kailangan daw muna nating dumaan sa matinding pagsubok. Kasi yun ang mas magpapatibay sa iyo. Kailangan mo munang tumawid mula dito hanggang ika sampung bundok bago mo mahuli ang taong makakasama mo sa buhay. Wag na yang tamang tao na yaan, huwag mo ng intindihin yaan. Ang intindihin mo ay paano mas magiging malusog ang inyong pagsasama sa oras na dumating na sya.
Alam mo baga, hindi laang katawan natin ang kailangang maging malusog, dapat pati relasyon din. Kailangan ng Vitamin C, para di lumapot ang dugo at para naman patuloy ang pagningas ng apoy ng inyong pagmamahalan, intindi nyo ga? Basta kayo na ang bahalang kumunekta mahahanap nyo din naman ang hugpungan ng dalawang iyan. O iyan laang ay eksampol kaya isa laang ang ibibigay ko isipin nyo na laang ang iba at wari ko'y nahaba na ang article ko eh, baka naman tamadin na kayong magbasa ha, ay ituloy nyo naman nandito na laang din naman kayo e ay bakit pa baga puputulin. Kainaman na aring mga bata na ari.
Pagpapatuloy...
Nagmahal ka, iniwan ka, nasaktan ka. Tinanggap, lumusong at ngayon handa na ulit magmahal. So, may natutunan kaba sa una mong minahal? Meron diga? Bukod sa naging matibay ka, naging malakas sa mga hamon ng buhay ay diga ay naging Manhater ka?
🎶 Ako'y nagmahal ng todo pero ako'y niloko sana naman ay mahalin at 'wag mong lokohin please yong bago mo. Sa pagpatak ng mga luha 🎶 - repablikan
Ay hindi pala, mali mali, take 2!
O diga nagmahal ka nga? Nasaktan ka naman, inisip mo pa ngang lumaban diba? Pero anong napala mo? Iniwan kapa din. Bakit? Kasi nga hindi ka na nya mahal, kinapulong kasi ni kupido yung kupida na nakatoka diyan sa minahal mo. Ang sabi, hindi daw pala siya ang para sa'yo. Kasi yong kapareha mo, na nakatadhana sayo ay bisi pa sa pagpapaka ano sa jowa nya na hindi din pala sya mahal. Nagkapalitan kasi, yung sa kanya ay sayo at ang sayo ay wala. Dahil hindi ka mamahalin kahit kailanman, dahil sya pala ay isang.... Darna!
🎶 Ako ay isang mowdel, doon sa ermita, gabi gabi sa disko at nagpapakabongga. Sa pagka-istariray, Talbog lahat sila, Ang mga foreigner, Ay nagkakandarapa, Pag ako'y sumayaw 🎶 -blakdyak
Hindi biro ang magmahal, hindi din biro ang masaktan, pero alam mo sa bawat luha, sa sakit sa pagdurusa na naranasan mo. May isang tao ma dadating at magpapabago sa pananaw mo sa pag-ibig. Hindi masamang masaktan paminsan minsan dahil pinagtitibay nga tayo nito. Pero sana bago mo ibigay ang lahat sayo, pakaisipin mo muna at wag naman sanang lahatin nga. Magtira ka, kahit ga kumpol lang para sa sarili mo. Para naman may isa kapang dahilan para patuloy na bumango at maghanap ng taong para talaga sayo, sayo lang! At yong walang Georga at Nicole na nakapagitan sa inyo.
Monday - November 16, 2020 - 4:16 PM
hahahahahaha hahahhaaha dami kong tawa dito. ang galing magsalita kala mo naman may jowa 😂 dinamay mo pa si Nicole at Georgia eh nananahimik na ang mga yun ngayon.
pero tama ka din naman, wag natin iconsider na maling tao yun kasi kahit papaano naman napasaya ka niya. Nasaktan din naman ako ng sobra, at ang masakit dun eh di naman naging kami dahil ang feeling ko nga at choosy pero nung nawala siya di ako nagalit sa kanya at di ko rin kinonsider na maling tao siya dahil napasaya niya ako nung mga panahon na nasasaktan ako dahil sa iba. Nyaay drama!