Breakfast tayo guys. Kami pa lang ng bunso ko ang gising kaya kaming dalawa muna magbbreakfast. 🙂 Namiss ko yung ganitong classic ensaymada kaya naakit akong bumili kanina sa bakery. Hindi kasi ako mahilig bumili ng kung ano anong tinapay sa bakery either pandesal o burger bun lang ung tamang palamanan na tinapay.. Tara kain tayo guys..
@RoseAnn16 in November 2022
Maaga akong nakapagluto, eto ulam namen ung baon na mister ko dko na naisama sa picture kasi nagmamadali na sya kanina dahil papasok sa work hehe Maglalaba na rin muna ako total may food na mana ang mga anak ko, nakakainis na naman ang weather dito smen napakamoody e. Uulan iinit ngayon naman makulimlim. Nakakatamad tuloy kumilos but i had no choice kasi bukas balik-eskwela na ang mga bata kaya kailangang maglaba hehe
Eto lang yata naging teacher ng panganay ko na hindi man lang resourceful, don't get me wrong guys, actually may ilan ilan samen mga momies na nakapansin actually lahat naman kami di nalang kasi naimik kasi karamihan kasi sa kklase talaga ng anak ko ay afford nman ung mga projects or contri, iilan lang smen ang hindi talaga afford ung mga biglaang gastos isa na ako don. Kaya kpag may brigada e ilan talaga kami mga nanay ang pinipili ang magpunta ng school para magbrigada,…
Quick review before matulog ang kuya ko dahil continuation ng Periodical Test nila bukas na naudlot dahil sa bagyong paeng. Hehe Goodnight na rin sainyo noisemates, tutulog na rin kami dahil maaga na naman gigisng bukas..
Goodmorning noisemates. Here's our breakfast. Thankyou sa kaibigan kong si @nicnat1727 dahil isinabay na ang panganay ko papuntang school.. wala pa rin kasing pasok ang bunso ko dahil masama pa ang pakiramdam ni teacher nya kaya pinsabay ko nalang sa kaibigan ko ang panganay ko. Nakakatuwa talaga ang anak ko, nasasanay na rin sya na maging independent, nung minsan mag isa syang pumasok ng school isinakay ko lang ng tricycle. Ilang araw na rin syang mag -isang kumakain sa…
Sumikat na rin ang araw dito smen noisemates. Kaya eto ibibilad ko ung natitirang daing, yung tuyo naman niluto ko na rin mas trip ko kesa sa meatloaf at egg hehe Yung hinati ko na uung tuyo at daing para smen ng byenan ko pero hanggang ngayon hindi ko pa ubos hehe sabi ko sabyo mate e ako lang talaga uubos nung binili sken ng mister ko 😂 Tara kain muna tayo guys.. Tinakpan ko ung binilad ko baka mapagtipan ng pusa e hehe
Fishball for Meryenda while watching YouTube kami ng bebe girl ko. Tapos nko ng gawain kaya time to relax naman, busog pa sa almusal namen ang baby ko ayaw pang maglunch. Kaya ito tamang fishball kami hehe Kumusta kaya ang panganay ko, wala un dalang cellphone e.. Solid taaga ang vlog nito nila Geo Ong e. Simple pero may aral talaga..
Baon ito ng anak ko, nasasawa na sa mga biscuit, kahit marami silang stocks na biscuit kahit iba ibang klase e nauumay din.. Kaya sabi nya kanina eto nalang daw recess nya, trip nya kasi talagang ipalaman sa tinapay ang egg, tapos lagyan kobdin daw meatloaf oero tig half lang. Pasiguro e baka di nta magustuhan e. Kung gaano kaweird sa pagkain ang bunso ko ung tipong halo halo ang mga dipping sauce ito namang panganay ko aayaw ng naghahalo halo ang food kung may sabaw ulam…
Hindi ko alam kung anong meron don sa First Date sa Sementeryo until i saw this di ko man napanuod lahat pero alm kong hindi ito maganda base na rin sa mga comments na nababasa ko. "KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN" Kabataan ano na????? Ganito na ba mga kabataan ngayon? Nakakaiyak, nakakalungkot, nakakatakot bilang nanay dahil sa mga ganitong gawain ng ibang kabataan di nakakapagtaka kung maraming kabataan din ang magiging curious at aggressive.😔😔 Sa mga Parents kagaya ko,…
x Pansit Bato x Dahil may pasalubong na pansit bato smen ung bayaw eto dinner namen ngayon. Wala rin akong maisip na ulam e kaya sabi ko kay mister pansit nalang, style ko lang din talaga un para sya amg magluto hehe Tinatamad ako magluto e, saka di ako marunong magluto nito kapag ako nagluluto napapalambot ko masyado ung pansit hehe Nagpapababa nlng ng kinain maya2 lang tutulog na rin kami.. Goodnight noisemates 💤
Hi guys. Hindi ko mahanap ang fone ko, not sure kung nadala ba ng panganay ko sa school, but hopefully yes at naloloka nko kakahanap hehe Kaya ito nag log in ako dito sa laptop. kumusta kayo guys? Nakakatuwa naman talaga itong kaibigan kong si @nicnat1727 dahil nakisuyo nko na isabay ulit ang panganay ko papuntang school eto at may pameryenda pang nilubak/nilupak. :)
Ngayon ko lang to nakita habang nag eexplore explore ako dito sa laptop hehe kapag sa cellphone parang hindi ko pa nakita itong feature na block user hehe Anyway, tara lunch na tayo guys, gutom na daw ang baby ko e(lagi namang gutom haha) Kain na rin kayo dyan guys, ang panganay ko 11:45 pa out nya kaya maya maya kakain na rin un..:)
At eto na nga may naglambing ng bata, pahiram daw syang laptop. As usual laro naman syang roblox hehe Hindi ko alam laruin mga nilalaro nila dito, ung panganay ko mas marami pang alam gawin sa laptop kesa sken hehe Okay, maya naman tayo magchikahan mga mate pagbigyan ko na muna anak ko, later nalang pag uwi ng panganay ko dahil naconfirmed ko na na nadala nya pala ang cellphone ko hehe Idlip na rin muna ako guys.
