kelan dapat bumitaw? (when to let go?)
Minsan may nagtanong sakin..
" Rona iwan ko na ba?"
Doon naisip ko, kelan nga ba dapat mag let go sa isang relasyon?
kapag ba wala ng feelings sa isat isa?
kapag ba isa na lng ang nagmamahal?
kapag ba madalas na ang lungkot kesa sa saya?
paano na yung mga maiiwan? san na sila magsisimula?
paano ba uumpisahan ang break up?
sa mga ganito isa lang ang naisip ko..
Walang madaling break up. Mahirap makipag hiwalay sa taong nakasama at minsan mong minahal. Kung gaano kahirap ang bumitaw ganon din kahirap ang mag move on.
Kelan dapat bumitaw?
kapag mas madami ng luha kesa sa saya.
kapag mas mahal mo na siya at nakalimutan mo ng mahalin ang sarili mo.
at higit sa lahat......
Kapag ang mga bagay na nagpapasaya sayo ay nahahadlangan dahil sa isang tao.
ano masasabi nyo?
-Loveguru☺️
unrequited love vs. first love.,
" walang kwenta ang first love.. mas importante ang Last love.."
ano ba ang FIRST LOVE??
sila ba yung dating unang nagpatibok ng puso mo?? yung kapag naalala mo kinikilig ka pdin?!
Kung yan ang sagot mo.. Hindi first love yan.. Unrequited Love yan..
Sila yung unang nagpatibok ng puso mo. Yung super crush mo at laging laman ng isip mo. Kahit malayo pa lang sya kinikilig ka na pag nakikita mo siya. Nagpapabagal ng takbo ng oras kapag kasama mo siya.
parang First love?? mali. Ang First love, yun ang tao naging karelasyon mo. Yung pareho kayong bumibilis ang tibok ng puso pag nagkikita kayo. Parehong nakakaramdam ng pagbagal ng oras pag magkasama kayo.
First love ang tawag pag nagkaroon na kayo ng relasyon. Parehong nakakaramdam ng pag ibig sa isat isa. Nagsecelebrate ng masayang araw ng magkasama. May pag ibig sa inyo. Pero kapag ang mga nararamdaman mo ay ikaw lang at wala sya, unrequited love yun.
Kayo sino ang first love nyo?
☺️
mapag isa..
" madalas mas ok pa na mag isa.. malayo sa mata ng mapanghusga.."
May isang babae na madaming kaibigan. Masayahin, madalas tumatawa. Pero isang araw bigla na lang nakita na siya na nag iisa. Nasa isang tabi, walang kausap. Cellphone at nakikinig na lng ng music. Malayo sa dating nakikita ng mga tao.
Ano nangyari?
Isang araw yung babae ipinakilala ng kaibigan niya sa isang lalaki. Nagkapalagayan ng loob, hanggang sa dumating ang oras na naging sila na. Pero lihim lang nila. Bawal sa trabaho. Pero lingid sa kaalaman nila, may mga tao na iba na ang tingin sa kanila. Halata naman daw na sila na. Sa babae walang problema. Masaya lang siya.
Isang araw sa oras ng uwian, nalaman ng babae na yung lalaki pala ay may GF na. Kaya pala iba ang tingin sa kanya ng mga tao. Hinuhusgahan siya. Malay nya ba?? wala naman siyang alam. Nagmahal lang siya.
Kinabukasan pag pasok niya. Mas pinili na lang niya na mag isa. Hindi na siya kinakausap ng mga dating kaibigan nya. Hindi na din niya nakikita na pumapasok ang lalaki. Minsan narinig niya. "Sayang naman, magaling pa naman sana yun."
Hindi na niya pinansin. Di sya nagpaliwanag. Naghusga na wala naman syang alam. Kaya ang dating babae. Mas pinili na lang na maging mag isa. Yung dating masaya, pinili na lang mag isa.
☺️
Go Back Couple ( koreanovela)
" yung desisyon na di pinag iisipan... yun ung desisyon na madalas masasaktan ka lamang.."
Isa sa pinaka paboritong palabas ko ang Go back couple. Bakit? kasi sila yung masasabi ko na sumasalamin sa totoong nangyayari pag nagsama na sa iisang bubong ang lalaki at babae.
Yung nagiging losyang na si babae dahil sa kakaasikaso sa asawa at anak nya. Tipong kakain na lang sya iiyak yung anak nya, ititigil nya yung pagkain nya. O kaya naman pupnta sa cr tapos hahabol sa kanya yung anak nya.
Yung lalaki naman na di na mabalikan yung dating buhay binata sya. Kapag gimik di makasama kasi may pamilya na na uuwian. Yung lalaki na pag uwi sa bahay pagod na pagod na sa trabaho.
Pero sa bandang huli, pipiliin at pipiliin mo pa din yung mga bagay na sumaya ka kahit nahirapan ka. Kahit malosyang at mapagod ka na. Sabi nga nila, nakakawla daw ng pagod ang mga bata.
☺️
Gaano kahalaga ang Father's day?
