Ang Bicol, Legazpi Albay ang aking probinsiya. Namasyal kami rito ng tita ko at boyfriend ko sa lugar na ito nung nakaraang taon. Masaya ako kasi ilang taon din ng hindi ako nakapunta dito. Dahil kinalakihan ko na ang metro manila at muli akong nakadalaw sa lugar na ito.
Nung bata-bata pa ako nungn nagpunta kami rito hindi ko nakita ang mayon kasi 5am palang at madilim sa lugar.
Napakagandang titigan at pagmasdan ang Mayon na kitang-kita ang tuktok ng mayon na ito sa Legazpi Albay na kahit saang lugar sa bicol ay masisilayan ang Mayon na ito.
Isa sa pinakamasayang experience na kasama ang pamilya nung kami ay maligo sa Busay Falls. Malamig ang dumig, maganda ang simoy ng hangin, hindi maaraw, Yung napakaganda ng kalangitan. Ang sarap lang dahil nakapagrelax kami, nawala ang stress, at problema na hindi kagaya dito sa metro manila na pursigido ang lahat para magtrabaho at paghirapan ang lahat. Kapag kayo magpunta sa Albay, huwag niyo kalimutan ang magpunta sa busay falls. P10.00 Lang ang entrance fee nila.
At sa sumunod na mga araw, naligo naman kami sa Dagat, kaso hindi nakikita ang mayon kasi maulan ng oras nayan at makulimlim. Masayang maligo sa dagat pero sobrang alat at hindi ka makakadilat sa ilalim ng tubig. Haha, pero napakaganda ng mga tanawin sa Bicol, hindi lang namin napuntahan lahat. Napakasaya sana kung medyo nakalapit kami sa mayon volcano.
Sana makabalik kami ulit dito. Ikaw ano ang best experience mo sa Bicol?