Ilang months ng nakaquarantine ang karamihang lugar sa pilipinas at napakarami sa mga pilipino ang naapektuhan ang mga kanilang trabaho. May ibat-ibang mungkahi ang mga pilipino patungkol sa nagiging aksyon ng gobyerno. Napakahirap kumilos at gumalaw kung ang kalaban mo ay hindi mo lubos na makita at nahahawakan.
Mga pilipino kong mahal, patuloy natin lakasan ang ating kalooban, isipin nateng huhupa rin ang lahat ng problema at tayo'y makakapagsimulang muli. Paunti-unti babangon muli ang pilipinas. Ugaliin natin na magdasal at magtiwala sa Diyos. Dahil walang imposible sakanya. Lumapit ka sa Diyos at ikay pagpapalain, kumatok at ikay pagbubuksan. Hindi tayo pababayaan ng Diyos. Virus ang ating kalaban, huwag na sanang dagdagan pa. Magtulungan sana tayong lahat sa pananalangin na matapos na itong pandemiya na ito.
Mga pilipino, kahit tayo ay hirap na hirap na sa sitwasyon. Pero lagi nating isipin na may katapusan din ito. Lagi lang tayong manalig kay Hesus. Gawin mo ang mga bagay na tingin mo ay magpaguunlad mo. Gawin nateng inspirasyon ang mga ating naranasang hirap para tayo'y makabangon ng mas matatag.
May iilan kasi sa mga pilipino na sukong suko na sila. Sama sama tayong ipagdasal ang mga nawawalan ng pagasa. Samahan natin sila para silay maging matatag. Magtulungan tayo. Magsumikap, magkaroon ng pagtitiis, at tiyaga.