Join 47,554 users and earn money for participation

Ang Pagbitaw kasabay ng Pag tanggap

16 37 exc boost
Avatar for Ruffa
Written by   497
2 months ago

Hindi masamang bumitaw sa isang laban, na alam mo ng sa una palang ay talo kana. Pero hindi porket sumuko ka eh talo kana, sadya lamang natanggap mo ng hindi na ikaw amg mahal niya.

Sa buhay natin, dumadating talaga tayo sa point na nagmamahal tayo ng sobra. Alam mo yon, yung pagmamahal na masyadong sakim, yong hindi na maganda ang epekto sayo pati sa taong minamahal mo.

Hindi naman masamang maging sakim diba? Pagdating sa pagmamahal, prinoprotektahan mo lang naman ang relasyon nyo. Pero wag sana yong sobra ano? Parang kamay yan ee, pag nasobrahan yan sa kaka taas baba, magiging pasmado naman kamay mo. Parang pag ibig, pag nasobrahan, nakakaumay, nakakasakal, nagiging maiba. Hanggang sa yong jowa mo, sa sobrang pagka praning mo, iniwan ka. Tapos pag iniwan ka ngangalngal ka.

Pag nagmahal ka kasi, dapat light lang wag mong gawing dark. Yong dapat romacey romancey lang, wag gawing mystery at crime. Yong iba kasi nakakagawa ng mga di mo akalaing magagawa nila, alam mo yon may ganon diba. Ang dami kong napapanuod sa T.V ng ganon, yong mga true to life story sa Magpakailanman at Maalaala mo kaya. Yong sa sobrang pagmamahal na obsess na, nakakagawa ka ng ikapapahamak ng iba lalo na nong mahal nya.

Yong dating ikaw ay wala na, tapos hindi mo na kilala ang sarili mo. Nalimutan mo ng pahalagan yang sarili mo, ibinaba mo ang pride mo para sa kanya tapos siya iniwan ka. Pag ganyan na ang epekto sayo ng mahal mo, mag-isip kana. Papakawalan mo ba sya, o itutuloy mo pa hanggang sa masira ang buhay mo.

Saka pag nagmahal ka kasi wag ibigay lahat, magtira ka. Kahit 1 percent lang sige okay na yon, basta may natira, paulit ulit nalang nasabi ko na din to doon sa nakaraang article ko. Kasi alam mo, sa sobrang kapit mo jan sa mahal mo, iniisip mong siya lang ang para sayo. Ni hindi mo napupuna, wala na palang sayo. Kasi nga mapanakal ka, ayown nag hanap ng iba.

Pero bat ganon ang iba 'no? Hinigpitan mo na ng kapit bumitaw pa. Pinadama mo na lahat, nang-iwan pa. Minahal mo lang naman pero bat' kailangang saktan?Para kang Durian na kahit masakit sa ilong, pilit ko pa ring kakainin. Pero wag kang mag alala matatauhan din yan, kusa ding bibitaw yan at pag bumitaw yan, humanda ka sa ganti ng isang api. Hindi ka nyan sasaktan physically, pero tatakamin ka naman nya sa bagong S'YA. Tapos isa pa pala, para kang Thong namin na pag hindi hinigpitan ng hawak pilit iigtad may spring kasi, hindi yong Thong na sinusuot ha hindi tayo nag po-foreplay kaya wag yan ang isipin mo. Saka binitawan mo na sya, kaya asa ka sa thong.

Mapanakit talaga ang Pag-ibig ano. Minsan hindi mo alam kung saan ka lulugar ee. Pag sinobrahan sasabihin nakakasakal, tapos pag kulang naman sasabihin kinulang sa aruga, hayyyys. Kaya ako di na ako magmamahal, tama na yong flings flings lang, ayaw ko na kasing magmahal para saktan lHangZzx. Saka may kamay naman ako, mabubuhay ako kahit walang lovelife, pero yong kamay ko hindi ko kayang wala, ito nalang ang nagpapaligaya sa'kin.

Pero hindi ito dahilan para sumuko kana sa paghanap o paghintay sa pag-ibig. Darating din yang sayo, baka kamag anak ni Zoro yang magiging jowa mo, mejo tan*a sa direksyon kaya baka naliligaw pa. Saka kahit maligaw yang soon to be jowa mo ee sayo pa rin naman ang bagsak nyan, nakasulat na kasi yan sa palad mo, pano ko nalaman? Long lost auntie ko si Madam Auring, lol. Tamo sa Zoro, kahit naligaw pag dumating naman handa kang ipaglaban at gumamit ng Santoryu.

