Day off ngayon ng mister ko, pero andito lang sya sa bahay dahil may meeting sila kanina. Tapos kanina pagdating namen ng mga bata sa bahay tinimplahan agad kami ng mister ko, kape sken at gatas sa mga bata. Eto talaga nakakatuwa sa mga lalake e noh? Ung pinagsisilbihan ka pa din, hindi gaya nung iba na porket sila ang naghahanap buhay e akala sa mga partner nila e katulong para pagsilbihan sila.. ekis talaga sken mga ganong klaseng tao🙅🏻♀️ Gandang gabi noisemates. Nagluluto na rin ngayon ng ulam ang mister ko at nagsasaing, habang ako eto nakahiga hehe
10 comments
Oo, apaka sweet ng iyong asawa friend..ginagawa mga gusto mo
Oo nga sis. Alam nya na pagod din ako..
Ang sweet ni hubby mo sis. Kahit simple lang yan bigay nya sayo, for sure, nakakataba ng puso yan at nakakakilig.
Oo nga sis.. 🤗
Sweet
Sweet naman ng asawa mo. Ganyan partner ko noong hindi pa sya 12hrs ang pasok. Nakakamiss. Hehe
Grabe 12hrs. Pagod non sis hehe
Super kaya nga naaawa na ako. Baka bumigay katawan.
Patake mo rin sya ng vitamins sis para may panlaban ang katawan nya.
May vitamins naman sya pero iba pa rin kasi pag may tamang pahinga ang katawan.