Maagang Pag-asawa

0 4
Avatar for Ronellai
4 years ago

Nandito tayo sa mundo kung saan napakaraming judgemental, mas nakikita ang pagkakamali nila kesa sa sariling pagkakamali, mayayabang, matataas ang pride at mapuna sa pagkakamali ng iba.

Pero kung mataas ang tiwala mo sa sarili mo, kahit anong pangdodown nila sayo, hinding hindi ka maniniwala sa kanila. Kasi kailangan mong mas maniwala sa sarili mo kesa sa sasabihin ng iba.

Pinagamatan ko itong "Maagang Pag-aasawa". Bakit marami sa kabataan ngayon ang maagang nakakapangasawa? Dahil ba sa kakulangan ng pagpapayo o kalinga ng magulang? o Inuuna naten ang magiging kaligayahan naten kesa sa buhay na alam nating dapat muna unahin. Minsan dahil sa may minamahal tayo naguudyok sa atin na "Magsama na tayo", "Magpamilyana tayo". Pero bago ba mangyari yan tinanong niyo ba sarili niyo, "Kasal naba kami?", "Kaya ko naba?", "Ready na ba ako?", "Kaya naba ng financial ko?". Pero kung alam mo naman na kaya mo, okay kayo ng asawa mo both sides sa parents, may trabaho kayo pareho, nakapagipon kayo, nasa pakiramdam mo ng kaya mo ng magpamilya, "Edi Go, Masaya ako para sayo. Kasi kaya mo na".

Huwag nating madaliin ang mga bagay na kung alam naten ay hindi pa naten kakayanin physically, emotionally, financially. Hanggat bata kapa, mangarap muna kayo ng partner niyo, mag-usap kayo kung kakayanin niyo naba, o mas maganda na mangarap ka muna sa pangarap mo. Abutin niyo iyon pareho, hanggang sa maging financial stable kayo, physically stable at emotionally stable kayo pareho.

Let us be matured and wise in every decisions we make. God bless.

4
$ 0.00

Comments