Loaded ng masyado ang anak ko. Pagkauwi ng bahay nakita nya naka on ang laptop kaya nagpapaalam na kung pwede syang humiram, tinanong ko muna kung may assignment sya, meron daw isa lang sa mathematics, since maaga naman sya nakauwi sige inallow ko na muna sya maglaptop para naman di nya mafeel na nakakapressure ang school. Tapos nung sinabi ko naman na pause muna sa laptop gawa naman syang assignment muna ang bilis ng sagot na "ok po" minsan tlaga pagbibigyan mo lang din…
x Sisig x Bumili na lang ng ulam ang mister ko, ewan ko ba grabe ang espirito ng katamaran ngayon sa katawan ko haha Tapos na kming kumain guys,pababa na lang ng kinain maya-maya tulog na rin. Kumusta kayo guys? Something good news came out today. In God's will, this time sayo lang kami kakapit Lord alam namen na mas maganda ang plano mo kesa sa plano namen, thankyou Lord sa konting pag-asa n pinaparmdam mo smen.🙏
Pampagoodvibes bago matulog.🙂 Share ko lang ito guys, nakakatuwa ung mga ganitong klaseng post ang makikita mo sa fb e. Nakakaproud lang dating customer namen to sa tindahan e, actually kasi nung may tindahan pa kami most of our customers are engineering students, kaya saksi ang tindahan namen noon sa success ng mga customers nmen noon na mga estudyante at ngayon e mga ganap ng Engineers. Yung iba sknila hindi pa rin samen nakakalimot especially sa akin, mga naging kaibigan…
Goodmorning noisemates.. Time to prepare na namsn para ss pagpasok sa school ng mga anak natin. Medyo napasarap pa ang tulog ko dahil umuulan na naman dito smen. Keep safe tayong lahat guys. Have a nice day ahead 🙂
Thankyou Mama, you know that I love Chicken Nugeeeeets. 😂 Chicken Pops for breakfast, yan ang request ng aking panganay. Namiss na nya tinda namen hehe isa iting chicken Pops sa best seller product ko dati e🙂
My Pogi Dracula 🧛🏻♂️ Cute ng panganay ko dito e, in character talaga hehe happy sya nyan marami syang candies na nakuha tapos nanalo pa to alam ko e isa sa best in costume hehe
Hays, ano ba namang ulan to, parang ayaw ng tumigil, kanina pa e. Aalis pa naman sana kami ng bunso ko pupunta kela lola nya andon daw pmangkin kong baby. Kaso dipa makaalis kanina pa ang ulan e kakainis..