June 20,2020
Gaano nga ba kahalaga ang Father's day? Tulad ba to ng birthday na taon taon nag secelebrate? o kaya parang valentines day na dapat laging magparamdam ng pagmamahalan?
Para sa akin...
dapat parang Rizal Day...
Taon taon inaalala ang kadakilaan ni Rizal. Parang tatay mo na buong taon ka pinaglalaban at minamahal. Yung kahit pagod na siya nag tratrabaho pa din para sa pamilya nya.
Yung tatay na parang si Rizal, ipagtatanggol ka kahit kapalit ng buhay nya. Si Rizal na nag iisip paano ng mga tula para sa kinabukasan ng bayan. Parang tatay mo na nag iisip para sa kinabukasan ng anak nya.
Dapat lang na maalala natin ang araw ng ating mga ama.
Di man kasing sikat ni Rizal, handa naman gawin ang lahat para sa pamilya. Parang si Rizal na ginawa ang lahat para sa bansa.
☺️
Daryl Ong banned sa abs cbn
June 16, 2020 ay nilinaw ng kapamilya singer na si Daryl Ong kung bakit sila ng kapwa nya singer na si Bugoy Drilon ay na banned sa kapamilya network.
Ayon sa kapamilya singer ay nagkaroon daw sila ng kapwa niya singer na si Bugoy Drilon ng pag uusap tungkol sa stocks hanggang sa naisali ang petition for renewal ng abs cbn.
May nag record daw sa kanilang usapan at ito ay nakarating sa boss ng abs cbn dahilan upang sila ay ma banned sa network.
Pero sa pag lilinaw ni Daryl ong, Wala syang sama ng loob sa abs cbn.
Umani ng batikos ang nasabing isyu. Kayo ano sa palagay ninyo ang opinyon nyo?
😊
coin master
Isa sa sikat na online games ngayon ang coin master.
Paano nga ba ito laruin?
Build your empire. May chance of spin, kung saan makakakuha ka ng coins, at makaka raid ka sa ibang empire. Meron din na mananalo ka ng additional spin at shield.
Nakakasira daw ito ng pagkakaibigan.
Paano??
Minabuti ko na mag download ng laro na to. dun ko nkita na makikita mo kung sino ang umatake sa binuo mu na empire.
Siguro para sa ilan na naghirap mag buo ng empire nila., nakakagalit nga nman na bigka nlang may aatake at sisirain.
Pero sa opinyon ko, Laro lng yan, di dapat seryosohin.
ikaw sa tingin mo??
Post partum
POSTPARTUM AY HINDI ISANG PAG IINARTE LANG
If madali ka Lang magalit or madaling mairita kahit SA isang maliit na bagay na Hindi mo gusto at feeling mo Hindi ka naiintindihan NG ibang Tao.. Yun na
if Hindi ka makakatulog the whole day kahit Wala Kang ginagawa at buong araw ka nang nakahiga..
if may iniisip ka na matagal pa mangyayari pero excited ka nang gawin ito at marami ka nang naiisip na output nito.....
OVERTHINKING
INSECURITIES
JEALOUSY
pinaka hate mo SA bahay ay si MR. Specially Kung Hindi ka pakikinggan,
Dahil Yung brain at body mo raw ay ayaw mag communicate....
Dahil nung manganak ka lahat nang nutrients mo ay down
(Para Kang nag shutdown) and THAT'S POSTPARTUM
overwork SA bahay,kahit Anu nalang maiisip,dahil feeling mo na bored ka na,feeling mo Ang dumi NG bahay kahit hndi Naman... THAT'S POSTPARTUM
PANNICT ATTACK...kahit napakalitt na problema at kayang kayang solosyonan nagpapanic ka.. THAT'S POSTPARTUM
so Mula nang manganak ka,1 year Ang recovery,pero possible nga always syang NASA Iyo Kung d mo kayang e relax sarili mo, swerte ka Kung Hindi sakit NG ulo Asawa mo, dahil sya Ang papalit SA responsibilities mo, UNDERSTANDING Ang pinaka d best na meron Ang hubby mo dahil SA panahon na d mo kayang mag adjust siya Ang gagawa nito, dahil Hindi Ito natatakasan,..kayo kana isang buong Bata Ang lalabas sayo...NatATakot ka nga may bulate na lalabas sa Anu mo,____hindi madaling manganak
Wag bibigyan Ang bagong panganak SA mga bagay na d nya gusto dahil kahit gusto nyang intindihin Yun,Yung pusot isip nya hndi magkasundo.
Maging maunawainh asawa sa lahat ng oras at bagay.
post partum
•POST PARTUM DEPRESSION•
Oi Nanay kana ? Ang taba mo! Losyang kana.
Dito nagsisimula ung Insecurities Kasi taong bahay kana alaga sa mga Bata tipong Ayan kahit magluto bitbit mo. Di mo magawang maligo Ng matagal Kasi baka magising ung halos 2 oras mo Ng pinapatulog na bata. madami sa atin simula nung maging nanay tayo marami na ang nawala. Isa jan ang KAIBIGAN. Lalo kung ung mga kaibigan mo mga single parin. May hang out sila , di ka makasama kasi may dapat kang mas unahin . May lakad sila pero di ka makasama kasi may anak kang aasikasuhin. Dun nagsisimula na makakalimutan ka na nilang yayain. Hanggang sa tuluyan ka na nilang malimutan. Wala ka Ng pambili Ng mga pang Beauty or pang Skin Care mo kasi mas uunahin mo na ung mga need nila bagets. But if you are kind of Mother na financially stable then you lucky Kasi you don't need to work to provide the needs of your children.
