Napakahirap palang maging isang babae, marami kang makikitang "TAGA" sakanya. Taga-laba, Taga-hugas, Taga-linis, Taga-luto, Taga-turo at marami pa... Hindi pala madaling maging babae, rereglahin ka, mabubuntis, manganganak, magmenopausal ka, at tatanda.. Bibihira lang ata magkaroon ng katuwang sa buhay na ganito rin kung kumilos sa bahay at magkaroon ng katuwang na magiging katulong mo sa hirap ng buhay.
At bilang isang babae, may mga bagay nadin tayong kayang gawin katulad ng mga bagay na kayang gawin ng lalaki. At marami talaga sa kababaihan ang buhos lakas kung magtrabaho, lalo na kung para sa pamilya. Pero may iilan din na hindi kinakaya ang hirap ng buhay kaya napupunta ang iba sa maling landas ng buhay. Pero kung maaari laging 'subukan' para mapagtagumpayan ang lahat huwag ng mapangunahan ng takot at kaba. Magagawa mo rin ang nais mo, at makakarating ka sa tuktok ng pangarap mo. At masasabi mo nalang sa dulo ng kwentong buhay mo. "KAYA KO NAMAN PALA".