Rain or Shine pupunta sa pamangkin hehe Mamaya uuwi na to sknila e, pero kapag umulan baka bukas na daw sila umuwi. Kumusta kayo guys? Anong weather sainyo dyan? Dito smen parang walang balak tumigil ang ulan oh. Tumigil lang nung ppunta kaming school sinilip namen panganay ko, tapos ngayon andito na kami kela mamaya ayan nnman ang ulan. Pasaway 🤦🏻♀️
Dinner ng mister ko, kami naman ng mga bata don na kela byenan kumain. Hehe astig talaga tong byenan ko kahit wala okasyonbkapag naisipan gumawa bg tinapay at magluto anytime gagawa. Nakalibre na kami ng dinner sarap pa ng pagkain may dessert pa hehe Hays grabe ulan dito smen guys halos maghapon walang tigil. Kumusta kayo? Gandang gabi sainyo noisemates 🙂
Rainy morning guys. 2days ng panay ang ulan, kaninang mga 4am nagising ako dahil sa sobrang lakas ng ulan, sa sobrang lakas akala mo e magigiba na ang bubong namen hehe Magbbrigada pa naman kami ngayon sa panganay ko tapos eto panay ang ulan.hays
Hello guys. Busy pa me, nagbbrigada pa rin kami, late na nakapag start e 9am na rin nagsidatingan sak umuulan pa rin kanina, buti nalang tumigil tigil na rin ng ulan kaya nakapag start na rin kami.. Balikan ko kayo later guys ☺️
Ibang klase talaga sa section ng grade 4 ko, palibhasa talaga may mga pera e, apat na parents di nakapunta nagsend nalang ng pangmeryenda ng mga nagbrigada. Kaya nakakahiyang hindi magbrigada e kasi nakakahiyang magpameryenda Kung pangtinapay lang ang budget mo haha
Ganito kasupportive ang nga parents sa grade 4 kaya ang adviser naman ng anak ko panay nalang request palibhasa isang sabi nya lang sa mga magulang e Go agad, itong pandecorate isang parent palang nagdala nito tapos meron pang mga binili galing sa fund ng section nila. Grabe noh? Kapag may pera talaga madali lang kumilos e noh? Yung dalawa sa co parent ko andon sila knina pero hindi naglilinis pero may mga kasamang kasambahay nila at un ang mga nagbbrigada para sknila,…
Sinulit ang tambay, kakauwi lang namen galing sa bahay ng kaibigan kong si @nicnat1727 mula kaninang after lunch andon na kami, ginabi na kami kasi doon na kami pinakain ng kaibigan ko at isa pa ayaw pa rin umuwi ng mga anak ko, sinulit talaga ang time na magkasama sama sila e..☺️ Gandang gabi noisemates. Kumusata kayo?
Goodmorning guys. Hope we have a beautiful day today. Dahil ako ay maglalaba habang tulog pa ang mga anak ko, dahil sigurado pagkagising nila agad2 itong magpapahatid sa bahay ng friend ko. Yung mga anak nmen nagdecide na babalik sila sa bahay ng kaibigan ko ay maglalaro ulit kasi sabi ko maglalaba ako kaya ihatid ko daw sila hehe ang gagaling noh? Sinusulit dahil ngayon lang nakapagday off sa work ag kaibigan ko hehe Have a nice day ahead guys. Busy busyhab ang lola nyo…
Yan ang breakfast namen kanina guys, sobrang hinog na ng saging, hehe Marami pa din akong saging galing sa nanay ko gawa ng bagyong paeng e nabuwal ang mga Puno ng saging sa bahay kaya marami rami din ang saging..
Done na maglaba. Pupunta na naman ako sa kaibigan ko, ung mga anak ko andon na kanina pang umaga nagpahatid hehe Sinusulit habang walang pasok sa work ang kaibigan ko tapos bukas back to school nnman kaya sinusulit ng mga bagets. Musta kayo guys?
Gandang gabi noisemates. Kakauwi lang namen ng mga anak ko galing sa bahay ng kaibigan kong si @nicnat1727 kung wala sigurong pasok sa school bukas malamang gabi na naman kami uuwi hehe kagabi halos 9pm na kami nakauwi galing sknila e. Don kami naglunch sknila kanina, tapos nagluto kami ng turon dahil ang dami pa rin nilang saging, nagluto din ng sopas ang kaibigan ko kaya turon at sopas ang meryenda ng mga bata kanina. Siguradong tulog tong mga to dahil maghapon naglaro,…
Goodnight guys. Dine na magplantsa, hays kung kelan naman matutulig na saka pa naman sinumpong ng sakit ng sikmura😭 Nakahiga na rin ako, grabe ang panganay ko kalakas ng hilik, halatang pagod na pagod na maghapon na paglalaro nila hehe Nako nag bunso ko pagid na pagod din may pahilik din sana naman e magising kapag napapaihi baka mapaihi sa bed sa sobrang pagod e hehe Goodnight guys, pilitin ko ng matulog kahit sumasakit ang sikmura ko. Keep safe guys🙂
Goodmorning noisemates. Monday na naman, start na naman ng busy week ng mga nanay like me. At eto pa nga, nalobat pala ag fone ko kagabi sa sobrang antok ko dko na nacharge, kaya eto kaggising ko lang dahil hindi tumunog ung alarm ko 🤦🏻♀️ Keep safe ang lahat guys, eto lunes na lunes e maulan na naman dito sa amin.hays
Mabilisang prepare ng breakfast dahil late na nagising hehe Tamang higop ng hot choco, otw na rin sa school ang mga anak ko, buti nlang to the rescue ang mister ko, sya na naghatid sa mga anak namen dahil di pa ako nakapagluto ng ulam namen kaya mamaya nlng ako pupunta don sa school. Hehe Kaya ito after mag almusal makakapaglinis pa ng bahay tapos luto na rin para matapos agad. Siguradong busy na naman ang mga nanay dhil nag aasikaso ng mga bagets 🙂
Hello noisemates. Andito nko sa school. Waiting nalang sa mga chikitings ko. Haysalamat dahil si mister ko naghatid kanina nakapagluto pako ng ulam namen, pero ala-chamba, hehe may mga kamatis kasing ibinigay sken umung kaibigan ko kaya inilahok ko na kesa masira pa hinog na rin kasi e..