Mag isa ka sa bahay , walang kausap . Nakakalimutan mo na magayos Kasi Ng same asusual Lang nman Napapagod ka ng walang nakakaintindi . Gusto mong magpahinga kahit isang araw lang , pero may anak at ako sa sitwasyon ko nasa abroad Ang asawa ko pero I'm with my Mother which is nakakatulong sa pag aalaga Ng mga Bata pero paano ung ibang alone walang kasama o katuwang sa pag aalaga imagine how tired they are Minsan kapag nakakaramdam ka ng pagod at lungkot imbes na suporta ang makuha mo "KAARTEHAN" lang daw yan. Kaya mas pinipili mo nalang sarilihin. Kapag gusto mong magayos people around you will judge you na may asawat anak na arte arte pa! tumatanda na Ang dami pang alam. Minsan nakakapagod rin ung paulit ulit na routine namin everyday . Ung tipong araw araw paulit ulit ang ginagawa mo na parang di natatapos. Gigising magluluto Breakfast maglalaro with kids then maghahanda Ng Lunch and so on.
We , MOMS need not just help and katuwang sa gawaing bahay but COMFORT , ENCOURAGEMENT . We do not NEED your JUDGEMENTS . Ang kailangan namen ay appreciation Hindi kme Basta babae Lang o Nanay Lang! We women who choose to stay home to take care and provide the needs of our kids. Some of us weren't born for rewards, Froi. We were born for sacrifices.
Thank you so much for your time reading my KAARTEHAN. I'm Rona Santos Mother of two 👩👦👦 to All nanay Reading this always remember you are all beautiful you all deserved all the best that world can give you. In everything you do don't forget to love your self first ♥️😍
•Spread the Positivity•
10 imbitado lang ang papayagan sa mga lugar na GCQ
Ayon sa pahayag na ito ng ng Mayora ng lungsod ng Davao hindi naman kinakailangan na maramihan ang imbitado sa isang pagtitipon sa mga lugar na sakop ang GCQ guidelines.
Sa ibang pananaw, mas maganda daw ang ganitong mungkahi ng mayora dahil mas makakatipid ang mga tao sa ganitong uri ng pandemya.
Sa ibang opinyon naman ay nagsasabi na nawawala na daw ang mentalidad ng ibang tao patungkol sa nakagawiang taradisyon ng mga Pilipino. Sa ganito daw klase ng pandemya ay hindi pa din daw dapat kalimutan ng iba ang pagsasaya kahit sandaling araw lang.
Ang iba naman ay nagsasabi na tama lang daw ito upang hindi malabag ang ordinansya na physical distancing.
kayo ano ang opinyon nyo tungkol sa usapin na ito?
Tiangge Sa Taytay
Ngayong taon ng 2020, laganap na ang Online Selling sa mga social media. Lahat sila nagtitinda ng ibat ibang uri at klase ng damit. At syempre isa sa murang bilihan,, ang TAYTAY.
Ang Taytay ay isang first class municipality na matatagpuan sa probinsya ng Rizal. Ito ay katabi lamang ng Cainta at karugtong din ng Pasig City. Ang bayan ng Taytay ay tinaguriang ***Garments and Woodworks Capital of the Philippines***. Bago pa man naging sikat ang Tiangge sa Taytay, marami na dating nagbebenta ng damit na pambata, kurtina, at iba pang tinaguriang *ready-made*. Dati ng kilala ang Taytay na pinggagalingan ng mga paninda na dinadala sa Baclaran.
Ang Tiangge sa Taytay ay nagsimula few years ago sa may tabi ng palengke at side ng Club Manila East. Dati, bukas lang ang Tiangge sa Taytay ng ilang araw at ilang oras sa isang linggo. Ngunit dahil sa murang presyo ng mga bilihin, inumpisahan na itong puntahan ng mga tao mula sa iba’t-ibang lugar at kasama na dyan ang mga taong gusto magnesyo. Ngayon, ilang establishments na rin ang nakatayo sa area upang seguraduhing maa- accommodate ang mga mamimili. Maihahalintulad natin ang Tiangge sa Taytay sa *Pratunam* na matatagpuan sa Bangkok, Thailand.
**1. Paano Pumunta Sa Taytay?**
– Maraming paraan kung paano pumunta sa Taytay. Puwedeng mag jeep mula sa Cubao at Crossing sa may EDSA o kaya mag bus ng G Liner sa may Robinsons Galleria.
– Kung ikaw naman ay may sasakyan, puwede ka ding dumaan sa may Pasig City kung galing ka ng C5 o kaya derecho ka lang ng Ortigas Avenue hanggang Ortigas Avenue Extension kung manggagaling ka ng Robinsons Galleria. Marami ang mga parking areas na mura lang ang bayad.
