Maganda umaga Pilipinas.
Marami sa atin ang napapaisip kung anong bagay ba ang gusto naten or pangarap naten na meron tayong passion or talento sa bagay na ito.
Ako matagal akong nagisip kung ano nga ba ang gusto ko. Kapag mga bata pa tayo marami tayong naiisip na., "Ah okay ito ang gusto ko paglaki ko, gusto ko maging nurse". Habang tumatanda nagbabago ang kagustuhan mo. Pero karamihan sa atin natutupad din ang kagustuhan nila lalo na kung financially stable sila sa pamilya niya. Pero mas maraming hindi maaabot ang kagustuhan dahil walang pera. Kaya yung iba maagang nagtatrabaho para magkaroon ng sariling budget. Ang iba nga nagiging working student dahil hindi talaga kaya ang financial eh.
Pero, nasa kapalaran natin kung gugustuhin natin abutin ang pangarap or kagustuhan mong passion. Kasi dito mo makakamit ang pagmamahal mo sa trabaho mo. Ako hindi ko nakuha ang gusto ko, pero diba hindi pa huli ang lahat. Pwedeng gumawa ako ng paraan, para makuha ko ang kagustuhan ko basta makakabuti para sa akin at hindi dapat makasama sa ibang tao.
Kapag dumating yung panahon na nasa passion mo na ikaw na trabaho, example isa kang freelance na photographer assistant ngunit gusto mong magkaroon ng sariling studio. Bago mangyari yan maraming kailangang gawin, need mong makapagipon para sa mga gamit na gagamitin mo at kung strategy kung paano ka nagkakaroon ng client.
Pero ito ang nakakalungkot, hindi lahat na kapag nakuha mo na ang kagustuhan mo nagsusucceed. May times na magffailed ito, pero hindi ibigsabihin isuko mo na ito. Patuloy kang pangarapin ang pangarap mo hanggang sa magsucceed ka. Magtiwala ka sa kakayahan at sa sarili mo kasi nasa iyo ang kapalaran ng pagiging successful mo.