Uwian na ang magbestfriend. Ilang weeks rin kasing hindi nakapasok ang anak ko, kaya miss nila ang isa't isa na magkasabay maglakad pagbasa school hehe Pero magkasama rin sila ng weekends di rin nagkakasawaan e. Hehe
Kape tayo guys habang nagluluto. Kanina pagdating namen nagpahinga muna akong konti, tapos ngayon habng nagluluto ako sabi ko parang may kulang na hinahanap ng katawan ko, at eto na nga kape pala. Kulang sa kape ang katawan ko ngayon hehe
Goodnight guys. Tapos na ng gawain, kaya pwede ng matulog, need magrecharge dahil bukas gigising na naman ng maaga. Keep safe guys. Akoy tutulog na, ung mga magsstart palang ang araw ingat po sa work.🙂
Heavy Rain. Hindi lang gaanong kita sa picture pero grabe napakalakas ng ulan, mabuti nalang andito na kami sa school at nakapasok na sa room nila ang mga anak ko bago bumagsak ang malakas ng ulan. Hays kaya mrami na naman nagkakasakit dahil sa pabago bagong panahon e. Anyway guys eto naprepare kong breakfast kanina, sa sobramg pagmamadalivat kabusyhan ngayon lang nakahawak ulit ng cellphone. Ingat tayo guys..🙂
Hay nakakaantok ang ulan. Tamang meryenda kami ng kaibigan ko dito sa school, bukod sa nakakaantok e nakakagutom rin talaga kapag umuulan e noh? Ngrecess na rin ang anak ko, lumapit sken ayaw daw nya kumain, biscuit kasi ang baon nya, ayon binigyan ko ng pera nagpaalam sken kung pwede syang bumili ng squash balls, siguro gusto lang sumama sa mga kklase nya na may mga baon pera gusto rin bumili kaya binigyan kong pera hehe May ganito rin ba sainyo mate? Masarap itong masa…
Day off ngayon ng mister ko, pero andito lang sya sa bahay dahil may meeting sila kanina. Tapos kanina pagdating namen ng mga bata sa bahay tinimplahan agad kami ng mister ko, kape sken at gatas sa mga bata. Eto talaga nakakatuwa sa mga lalake e noh? Ung pinagsisilbihan ka pa din, hindi gaya nung iba na porket sila ang naghahanap buhay e akala sa mga partner nila e katulong para pagsilbihan sila.. ekis talaga sken mga ganong klaseng tao🙅🏻♀️ Gandang gabi noisemates.…
Goodmorning guys. Grabe ang antok ko kagabi halos dko na nahawakan ang cellphone ko tapos ngayon eto halos kababangon lang, hindi ako nagising sa alarm ko hehe Keep safe guys. Sana hindi malate ang mga anak ko..😁
Kababalik ko lang ng school buti naman uminit na, kanina nakatambay ako sa kaibigan ko grabe naman ung ulan kanina habang andon ako sa kaibigan ko. Pagdating ko ng school uwian na pala ang grade 2 ko naghihintay na sken kasama ung kaibigan nya na anak ng kaibigan ko hehe Gabdang tanghali noisemates. Paunahin ko ng kain tong bunso ko at gutom na daw, dpa rin naman uwian si kuya nya..
Nakakita ng barbecue ang kuya ko, may 8pesos pa daw syang tira sa baon nya kung pwede daw syang bumili. Sabi ko sige go, kaso kulan ng 2pesos kasi 10pesos ang bbq, sabi nya ay wag na daw pala kasi kulang pera nya di nya din daw mabibilhan ang kapatid nya, ayon bibigyan ko nlng pambili hehe Sinundo ko kasi sa may labasan ang kuya ko dahil nagcommute lang sya pauwi wala kasing pasok ng hapon ang bunso ko kaya nauna na kaming umuwi kanina.. Gandang Hapon noisemates, magkakape…
x Espasol x Tamang panghimagas tayo guys, bigay ito nung co parent ko. Kakatuwa e inorder nya lang daw ito galing pang quezon yata, nakalimutan ko hehe Lamig dito smen ngayon, maghapon daw umulan dito sabi nung kapitbahay namen.. Maya2 tutulog na rin ako, goodnight sainyo guys💤💤
Maaga kami dumating sa school kanina then wala pa din si teacher nung bunso ko kanina kaya ayan chika chika sila ng mga kklase nya.. Kumusta kayo guys?
x Siomai x Lumpia x Cravings satisfied sa siomai. Thankful ako at may kaibigan akong napakagenerous @nicnat1727 binigyan ako ng lumpia, kaya bumili nlang akong Siomai pandagdag ulam namen ng mga bagets hehe Tara kain tayo guys.