**2. Ano Ang Mga Mabibili Sa Tiangge Sa Taytay?**
– Sari-sari ang mabibili mo sa Tiangge sa Taytay. May mga damit pambata, pandalaga, pang binata, pang tita, pang nanay, pang tito, pang tatay, pang lolo at lola, at marami pang iba.
– Maari ka ding bumili dito ng damit na pambahay, pang school, pang gimik at kahit pang opisina.
– Kung marunong kang mag mix and match, magiging sosyal ang dating ng mga damit mo at walang maniniwala na binili mo ito sa presyong Taytay.
**3. Paano Mamili Sa Taytay?**
– Pagdating sa Tiangge sa Taytay, ang malimit mong maririnig na tanong ng tindera ay “***wholesale or retail***.”
– Kapag pinili mo ang wholesale, kailangan mo bumili ng at least tatlong damit na pare-parehong design or may ibang tindahan na pumapayag na iba-iba ang design basta sa kanila ka bibili. Dito, segurado kang makakatipid ka sa budget mo.
– Kung di mo naman kailangan ng marami at isa lang ang gusto mo, di ka pa rin lugi sa “*retail price*” dahil seguradong mura pa rin ito kumpara sa presyo sa malls at iba pang tiangge sa Metro Manila.
– Tandaan nyo din na dahil sa murang halaga, karaniwan hindi na rin nagbibigay ng discount or tawad ang mga may ari ng paninda pwera lang kung overwhelmingly charming ika nga.
**4. Maari Bang Bumili ng Paninda o Pang Neyosyo sa Taytay?**
– Dahil sa mababa ang presyo ng kanilang paninda, maari kayong mamili o maging reseller ng mga damit na makikita nyo sa Tiangge sa Taytay.
– Karamihan sa mga namimili dito ngayon ay ang mga may online shop o sariling puwesto din sa ibang lugar.
Tara na, bisitahin na ang Tiangge sa Taytay, di kailangan ang mga “*ukay-ukay*” kasi ang mga paninda ay bago at yaring Pinoy
Liwayway
so ayon,
sino ba nakakaalala sa babasahin na to??
sabi ng magulang ko isa sa pinaka sikat ang babasahin na to.
magagaling at mahusay sa pagsusulat ng mga artikulo.
dahil sa read. cash baka may makaalala ulit dito.
Taal: Isang Maliit O Isang Napakalaking Bulkan?
Jan 28, 2020
Sa elementarya, itinuro sa amin na ang Taal ay pinakamaliit na bulkan sa mundo. Kalaunan, natuklasan ko na may mas maliit pa pala dito—ang bulkang Cuexcomate na nasa Puebla, Mexico. Ngunit ang Cuexcomate ay isang inactive o patay na bulkan. Ito ay lampas-tao lang ang taas at ilang dipa lang ang lapad. May hagdang bato patungo sa ibabaw nito. Sa ibabaw nito ay may lagusan at sa lagusan ay may mga hagdang bakal pababa sa loob ng bulkan. May isang bahagi sa loob ng bulkan na nalagyan na ng sahig na semento at napatungan ng tiles. Mayroon ding mahahabang silya na puwedeng upuan at pahingahan ng mga taong namamasyal sa loob ng bulkan. Mayroon ding fountain doon at sa naipong tubig ay may mga isdang lumalangoy. Ang Cuexcomate ay hindi mo iisiping bulkan, kundi isang kuwebang pasyalan.
Sa kabilang dako, ang bulkang Taal ay itinuturing na pinakamaliit na bulkang aktibo. Mas mapanganib pa daw ito kaysa sa bulkang Mayon dahil napakalakas nito at bigla-bigla kung sumabog. Nitong Enero 12, 2020, nagbuga ito ng makapal na usok na umabot hanggang 15 kilometro ang taas, ayon sa Phivolcs. Ang usok ay may kasamang abo at pinung-pinong pulbos na nagdulot ng malaking pinsala sa agrikultura na umabot na ng mahigit P2 bilyon.
**Maliit nga ba ang bulkang Taal?**
Nagsimulang magbago ang aking isip tungkol sa bulkang Taal nang sumabog ito noong 1977. Umabot sa Metro Manila ang abo nito at naitanong ko sa sarili: Bakit ang isang napakaliit na bulkan ay napakalakas kung sumabog? Minsa’y nagpunta ako sa Silang, Cavite. Habang ako’y nasa sasakyan, napansin ko na ang Silang ay tuluy-tuloy na pataas, at sa dulo ng bayang ito ay ang syudad ng Tagaytay.
Minsa’y napasyal din ako sa Canlubang, Laguna. Nakalimutan ko na kung bakit ako napunta roon. Ang naaalala ko sa Canlubang ay ang mga taniman ng pinya. Napansin ko rin na ang Canlubang ay pataas. Sabi ng isang taga-roon, ang dulo ng Canlubang ay Tagaytay. Noong mapunta ako sa Tagaytay para sa isang seminar, pinagmasdan ko nang maigi ang Taal Lake at ang paligid nito. Humanga ako sa kagandahan ng lawa na may sukat na 234 metro kuwadrado.
