Papaya Island Cove's

0 8
Avatar for Ronellai
3 years ago

Isa ito sa pinakamasayang naranasan ko sa aking kolehiyong buhay. Nagkaroon kami ng batch travel sa Nasugbu Batangas, sa Papaya Island Cove's. Hanapin niyo sa facebook meroon duon sa Byahero ni Bes, sakanila kami kumuha ng lugar at mga inclusions sa sasakyan, pagkain. Marami silang nirerekomendang mga lugar na pwedeng pagpasyalan kasama ang pamilya, barkada, o kaya mga mahal mo sa buhay.

Ako lang naman ito, oh diba napakaganda sa lugar nayan. Dito ko naranasan ang magcliff diving, at sumakay ng bangka na sobrang lakas ng alon at ulan, na grabe ang takot ko kasi baka kung mapaano kami. Pero napakasaya talaga nito. Sana kayo rin maexperience niyo sa lugar na ito. Mababait din mga tao dito. Saka yung mga nasa bangka na magguide sa inyo. Sanay na sanay silang lumangoy kahit sobrang lalim pa. Sana maulit muli itong biyahero na ito. Masaya kasi na magkaroon ng ganitong bonding.

Masaya palang magkaroon ng mga kaibigan na sasamahan kadin sa mga byahe mo sa buhay, kahit umulan, umaraw, magsasama-sama ang lahat para sa okasyon na ganito. Ngayon na may sarili-sarili na kaming trabaho at mga buhay ang iba ay nagpamilya na. Sana maulit uli ito.

2
$ 0.00
Avatar for Ronellai
3 years ago

Comments