Share ko nga pala ito guys. Last week to nung ng nag 1st month ang pamangkin ko hehe Busy si papa nya that time kaya ako na ang pinagluto ng pansit, taray e may pa cake pa. Samantalang nung panahon namen non aba swerte na sigurong may handa ka sa mismong birthday mo hehe ibang iba talaga ang panahon noon e noh? Umuulan na nanaman dito smen guys kung kelan naman malapit ng mag uwian..🤦🏻♀️
OMG!😱 Kinikilabutan ako, ung pagbukas ko ng fb bgayon lang ito mababasa ko, nagulat ako at nakakapag alala. Isa to sa mga kaibigan ko nung college days e, may grupo kami na tatlo silang lalake at ako lang ang babae sa tropa. Diosko Lord wala kaming kaalam alam na nagsusuffer na pala sya ng depression, Lord please help him sana hindi pa huli ang lahat😭😭😭
Isinabay ko nalang ulit itong panganay ko kela tita nya, wala kasing pasok ang bunso ko kaya pinasabay ko nlng. At nakakahiya pa nga eto binigyan pa ako ng pansit ni @nicnat1727. Hehe
Tusok2 date kami ng bunso ko kahapon bago umuwi. Gutom na daw kasi sya kaya ayan may nadaanan kaming fishball at buko juice kaya napahinto para magmeryenda. Sa ating mga Pinoy di na talaga mawawala tong tusok2 sa kalye e which is hindi naman talaga nakakasawa. Hehe pagkakita ko nga dito e parang nagccrave nnman ako sa fishball hehe
x Maruya x Thankyou Lord may nahinog ng saging sa mga ibinigay ni mama at thankyou Lord at hindi sabay-sabay na nahinog ang saging. Kapag sabay-sabay kasing nahihinog nakakalito na kung paano uubusin at kung anong luto ang gagawin hehe Gusto ko ganitong pakahinog lang ung hindi sobrang hinog.🙂 Tara meryenda tayo noisemates..
Ang sweet naman talaga ng kuya ko, pag uwi nya kanina galing school, sabi nya mama may ibibigay po ako sayo. Tapos may kinukuha sa bag, pagkakuha eto binigay sken sabay sabi "ay sorry po naipit na sa bag ko" tinanong ko kung saan galing? Bigay daw nung seatmate nya kasi tinuruan nya sa Math.☺️ Tapos may kwento pa sya na may pre -test sila sa math kanina 9/10 ang score nya and he got the highest score🙂 Karamihan daw sa kklase nya 5 below ang score. No wonder tlaga kung bakit…
Goodmorning noisemates. Maglalaba muna ako kasi pupunta kami sa kaibigan kong si @nicnat1727 nag day off daw kasi sya kaya ayan punta daw kami sknila.. Mukhang matutuloy na ang Boodle fight namen hehe Have a nice day ahead noisemates 🙂
Hello noisemates. Boodle fight kami kanina with kiddos. Happy na naman ang mga anak namen nkapaglaro na naman sila pero nabitin sila umuwi kasi kami agad dhil masama na pakiramdam ko grabe na ang sipon ko baka mahawa ko pa ang mga anak ng kaibigan ko kaya umuwi na rin kami.. Kumusta kayo guys?
Goodnight noisemates. Anot ano man ang mangyare naniniwala pa rin ako na lahat ng mga nangyyare sa atin ay may reason at hindi tayo hahayaan ng Diyos na mapahamak🙂
Hello guys Kumusta kayo? Ganda ng panahon ngayon kasmya samantalahin na makapaglaba. Actually not feeling well ako today pero kailngan kumilos at bukas may pasok na naman sa school ang mga bata.. Minsan dadating ka talaga sa point na maiisip mo ano nga bang purpose mo dito sa Mundo? Kaya ayokong napaapg isa sa bahay e mabilis makapag overthinkink😔
Adobo sa asin.. Ako lang dito sa bahay ngayon, ang mga anak ko at nakay lola nila don na rin sila naglunch. Tara kain tayo guys. Ngayon palang ginanahan kumain.. Kumusta kayo?