Sa gitna ng lawa ay may isla na kung tawagin ay volcano island. Hindi ko maituturing na maliit ang islang ito. Mayroon itong dalawang malaking bunganga o crater at bawat bunganga ay may sariling caldera o munting lawa. Bukod sa dalawang crater na ito, mayroon pa umanong 45 crater sa iba’t-ibang lugar sa lawa, ayon sa datos ng Phivolcs.
Ayon pa sa datos, mga 6,000 katao ang naninirahan doon, mga 3,000 na kabayo, bukod pa sa ilandaang alagang baka, kambing, baboy at manok. Ngunit ang nakamamangha ay ang mga bayan—Talisay, Agoncillo, Laurel, Lemery at iba pa—sa gilid ng dakong ibababa ng lawa. Mula sa isang restawran sa gilid ng Tagaytay, pinagmasdan ko nang maigi ang kinaroroonan ng mga bayang ito at ang kabuuan ng Taal Lake. Pabilog at pahukay ang hugis ng lawa.
Bigla kong napagtanto na ang mga bayang tinitingnan ko ay nasa loob ng bunganga ng isang napakalaking bulkan. Naisip ko rin na ang mga bayan ng Silang at Canlubang, kaya sila pataas ay dahil nasa dalisdis o slope ng bulkang Taal. Kung gayon, naisip ko, parang hindi totoo ang sinasabi na ang Taal ay pinakamaliit na aktibong bulkan sa mundo. Kung ang Taal ay isang napakalaking bulkan, ang mga bayan ng Binan at Calamba sa Laguna, at ang Carmona sa Cavite, ay nasa paanan ng bulkang Taal.
**Complex volcano system**
Ayon sa tala ng Phivolcs, ang bulkang Taal ay may 47 crater at 4 na maar. Ang maar ay crater din na nalikha ng pagsabog dahil sa pagdikit ng malamig na tubig sa kumukulong lava o magma. Sa loob ng maar ay may tubig kaya ito ay parang munting lawa din o caldera tulad ng makikita sa volcano island. Hindi alam kung ilan pa ang mga crater at maar sa ilalim ng lawa ng Taal kaya itinuturing ito ng Philvocs na isang complex volcano system.
Judy Ann, Marian at Pia Wurtzbach, nag auction ng kanilang personal items para e-donate sa COVID-19
Apr 30, 2020
**Judy Ann Santos, Marian Rivera at Pia Wurtzbach, nag auction ng kanilang personal items para e-donate sa COVID-19**
Nakiisa sila Judy Ann, Marian at Pia sa “Shop for a cause” ng Vestido Manila na siyang nagbebenta ng kanilang personal well-loved branded items gaya ng Gucci, Louis Vuitton, Michael Kors at iba pa.
Posted sa instagram gallery ng vestido.manila ang auctioned items ng mga nasabing artista. Ang 100 percent profit na malilikom ng vestido.manila ay mapupunta sa chosen charity ng buyer.
Naibenta na ang karamihan sa mga branded items.
**Sold branded items ni MMFF Best actress, Judy Ann Santos**
Gucci GG leather and Canvas Scarlett bag sold for Php 15,000
Mulberry Postman Crossbody in fuchsia sold for Php 15,000
Bottega Veneta shoes sold for Php 9,000
Rag and Bone lace-up espadrilles sold for Php 6,500
Custom Vin Orias suit set in salmon for Php 5,000
Michael Kors Selma Safiano satchel sold for Php 4,500
Vivienne Tam dress sold for Php 4,000
**From Marian Rivera**
Dolce Gabbana floral print wool crepe shift dress, price not mentioned. Ngunit ayon sa Pep.ph ang original price nito ay $1,287 o Php 65,245
Self portrait lace dress sold for Php 10,000
Alexander Wang tie-back crop t-shirt sold for Php 3,000
Heron Preston printed crop t-shirt sold for Php 2, 800
**At ito na nga ang sold preloved items ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach**
Gucci Kingsnake leather Sandals, sold for Php 15,000
Prada patent pumps, sold for Php 10,000
Louis Vuitton (2015) denim blue shore wedge sandals, sold for Php 12,000
Albert Andrada gold dress sold for Php 8,000
Steph Tan couture sequined dress sold for Php 7,000
Daniel Manila sequined dress with flared sleeves, sold for Php 5,000
Louis Vuitton x Jeff Koons Speedy (Da Vinci Mona Lisa) in poppy orange green leather, price not mentioned.
Lumahok din ang Qurator Studio na siyang pinanggagalingan ng mga damit ng ating mga paboritong artista tulad nila Anne Curtis, Bea Alonzo, Kyline Alcantara, Sharon Cuneta, Yam Conception at iba pa.
Bukod sa pag auction ng kanilang personal well-loved items, nagluluto rin si Marian Rivera at si Judy Ann Santos ng pagkain para sa ating mga frontliners.
Lumilikom naman ng donasyon si Pia Wurtzbach upang makapagbigay ng karagdagang face masks para rin sa ating frontliners.
