Puerto Galera

0 17
Avatar for Ronellai
4 years ago

Kami ay pa-byahe mula metro manila papuntang Puerto Galera ay isla ng Oriental Mindoro. Itong travel na ito ay activities sa akong trabaho. Walang bayad sa amin ang transportation fee dahil sagot ito ng kumpanya, ang binayaran lang namin ay ang budget meal, at ang renta sa bahay. Kaya worth it din. Umabot lang ng 5k ang gastusin namin na kaming lima lang, nagstay kami rito sa puerto galera ng tatlong araw. Isa rin ito sa puntahan ng mga turista sa bansang pilipinas.

Napakaganda ng simoy ng hangin, ng puting buhangin at ang kulay asul na dagat. Ang sarap manatili rito ng ilang araw lalo na kung may pera talaga kayo panggastos. Tinagurian din ang Puerto Galera na isa sa pinakamagandang beach resort na komunidad ng Pilipinas. Sa pangalawang araw naman, kami ay nagtungo sa Infinity Farm sa Baco, Oriental Mindoro. Ito ay nasa higit kumulang isa’t kalahating oras na biyahe mula sa White Beach. Matatagpuan dito ang Mangangan River, isang ilog sa paanan ng Mt. Halcon na pinalilibutan ng iba’t ibang uri ng halaman at punong-kahoy.

Nakakalungkot dahil ito na ang ikatlo at panghuling araw namin sa Puerto Galera. Gumising kami ng maaga para sa aming pinakahuling water activity, ang mag island hopping at snorkeling. Bagamat ako ay malungkot, hindi rin maialis sakin ang kasabikan dahil ako ay mahilig sa snorkeling at diving. Bata pa lamang ako ay minulat na ako ng aking ama sa kalawakan ng dagat at tinuruan niya akong lumangoy at sumisid.

Bukod din pala sa island hopping at snorkeling ay kami ay pumasok sa maliit na kuweba. Ang daanan sa kuwebang ito ay matarik, masakit sa paa at isang kawayan lang ang andon para mahawakan. Pero napakaganda sa lugar na ito.

Ilang araw nalang at kami ay muli ng babalik sa metro manila. Kaya sinulit namin ang mga ilang araw duon para magbonding, magtawanan at magmuni-muni sa kadagat-dagatan. Kung gusto niyo na makapunta rito, mas magandang magkaroon muna kayo ng sapat na ipon para matuloy ang travel niyo sa lugar na ito.

2
$ 0.00
Avatar for Ronellai
4 years ago

Comments