read.cash Log in
@Roni more from that month

Tinolang Century Tuna Good evening noise buddies! Magandang gabi, ka-Pilipinas! Share ko lang itong niluto ko na Tinolang Century Tuna. Dati Kasi may nakita akong mga ka-noise dito na nagluto ng tuna pero ibang gulay ang inilagay at sabi nila nasarapan sila. Kaya nagka-idea ako na iba naman ang gagawin kong luto, style tinola naman. Iyong nabili kasing papaya ni misis parang may part na mahihinog na, kaya hindi na niya nilutong tinola iyong manok kanina. Sinabi ko kay misis na ngayong hapunan ako ang magluluto at iyong papayang iyon na ayaw niyang gamitin ang ginamit ko. Nasarapan naman siya. Masarap nga, medyo manamis-namis at nilagyan ko rin ng dahon ng malunngay. At pinicture ko rin itong huling mangga na dala ko noong Sabado na umuwi ako dito galing Bataan. Ito iyong Apple mango. Kahit ganito lang ang dinner namin nasiyahan kami at nabusog. Minsan ang mga simpleng pagkaing ganito ang masarap kainin, bukod sa naka-tipid ka na, masustansiya pa dahil sa mga gulay na inilahok. Try din ninyong iluto ito mga ka-noise, Tinolang Century Tuna!

8 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.