Tambay naman muna dito sa kaibigan ko habang nasa school ang mga bata. Malapit lang kasi sa school ng mga bata ang work nitong kaibigan ko kaya madalas dito ako nakatambay. Kmusta kayo noisemates?
Lumabas kami ng school nitong isa kong kaibigan, tapos eto medyo trapik sa centro, un pala may nagkasabitan sa daan, nasabitan ng tricycle ung kotse kaya nasira ang bumper. Tama ba? Bumper nga ba? Hehe
May bagong bukas na LCC Express Mart dito sa may centro, napadaan kmai nitong kaibigan ko kanina, ayon may free na ice cream ay scrambled egg haha para tuloy kaming nagmukbang ng libre lol.. Takip tayong sticker at haggard na hehe
Nagising ako kaninang 2am dahil sa lakas ng ulan at kulog, nakatulog naman ulit ako hanggang sa paggising ko ng 4:30 ay sobrang lakas pa rin ng ulan. Thankyou Lord nlang talaga at tumila na ngayon ang ulan, sana hanggang mamaya pagpapasok na sa school ang mga bata ay wag ng umulan muna🙏 Goodmorning noisemates. 🙂 Let's keep moving and keep on fighting 💪
Hello guys kumusta kayo? It's been a while, bihira ng makapag open dito. Ano na nga bang balita dito? Keep safe guys, hope all you guys are doing fine.🤗
Gusto ko lang talaga kayong malaway noisemates hehe charot. Masarap talaga ung isaw dito sa binibilhan ko kasi hindi malansa, tapos ung suka pa ang sarap nag aagaw talaga ang tamis at anghang kaya nakakagana, bitin nga e hehe Pero syempre tama na yan at panget namang kung masosobrahan hehe Gandang Hapon noisemates 🙂
Naalala ko kahapon nung bumibili ako ng tinapay kasama ko ang bunso ko, nasa gilid ko sya tapos after kong bumili nagulat ako sa sinabi nya. "Mama yung ate tingnan mo po iniwan lang dyan ung basura dito oh, malaki na sya pero di pa nya alam ang tamang tapunan" Sabi ko naman sknya bakit di mo po sinabihan? Baka daw kasi magalit skanya. Hirap kasi dito samen wala ng tapunan ng basura kaya wala na halos trashcan sa centro kaya ung mga iresponsable naman kung saan2 nalang iiwan…
Hay ang bilis ng panahon. May binata na ako. Hehe Ang ulan2 na naman dito smen guys, buti nlng ung panganay ko lang ang may pasok ngayon.. Kumusta? Anong balita dito guys?
Mapapakamot ulo ka nalang talaga sa mahal ng mga bilihin e noh? Nung isang araw bumili ako nilo dahil gusto ng binagoongan ng mister ko, may baboy na mana kaya ito nalang binili ko meron din gata ung nasa pack, gusto nya may gata ung binagoongan e. Diosko gulat naman akobsa presyo, yan lamg binili ko 70pesos ba kagad. Kaya nakakatamad minsan magluto e noh? Maulan nnman maghapon dito smen guys. Sainyo ba kumusta?
x Champorado x Eto dinner namen kanina guys, nagcrave ng champorado ang mister ko kaya yan na dinner namen, malagkit na bigas ang niluto ko para mabigat sa tyan hehe Gandang gabi noisemates. Ano ng balita? Mukhang tahimik na dito ah..
Hello guys. Kumusta? Ilang days din nawala, natuluyan kasing nasira ang cellphone ko, kaya matagal tagal din walang post. Kumusta kayo guys? Anong update sa mahal nating noise. App?
Hi guys. Just want to share this artwork of my son. Naamazed ako sa drawing ng anak ko isa to sa gawa nya sa art subject nila. Sa kanilang dalawa kasing magkapatid mas may interest sa arts ang bunso ko. Kaya nagulat talaga ako nung pinakita to sken ng panganay ko at tinanong ako kung ok naman daw ba ung gawa nya. Water color naman ang material nila dito sa pagkulay last week e oil pastel..
Hello guys. Tara lets eat dinner. Ay sinipag na naman nga ang mister ko, simpleng ulam nagmumukhang espesyal basta sya ang nagpprepare. Tara kain tayo guys.