Kaya ikaw na nagpapakatan*a pa din sa jowang mong Durian. Bitaw na, habang maaga pa, dahil baka di mo namamalayan, nag iba kana pala. Hindi ka isang perang papel na mabasa lang masisira na, huwag mong paabutin sa ganyan. Be a coins na kahit ihagis pababa iiyak lang pero di mababasag, yong coins na 20php ha para mahal.

Love is beautiful, only if there's love and only if it's true and love that ....... dikapadinniyalove!!!

--

I'm not really expert when it comes to Love talk. Kaya hindi ko alam kung may kabuluhan ba yong sinasabi ko dito. Saka hindi pa kasi ako nagmamahal ng wagas na wagas na'y hapit na hapit pa. Wala pa akong minahal ng sobra kundi sarili ko lang kaya safe din ako sa mapanakit na nilalang, like baka maghosting ako ng ghost.

Wala lang talaga akong maisip na isulat kaya wag sana kayong mauumay ha, dahil puro nalang ganito sinusulat ko.

Pasintabi po sa mga walang jowa. Pasensya po at nadala lang ako ng aking emosyon. ✌️ Hindi masamang walang jowa, ang masama ee yong dika na nya mahal kasi may kapalit ka ng iba. Iyakkk!

Lead Image from https://beautybeyondphysique.wordpress.com/2016/12/28/let-go-and-let-love-find-you/amp/

14
$ 1.07
$ 0.87 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Jane
$ 0.05 from @tired_momma
+ 2
Sponsors of Ruffa
empty
empty
empty
empty
Avatar for Ruffa
Written by   497
2 months ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Dapat tlga romancey romancey lang 🤣🤣🤣 dapat kc itali pra hndi makabitaw.. Dami mong alam 🤣🤣

$ 0.00
1 month ago

Hahaha, dapat naman talaga, grabi tataliin are you a dominant or the submissive type? Are you into bdsm? Bat may tali tali kang nalalaman jan 😂😂😂✌️

$ 0.00
1 month ago

Ano ang bdsm ba? Haha.. 50 shades of grey lng. Dominant or submissive 🤣🤣

$ 0.00
1 month ago

Ahahaha hindi daw alam, i'm sure nabasa no na book ng 50 shade of grey haha

$ 0.00
1 month ago

Hndi pa.. Yung movie lng 🤣🤣

$ 0.00
1 month ago

Movie lang din akin ahaha

$ 0.00
1 month ago

😂😂😂 natawa aq mas natawa p aq sa koment ni esciisc😅.. d lng sa mmk at magpakailan man,mga Pinoy sobrang adik sa kdrama kya ayun masyadong mataas ang expectations tulad ng sa pinapanood nila

$ 0.00
2 months ago

Hahaha, bastos mandin nyan wala din naman syang jowa ee hahaha.

Salamat pala sa tip 😍

$ 0.00
2 months ago

Magmahal Ng nakabukas ang mata wag lang puso. Dapat alam mo kung kailan ka lalaban o kailan ka susuko. Kung worth it ba o waste of time lng. Kung gugutumin ka pag dating ng araw, yung walang pangarap sa buhay ay tumakbo ka na! 😅

$ 0.00
2 months ago

Yes yes yes. Takbo na talaga, kung gwapo lang tapos wala namang pangarap sa buhay ay doon na ako mejo di gwapo pero may trabaho, haha charrr

$ 0.00
2 months ago

Ang daming alam wala namang jowa 😜✌🏻

$ 0.00
2 months ago

Ahahaha anong wala, madami ha nasa korea sila lahat. Pinapunta ko muna doon baka magkita kita kasi tappos mag away pa hahahaha

$ 0.00
2 months ago

Minsan mga single talaga ang mas may alam o magaling magpayo sa mga bagay bagay lalo na sa mga relasyon kasi sila yung mga saksi sa mga relasyong ngtatapos sa sad ending. Kaya itong artikuo mo na ito ay may kabuluhan kapatid and it may be become an eye opener for others. haha. Pinaglalaban ko dito? haha.

$ 0.00
2 months ago

Oo nga, pero wala naman akong kaibigan na tan*a sa pag-ibig puro mga wais sila. Hahaha

$ 0.00
2 months ago

mabuti kung ganun. haha. wala ka sakit sa ulo

$ 0.00
2 months ago

Oo nga ee, pero nasakit ulo ko namam sa pag iisip mg topic ,😣

$ 0.00
2 months ago