"Hanggang sa muli aking munting kaibigan"

0 15
Avatar for Ronellai
4 years ago

Siya yung asong maingay sa gabi,

Kasi may tao sa tabi-tabi ,

Siya yung sundalo pagsapit ng gabi,

Siya yung asong matapang at may silbi,

Pagdating ko ng bahay siya'y nag-aabang,

Na ako'y lumapit at siya'y paliguan,

Siya'y mabigat daig pa ang timbangan,

Wag kayong maingay baka kayo'y subukan,

Ngunit isang araw siya'y nagkasakit,

Ako'y naaawa sa mata niyang nakapikit,

Nararamdaman ko ang dinanas niyang sakit,

Siya'y humihinga ng sulit na sulit,

Pagdating ko ng bahay ako'y nagulat,

Sa mga kapatid ko na may iniulat,

Ng aso ko na hindi na mamulat,

Ang mga matang pilit kong idinidilat,

Kung makakaya ko lang na siya'y buhayin ,

Gagawin ko lang para siya'y bumalik sa akin,

Kasi noon minsan lang siya kung kumain,

Namatay siyang may galit sa akin.

2
$ 0.00

Comments