Maine Mendoza, may 5 branches na ng Mcdonald’s

2 167

Bukod sa pagiging celebrity, isa ring businesswoman si Maine Mendoza na ngayon ay mayroon ng 5 branches ng Mcdonalds.

Noong February lamang ay binuksan ni Maine ang kaniyang 5th Mcdonald’s branch sa Caypombo, Bulacan.  Ang ilan pa sa kaniyang branches ay nasa Sta.Clara, Sta. Maria, Pulong Buhangin, at San Jose, Del Monte.

Ang unang Mcdonald’s branch ni Maine ay binuksan noong August 2017 sa kanyang hometown sa Sta. Clara, Bulacan.  Malapit daw ito sa Gas Station na kanilang family business.

Sumikat si Maine Mendoza na kilala rin sa tawag na yaya dub dahil sa kanyang mga nakakaaliw na dubsmash noong 2015.  Nadiscover siya ng Eat Bulaga at itinambal sa kapuso actor, Alden Richards.  Ang love team ay sumikat sa tawag na Aldub.

Sa ngayon ay in a relationship si Maine sa kapamilya actor na si Arjo Atayde.


2
$ 0.00

Comments

Wow talaga ba? 5 branches na ng mcdonalds? Nice naman. Sana maging mas successful pa sya..

$ 0.00
3 years ago

kaya nga e.. napa sana all ako.. hehe

$ 0.00
3 years ago