read.cash Log in
@Roni

Good afternoon, mga ka-noise! Since Sunday ngayon, niyaya ko ang aking asawa na pumunta sa mall. Tinatamad daw siyang lumabas ngayon. Then she told me that she was worried na baka maubos ang allowance namin kasi hindi ko pa daw alam kung kailan ulit magsisimula ang next project ko. May kasabihan na ang mga Ilokano ay matipid at ang mga Pampanguena ay mas mapag-aksaya. Pero parang mas matipid siya kaysa sa akin. Ha-ha! Ang totoo, kapag binibigyan ko siya ng pera pang-budget para sa mga gastusin sa bahay, hindi na ako humihingi ng pera sa kanya. Nasa kanya na kung paano gagastusin at i-budget ang pera! Pero bilib ako sa kanya dahil gaano man kalaki o kaliit ang kinikita ko, marunong siyang mag-budget para hindi kami maubusan. Pero she sees to it, ang pagkain namin, kahit simple lang, laging balanse. At kung sakaling magkaroon ng kagipitan, mayroon siyang perang nakalaan para dito. Pero siya yung tipo ng babae na ayaw kunin lahat ng kinikita ko. Gusto niyang mayroon akong personal na pera. So, since ayaw niyang lumabas kami kasi normal lang naman sa babae na datnan ng ganyang katamaran, ang ginawa ko, bumili na lang ako ng ice cream dito malapit sa amin. Ang merienda namin ay itong ice cream with leche flan topping. Iniisip na lang namin na nasa Mang inasal o Chowking kami. Ha-ha! Ayun, nag-enjoy kami ng pamilya ko. May nakita din akong papaya sa fruit stand, kaya binili ko ito. Ngunit ang papaya ay hindi pa ganap na hinog at maaari pa itong kainin bukas. Anyway, may papaya pa siya sa ref. Well, my story is getting a little long. Ha-ha! I guess it's your turn and I'm here to listen. I mean, I'll read it. Haha!

25 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.