Depression Sucks😔 Grabe kakasad naman newsfeed ko sa fb ngayon. Wala lang balita kung anong nangyare dito sa binata na kababayan ko. Friend ko rin sya sa fb kung hindi ako nagkakamali kabatch yata ito ng kapatid ko. Hays, nakakalungkot ung mga hindi nakakayanan ang depression at ending their lives was their only way to escape😔 Napakabata pa nito, nakakaawa bakit di nya nakayanan kung ano man pinagdadaanan nya.
x Balut x Pasalubong ni mister. Tagal ko ring hindi nakakain ng balut may kamahalan na rin kasi ang presyo kaya talagang mahhighblood ka 😂 Kain muna tayong balut guys maya2 sleep na rin. Weekend na mana kaya keri lang magpuyat hehe
Good morning guys. Sabi ko pa naman kagabi yey sabado bukas late ako gigising. Pero eto kanina pako gising 5am hehe Yung body clock mo talaga ang masusunod minsan e, kahit gusto ko pang matulog e hirap ng makabalik ng tulog. Happy weekend noisemates..
Good morning noisemates. Its time for breakfast, may sinangag rin pala ako tapos timpla nlang ng kape. Mauuna nkong magbreakfast para makapaglaba na rin. Medyo presko pa e kaya masarap pa ang tulog ng mga anak ko. Kain na rin kayo guys, maganda ang panahon dito smen ngayon mainit kaya magandang maglaba. Keep safe guys.. Ps: Nakakatuwa naman tong update ng noise may Edit na hehe
Flex ko lang ang anak ko at bestfriend nya. Kapag may pasok sa school then lunch time kasi sabay sila kumakain madalas same sila ng hairstyle kapag inaayusan ko na sila ng buhok, minsan rin sila ang nagrerequest kung anong trip nilang hairstyle hehe Natutuwa kasi ako mag ayos ng buhok ng anak ko, malinis tingnan kapag nakaayos ang buhok at hindi nakaharang sa mukha.. Anyway kakatapos ko lang maglaba noisemates, dahil mag isa lang ako sa bahay tamang noodles ako sakto rin…
Tuyo na rin uniforms ng mga bata, mamaya magpplantsa naman ako. Bukas kasi sigurado mabbusy ako uuwi kasi ung ate ko na nasa Tarlac, may kailangan lang syang ayusin dito sa Bicol, kaya need kong samahan kaya dapat matapos na ngayon mga gawain ko.. Kaya maganda kapag mainit e, ang bilis lamg makapatuyo ng nilabhan, kaya ung mga unang batch ng nilabhan ko kanina pwede ko ng matupi ngayon..
Nice idea hehe May Christmas party daw kami sa cardbank e, sobrang mahal ng sibuyas ngayon kaya napakaprecious nito ngayon hehe Lalo na kung tingi bibilhin mo isang piraso ng medium size e inaabot ng 10 pesos ang isa e. Kaya kung dati kapag nagluluto e kahit dalawang piraso pa ilahok mo e pwede. Ngayon naman kung pwedeng hatiin mo sa tatlong luto ang isang buong sibuyas e gagawin mo e para lang makaptipid db? Nakakaloka na talaga ang presyo ng bilihin kaya minsan mas prefer…
Simulan na natin ang second batch na tiklopin, mga shorts di pa gaanong tuyo e.. Meryenda rin tayo guys habang nagtitiklop hehe Balewala maski mainit ang panahon magkakape pa rin ako lol Kapagay pasok sa school ang mga bata di ako makapgkape e kasi tambay na rin ako sa school, mahal naman kung bibili ng kape..
Gandang gabi noisemates. Kanina pa kami tapos magdinner, pero eto kakahawak lang ng cp. Naghugas pa ng pinggan tapos naghilamos para kapag nakapababa na ng kinain anytime pwede bg matulog. Musta kayo guys?
Maaga akong pumunta ng downtown kanina para sunduin ang kapatid ko. Ngayon magkasama na kami punta na rin kami sa bahay ng ate namen.. Goodmorning sainyo guys.. Maganda nnman ang panahon dito smen ngayon.
Hello noisemates. Kumusta? Ako umuwi na muna sa bahay, ung ate ko naman iniwan ko na muna sa ate ko sa bahay nlng daw nila mama kami magkita2 ulit. Tapos kasama ko mamaya pagbalik ang mga anak ko.. Mabuti nalang at sunday may panahon pa makapaggala.. Hehe
Gandang gabi guys. Kakauwi lang namen sa bahay, pero ung bunso ko nagpaiwan pa sa tita nya kaya mamaya sunduin ko nlng. Nakakatuwa nakita ko nnman ang baby namen tuwang tuwa rin ang anak ko sa pinsan nya oh hehe
Goodmorning noisemates. Lets start the day with coffee🙂 Pasok na naman sa school ang mga bata, kailangan nnman bumangon maaga. Bilib talaga ako sa mga nanay e, lalo na sa mga hindi talaga sana sa bumangin ng maaga. Pero para sa mga anak e isasakripisyo ang tulog hehe Have a nice day ahead guys🙂
Hello guys. Ayan ang naprepare kong breakfast kanina pero sa sobrang pagmamadali hindi man lang nakakain ng almusal hehe Andito na rin kami sa school. Musta kayo guys?