Ongoing pa rin ang Fashion for others ng Vestido na nakalikom na ng higit Php 450,000.00
Photo Sources: IG of Vestido.Manila, Ms. Judy Ann Santos, Ms. Marian Rivera, Ms. Pia Wurtzbach
Andi Eigenmann, pinili ang simpleng buhay sa Siargao
May 27, 2020
Makikita sa instagram gallery ni Andi Eigenmann na siya’y naninirahan ngayon sa Siargao kasama ang partner na si Philmar Alipayo at ang kanyang mga anak na si Ellie at Lilo.
Ang buhay ni Andi ngayon ay malayo sa kinasanayan nyang buhay sa Maynila bilang isang aktres. Nilinaw ng aktres sa kaniyang instagram na hindi niya tuluyang tinalilikuran ang showbiz dahil base sa kaniyang bio, she’s a “part-time actress, full-time holistic-living island mama to Ellie and Lilo.”
Ayon sa kaniyang interview with ABS-CBN lifestyle, naging mahirap para kay Andi ang pagpapakilala kay Philmar sa Social Media dahil sa status gap nila. “As soon as I posted it on social media, it was inevitable for us to get negative criticism because ‘we’re not bagay’ because ‘I’m maganda’ and ‘I come from a high profile family’ and he’s ‘just a person from the island.”
Ngunit nilinaw ng aktres na hindi masusukat ang pagmamahal sa estado ng isang tao dahil para sa kaniya, “The right man for you shouldn’t be measured by how secure his future is or what he can give you. I can give that to myself. All that matters to me is that he has ambition, he has dreams, and we can work on that together.”
Makikita sa mga post ng aktres kung gaano kasaya, kapayapa at kasimple ang pamumuhay nila sa Siargao.
*Photo Source: IG of Andi Eigenmann*

Maine Mendoza, may 5 branches na ng Mcdonald’s
Bukod sa pagiging celebrity, isa ring businesswoman si Maine Mendoza na ngayon ay mayroon ng 5 branches ng Mcdonalds.
Noong February lamang ay binuksan ni Maine ang kaniyang 5th Mcdonald’s branch sa Caypombo, Bulacan. Ang ilan pa sa kaniyang branches ay nasa Sta.Clara, Sta. Maria, Pulong Buhangin, at San Jose, Del Monte.
Ang unang Mcdonald’s branch ni Maine ay binuksan noong August 2017 sa kanyang hometown sa Sta. Clara, Bulacan. Malapit daw ito sa Gas Station na kanilang family business.
Sumikat si Maine Mendoza na kilala rin sa tawag na yaya dub dahil sa kanyang mga nakakaaliw na dubsmash noong 2015. Nadiscover siya ng Eat Bulaga at itinambal sa kapuso actor, Alden Richards. Ang love team ay sumikat sa tawag na Aldub.
Sa ngayon ay in a relationship si Maine sa kapamilya actor na si Arjo Atayde.
Babaeng may PCOS, nakaramdam ng ordinaryong pananakit ng tiyan; buntis pala at manganganak na
Rose May Pimentel
Jun 04, 2020
Sa kabila ng pandemya at krisis na kinakaharap natin ngayon, marami pa ring biyaya at milagro ang ipinagkakaloob sa atin na nagbibigay ng pag-asa sa ating buhay. Isa na rito ang kwento ng mag-asawang Jon at Pia Rapusas na ibinahagi nila sa GMA News.
Sa loob ng pitong taon, tanging hiling ng mag-asawa ang magkaroon ng anak. Si Pia kasi ay hirap magbuntis dahil sa kanyang polycystic ovary syndrome o PCOS, isang kondisyong nakaaapekto sa hormones ng mga babae. At sa gitna ng krisis, isang regalo ang gumulat sa kanila, biniyayaan silang mag-asawa ng magandang sorpresa.
Laking gulat ni Jon at Pia nang malamang nagdadadalang-tao pala ang misis at ang simpleng check-up dahil sa pananakit ng tiyan ay mauuwi na sa panganganak agad. Walang kaalam-alam sina Jon na buntis pala ang misis sa loob ng 38 na linggo o katumbas ng siyam na buwan. Mayo 6 nang makaramdam ng pananakit ng tiyan si Pia, akala nito ay dysmennorhea lamang hanggang umabot nang dalawang araw at hindi na siya pinatulog ng pananakit na ito. Doon na naisip nilang mag-pregnancy test dahil baka umano siya ay buntis at tuwang-tuwa sila nang malamang nagdadalang-tao si Pia.
Para kumpirmahin ang kalagayan ng pagbubuntis, nagdesisyon silang komunsulta sa doktor noong Mayo 8. Laking gulat din ng doktor nang malamang 38 weeks na palang buntis si Pia at manganganak na ito.
At doon sa ospital, isinilang ang malusog na baby boy at pinangalanan itong Isaiah tulad nang hiniling nila noon.
Hindi makapaniwala ang mag-asawa na ang akala nilang pagbubuntis pa lamang ay manganganak na pala sa araw na iyon. Para kina Pia at Jon, si baby Isaiah ang pinakamagandang nangyari sa buhay nila.
