Naranasan mo naba ang maexperience ang ganitong sitwasyon? Pwede mong i-open ang experiences mo dito. Baka matulungan kita.
Ang depression ay isang banayad na karamdaman sa pag-iisip na kapag hindi nakakayanan ng isang tao. Nagsusuicide ito. Pero hindi dapat ito binabalewala, bagkos ating bigyang pansin ang nakakaranas nito. Ang mga taong merong depression ay may matagal na mababang kalooban at kawalan ng interes sa lahat ng bagay at kakulangan ng enerhiya. Napakasama ang kanilang nararamdaman sa araw-araw na nakakagambala ito sakanilang pang-araw araw na pamumuhay.
Ano nga ba mga sanhi ng pagkakaroon ng ganitong karamdaman? Una na rito na sila ay nagpapadala sa mga negatibong senyales na tumatakbo sa kanilang isipan na nawawalan ng balanse at hindi nakakapag-isip ng tama ang taong may depresyon.
Paano maiiwasan ang ganitong karamdaman sa pagiisip?
Subukan na pag-usapan ang iyong mga damdamin at i-share ang problema sa taong handang makinig sa iyo.
Panatilihin ang isang malusog na istilo ng buhay, magkaroon ng pakikisama o pakikihalubilo sa kapwa mo.
Laging isa-isip ang mga positibong saloob, para makayanan at malabanan ang bagay na nakakangbaba ng iyong saloobin.
Humingi ng tulong upang malutas ang problema.
Lahat ay pwedeng makaramdam ng depresyon. Pero ang eksaktong dahilan kung bakit ang tao ay nagkakaroon nito ay hindi alam.
Kaya ipanalangin naten ang mga taong nakakaramdam nito hanggang ngayon na patnubayan sila ng Diyos, at bigyan ng kalakasan at paglilinaw na kaisipan.
Naranasan ko ng magkaroon ng depresyon, sobrang lungkot, sobrang hinang-hina ako, laging emptyness ang nararamdaman ko sa tuwing nagigising ako. Laging negatibo ang tumatakbosa isipan ko. Hindi ako nakikihalubilo, Iniisip ko na gusto ko ng mawala.. Pero nanalangin ako ng nananalangin, hanggang sa unti-unti kong nailabas ang nararamdaman ko sa isang tao, na tumulong para magboost ang confidence ko, at maging positibo ako sa mga bagay na pinanghihinaan ko. Sobrang ligaya na ng nararamdaman ko sa araw-araw. Kaya maraming salamat sa taong tinulungan ako para makabangon ako. At sa Panginoon na kailanman hindi ako sinukuan.
Kaya ikaw kung mabasa mo man ito. Makakaya mo rin, huwag mong sarilinin ito. Humanap ka ng isang tao mailalabas mo ang nararamdaman mo. Gagawa ang Diyos ng paraan para magkaroon ka ng kapayapaan sa puso mo at isipan mo. God bless.