" madalas mas ok pa na mag isa.. malayo sa mata ng mapanghusga.."
May isang babae na madaming kaibigan. Masayahin, madalas tumatawa. Pero isang araw bigla na lang nakita na siya na nag iisa. Nasa isang tabi, walang kausap. Cellphone at nakikinig na lng ng music. Malayo sa dating nakikita ng mga tao.
Ano nangyari?
Isang araw yung babae ipinakilala ng kaibigan niya sa isang lalaki. Nagkapalagayan ng loob, hanggang sa dumating ang oras na naging sila na. Pero lihim lang nila. Bawal sa trabaho. Pero lingid sa kaalaman nila, may mga tao na iba na ang tingin sa kanila. Halata naman daw na sila na. Sa babae walang problema. Masaya lang siya.
Isang araw sa oras ng uwian, nalaman ng babae na yung lalaki pala ay may GF na. Kaya pala iba ang tingin sa kanya ng mga tao. Hinuhusgahan siya. Malay nya ba?? wala naman siyang alam. Nagmahal lang siya.
Kinabukasan pag pasok niya. Mas pinili na lang niya na mag isa. Hindi na siya kinakausap ng mga dating kaibigan nya. Hindi na din niya nakikita na pumapasok ang lalaki. Minsan narinig niya. "Sayang naman, magaling pa naman sana yun."
Hindi na niya pinansin. Di sya nagpaliwanag. Naghusga na wala naman syang alam. Kaya ang dating babae. Mas pinili na lang na maging mag isa. Yung dating masaya, pinili na lang mag isa.
☺️
Masarap mapag isa kung may ginagawa ka pero kpg lage kng ngiisa nakakalungkot din.