“Ang galing ni Lord. All glory to Him for this miracle sa buhay naming mag-asawa. At sa amin talaga ginawa ano. Kay Jon at Pia Rapusas nangyari itong kuwentong ito,” pahayag ni Pia.
*Photo Source: FB of Jonathan and Pia Rapusas*
May sakit ang Nurse
Iris Palma
May 20, 2020
Si Alicia de la Cruz ay isang nurse sa Manchester, United Kingdom na naging positive sa sakit na Covid19. Eto ang kanyang salaysay.
April 19, 2020, Linggo. Naging symptomatic si Alicia at may sinat ng 37.8 degrees Celsius. Nagrequest sya ng swab test sa manager nya.
April 21, Martes. Ginawa ang swab test.
April 22, Mierkules. Lumabas ang results. Positive. Inaapoy na siya ng lagnat at hindi bumababa ng 39 degrees ang temperature kahit na round the clock ang inom nya ng paracetamol. Nagsimula na rin ang coughing fit.
Sabi ni Alicia, “Halos mapatid hininga ko sa tindi at haba ng ubo. Ang hirap umubo na wala man lang lumalabas na kahit isang patak na secretion. Nahihirapan na rin ako huminga.”
Ilang beses din siyang tumawag ng 111 (health advice service for non-emergency cases sa UK). Ang advice sa kaniya ay mag-self-isolate at huwag nang pumunta sa doctor’s clinic o sa emergency department. Mahigpit na rule yan for covid cases sa Accident and Emergency (A&E) o sa doctor’s clinic.
April 25, Sabado, madaling araw. Kadalasan ay 96 to 99% ang oxygen level ng isang normal na tao. Nang tumawag ang partner nya, si Gary, sa 999 para sa ambulance, nasa 84 to 86% na lang ang level. Pagdating ng ambulance, 39.7 degrees ang temperature nya at naghahabol na sya ng hininga. Hindi siya dinala ng mga paramedics sa hospital: “You can still talk straight, so you’ll be fine.”
April 25, gabi. Tumawag ulit si Alicia sa 111. Nabanggit nya ang earlier consultation sa 999. Dinagdag nya na hindi na siya makakain for few days at konti lamang ang ihi nya. Sinabihan sya na pumunta na this time sa A&E or tumawag sa 999. Para wala nang masyadong tanong ng paramedics, nagpahatid na si Alicia kay Gary.
Sinundo si Alicia sa labas ng A&E nang alas otso ng gabi at umuwi na si Gary. X-ray test. Blood test. Pagkatapos ng apat na oras sa stretcher bed, pinauwi sya kahit na hirap syang huminga.
Sabi ng consultant, “There’s some changes in your chest x-ray as expected due to covid19, but it’s fine. You’re a nurse so you can check your oxygen level at home. We do not want to keep you here because it is safer at home.”
Kahit anong sabihin ni Alicia na hirap na hirap na siya at gustong magpa-IV dahil wala pa siya oral intake ng ilang araw, sabi pa rin ng doctors: “You don’t need it, you’ll be fine.”
April 26, Linggo, 1 am. Tuloy ang hirap ni Alicia sa bahay. Pakiramdam nya para na siyang naghihingalo.
April 27, Lunes. Sabi nya kay Gary, “I feel like I’m dying.” Tumawag sila sa 999. Dumating ang paramedics, maraming tanong at kinausap muna ang consultant sa hospital. Desperado na sya na makatanggap ng medical help kaya sabi ni Alicia: “I exaggerated my condition just to make sure I can make it to A&E and be admitted.”
Hindi na mabilang ni Alicia ang dami ng tusok ng karayom sa kanyang mga kamay at braso for blood test dahil wala silang makuhang dugo. Paulit-ulit ang tusok. Habang dinadala si Alicia for chest x-ray, pakiramdam nya ay naghihingalo na sya sa sa stretcher bed. Mataas na temperature, sobrang sakit ng ulo, at masikip na dibdib. “Ang tindi ng hirap na dala ko,” sabi nya. Kailangan nya ng oxygen. Kailangan nya ng swero. Pero na-admit sya sa ward for close observations.
April 28, Martes. Closely monitored si Alicia ng nurses. Kinausap sya ng ICU consultant na kung hindi mag-improve ang breathing nya sa magdamag ay itatransfer sya sa ICU para ma-intubate.
“Para akong nabingi. Parang saglit na tumigil ang aking paghinga. Panginoon, have mercy on me. Patawad po sa aking pagkakasala.” At umiyak na sya habang habol ang hininga. Pero pinigil nya ang pag-iyak dahil lalo syang nahihirapang huminga.
Isip ni Alicia: “Paano na ang mga anak ko? Paano makakayanan nina Nanay at Tatay? Ano ang mararamdaman ng aking mga kapatid at mga pamangkin? Paano kakayanin ni Gary? Ang lahat ng mga nagmamahal sa akin — di ko na sila makikita. Kailangan kong mabuhay para sa aking mga maliliit na anak. Hindi ako pwedeng mamatay, ayoko pang mamatay!”
