Kumusta na kayo mga mahal kong ka-noise? 4 days na rin mula nang huli akong mag-post dito. Pero regular naman akong nakikipag-interact sa mga ka-noise natin. Kadarating lang namin ni misis galing sa Downtown. May inasikaso kasi ako na documents sa proper town, kaya isinama ko siya. Tapos nag-snack lang kami at may biniling gamit. Gusto kong i-share itong pinicture ko habang hinihintay namin ang aming order. Nakatawag pansin sa akin itong nakaparadang mga kalesa ang tawag namin dito. Sabi ko sa misis ko mabuti na lang hindi binabawalan dito ang mga kalesa. Sabi niya alam siguro nila na iyan lang ang hanapbuhay nila kaya pinapayagan na nila. Nakakita na ba kayo ng ganito sa mga lugar ninyo ka-noise? Kalesa, ang humihila ay kabayo? Hindi ko pa na-experience na sumakay, pero si misis noong high school pa daw siya sumasakay siya ng kalesa. Share ko na rin dito ang binili ko habang nasa supermarket si misis binili ko itong Butter Mamon from Red Ribbon 🎀. Mura lang 110 per pack. Pinicture ko ngayong pagkarating namin dito sa bahay. Iyon lang ang aking maise-share ngayon mga ka-noise. Kapag natuloy akong umuwi sa hometown ko sa Bataan babalitaan ko na lang kayo. Happy noising sa inyong lahat!
8 comments
Parang ang sarap sumakay po dyan hindi ko papo kasi nasubukan ehh. Ay basta redribbon masarap po tlaga
Hindi pa rin ako nakasakay niyan ka-noise!
Gusto ko maranasan dahil kabayo ang zasakyan
Hahaha, oo nga ka-noise! Parang thrilling sumakay hehe
Hindi ko parin naranasan mksakay Ng kalesa ang syaa siguro sumakay niyan. Ang sarap po Ng mamon lalo tatak red ribbon.
Oo, nasarapan naman si misis. Malambot Kasi. Ako rin di pa ako nakasakay ng kalesa.
wow sarap nman nyan
Salamat! Magandang umaga, kaingay!