Ang cute naman ng wedding invitation ng kaibigan namen.. Buti nalang sa sabado ito makakapunta kami. Nagbabadya nnman ang ulan dito e ano ba yan. Musta guys?
Gandang gabi guys, kakauwi lang namen ng panganay ko, after school dumiretso kami sa bahay nila mama, andon kasi ate ko, nabusog na rin kami sa meryenda namen kanina kasi medyo late na rin kaya hindi na nakapagdinner. Anyway kami lang ng anak ko ang umuwi, umg bunso ko kasi nagpaiwan don sa bahay kay tita nya. Kaya sabi ko sige dadaanan ko nlang sya don bukas pagpunta ng school. Sakto naman pagkadating nameb ng bahay e ayan na bumagsak na ang ulan. Maulan na gabi guys. 🙂
Good morning noisemates. Grabe napakabilis naman ng oras, ung alarm kong 4:30 tapos naidlip lang ako pagtingin ko 5:30 na agad, kaya dali2 ng bangon, malelate kami kung magluluto pako kaya eto biling luto muna hehe Buti nlang nagtitinda na ulit ung kapitbahay namen, e masarap un magluto. Have a nice day guys. Keep safe🙂
Bestfriends💓 Late na ang induction ng school ng mga anak ko, ngayon palang dila mag induction. Nakakatuwa naman at officer din pala ang baby ko, picture sila ng bestfriend nya, sa section ng anak ko sabi ng teacher nila school uniform nalang ang isuot. Ok na rin atleast di na mapilitan bumili ng bagong damit o sandals, sa xmas party na lang hehe Mainit na hapon guys.
My mini me Yung mukha nameng magnanay na parang pinagbiyak na bunga, hindi talaga maipagkakaila na magnanay kami hehe Anyways, Legit ang pagod ko guys, halos kauuwi lang namen ng mister ko at may idineliver,. Pero kami ng mga bata pupunta ngayon sa bahay ng ate e, don kami matutulog dahil naisipan ng mga kapatid ko magshot habang andito pa ang kapatid namen na sa tarlac na nakatira hehe Ayan kanina message ng ate ko hehe Gandang gabi noisemates..
💓Siblings Gandang gabi noisemates. Antok nko pero dahil bihira lang makauwi tong kapatid namen Kaya eto tamang jamming kami. Kulang kmi ng tatlo wala dito iba nameng kapatid e.. Kumusta kayo guys?
Naalala ko kahapon nagpapalit kami nf mister ko ng gulong ng motir ko, tapos ung shop na pinaayusan namen e may puno ng mangga sa tabi tapos ung isang mekaniko e umakyatvat nanguha tapos ayan biniyan ako hehe Sakto namang naghahanap ako nito di pa kasi tagbunga nito kaya ang hirap maghanap.. Good morning guys. May hangover pa😁
Bagong washing ang motor ko, mga wat time kaya uulan? 😂 Ewan ko ba sa motor namen ng mister ko everytime talaga na iwawashing e saka naman uulan kahit pa anong ganda ng panahon haha May sumpa ata mga motor namen e lol Gandang tanghali noisemates..
x Playtime x Maya-maya uuwi na rin sila kuya ko, kaya ayan sinusulit na naman nila ang laro. Kakatuwang tingnan na close silang magpipinsan. Kami kasi dati nung mga bata pa di gaanong close ng mga pinsan namen.. Kumusta kayo dyan guys? In fairness mainit pa rin dito.. Hehe
Hays ang bunso ko independent ng masyado. Nakakatuwa na medyo nakakalungkot. Baby ko pa ito e, pero kaya na nya maski hindi ako kasama😔 Sasama kasi sya kela tita nya sa Paracale don matutulog na naman sa kuya namen kasi bukas magbebeach daw sila kaya friday na sila babalik ng Daet. Medyo malayo pa naman kaya dko agad mapupuntahan ilang bayan din ang pagitan e, 1enhalf hrs din ang byahe. Iexcuse ko na muna sya sa klase, si Kuya kasi nya hindi pwedeng basta-basta umabsent,…
Dumaan kami kanina kay mister para sabay sabay na kaming umuwi, kumain na rin lang kami sa labas dahil antok nko, matatagalan pa kung magluluto pa ako pagdating ng bahay. Tamang picture ang kuya ko, sya lang baby namen ng papa nya ngayon e hehe Ang mister ko kahilig talagang magpicture sa mga bata hehe Gandang gabi noisemates..
Good morning guys. Ang sarap pang matulog, ang lamig kasi dito smen. Kaya ang hirap lalo bumangin ng maaga e, ayan pa na naman ang ulan at bumuhos na naman. Sana naman mamaya ay tumila din kapag paalis na kami.. Have a nice day ahead guys. Keep safe. 🙂