April 29, Wednesday. Ano ang pakiramdam ni Alicia habang nakikipaglaban sa covid-19? Sabi niya: “Mahirap ipaliwanag. Gusto kong huminga pero hanggang sa bibig lang umiikot ang hangin. Parang sasabog ang dibdib ko. Gusto kong huminga nang malalim pero hindi ko magawa. Mabigat ang pakiramdam ng likod ko. Ang ulo ko parang sasabog. Kapag gumalaw ako nang konti, aatakihin naman ako ng matinding dry cough na umaabot ng 30 minutes at drained ako. Ang sakit at panghihina ng kalamnan ay parang sampung beses ng may trangkaso. Naka-oxygen ako pero nasu-suffocate ako, para akong nalulunod sa lakas ng buga. Ang panlasa ko ay mas mapait pa sa apdo na binudburan ng sangkaterbang asin. Ang hirap!”
May 1, Biyernes. Nalampasan ni Alicia ang critical stage at nakalabas sya ng hospital. Narealize niya na maswerte sya. Sa loob ng dalawang linggo, dumating sya sa punto na parang gusto na nyang bumigay dahil hindi na nya kaya. Pero lumalaban sya pag naisip niya ang kanyang pamilya.
May 2, Sabado. Nagpost si Alicia ng experience nya sa Facebook at inulan ito ng comments at nashare nang 37 na beses. Nabigla ang mga kakilala nya sa Pilipinas.
Ano ang natutunan nya habang nakaratay at nasa bingit ng kamatayan? “Mahalin natin ang buhay. Alagaan natin ang ating sarili. Alisin ang lahat ng galit, alisin ang yabang, alisin ang inggit. Magpatawad, tumulong, at magmahalan.”
May bagong ningning sa mga salita ni Alicia na hindi nakita sa mga posts nya noon. May bigat ng pag-asa at pagmamahal ang mga binibitawan nya na salita. May conviction na lalong pinaigting ng karanasan nya: “Life is too short. Be kind. Be humble. Be generous. Be caring.”
Nabanggit na kaya sa kanya na maituturing syang isang himala sa gitna ng kawalang-pag-asa? Sana alam nya.
Ama
Sa unang lalaki na minahal ako,
Sa unang lalaking pinahalagahan ako,
Sa unang lalaking inalagaan ako,
Sa unang lalaking bumuo ng pagkatao ko,
Sa unang lalaking nagturo ng Tama sa mga kamaliang nagawa ko,
Sa unang lalaking walang ibang hinangad kundi kabutihan ko,
Sa unang lalaking di matutumbasan ng kahit na anong kayamanan sa mundo,
Ginawa ko ang maikling tula na to para sainyo,
Upang ipahayag,ipaalam ang nararamdanam ko.
Na kahit,Di niyo madalas marinig saken ang salitang "I love you",
Saakin ay ikaw ang regalong habang buhay kong pagpapasalamatan dahil saaken ay ibigay kayo.
Alam kong Di sapat ang salitang salamat lang,
Di sapat ang salitang Mahal kita Rona
magpakailan pa man,
Pero ito lang poh ang sasabihin ko sa inyo,
Ako ay maswerte na naging anak niyo.🧓
Online Seller ka lang??
• Post ng post ng paninda.. Ginawang Tindahan Facebook! 🙄
• Puro nalang paninda mo nasa news feed ko! 🙄
• Pati sa "My Day" di ka parin nagpaawat! 🙄
• Nakakabenta ka ba naman??? 🙄
Hindi mo maiiwasan ang makarinig ng ganito! 😊 Lalo na sa mga taong Walang Alam sa mundo ng Online Selling.😅 Nakakapagtaka no? Kung dati puro LOVE QUOTES mababasa mo sa mga news feed mo.. Ngayon puro panindan ko na makikita mo! 😍
BAKIT❓
Kasi Naka base sa inyo ang kita niyo.. kung masipag ka mag benta mas madali kumita.
Sa ngayon wag puro basta Sales Talk lang! 😉
Kailangan mo din ng mga product na talagang subok mo na at hindi ka mapapahiya! 🤩
Walang benta sa Comment or likes lang! ☺
Nasa messenger namin yan! 😁
Kaya wag kayong mahiya. 😊
Hindi kayo mukhang tanga. 😊
Hindi kahiya-hiya ang kumita at magnegosyo. 😊
#OnlineSellerKnows👍
#PROUDToBeONLINESELLER🙋
Buhay Mommy
So ayun nga,
Bago ako napasok sa site na to., dati akong cashier, ticket seller at kung anu ano pa. Isa na akong GANAP na mommy ng 2 magagandang bata.
Oo may partner ako. Pero hindi ko masasabi na parang okay kami. Wala kaming kibuan. Ganon..
So sa madaling salita, naghahanap ako ng extra na mapagkakakitaan at sakto nman na nkita ko ang post sa isang social media account ko.
Ang totoo Online Seller ako. Pero kulang lalo na ngayon pandemic halos walang bumibili. So sana kumita ako.
Ang nasa isip ko. Magagamit ko siguro to bilang gsto ko din ang pagsusulat.