Minsan may nagtanong sakin..
" Rona iwan ko na ba?"
Doon naisip ko, kelan nga ba dapat mag let go sa isang relasyon?
kapag ba wala ng feelings sa isat isa?
kapag ba isa na lng ang nagmamahal?
kapag ba madalas na ang lungkot kesa sa saya?
paano na yung mga maiiwan? san na sila magsisimula?
paano ba uumpisahan ang break up?
sa mga ganito isa lang ang naisip ko..
Walang madaling break up. Mahirap makipag hiwalay sa taong nakasama at minsan mong minahal. Kung gaano kahirap ang bumitaw ganon din kahirap ang mag move on.
Kelan dapat bumitaw?
kapag mas madami ng luha kesa sa saya.
kapag mas mahal mo na siya at nakalimutan mo ng mahalin ang sarili mo.
at higit sa lahat......
Kapag ang mga bagay na nagpapasaya sayo ay nahahadlangan dahil sa isang tao.
ano masasabi nyo?
-Loveguru☺️
Hindi na b-base sa sakit at hirap para hiwalayan mo ang isang tao. Sa relasyon hindi talaga mawawala ang away, lungkot at kung ano-ano pa. Maaari ring mawalan na kayo ng gana sa isat-isa at pag mamahal at masasabi kong normal lang talaga yan. Kung hindi na kayo masaya, kung hindi na tama, kung sa tingin niyo hindi na talaga mag wo-work, hwag ka munang gumawa ng desisyon. Isipin mo muna kung tama ba o baka panandalian lang ang nararamdaman niyo, baka pwede pang ayusin. Nasa huli kasi ang pagsisisi diba kaya kung pwede pang ayusin, ayusin niyo muna. Pero ang pinakamahalaga pa rin gawin para sakin, kailangan na idasal mo yan sa Diyos, humingi ka ng gabay sa kanya. E-pray mo kung will ba ni God ang relasyon niyo o hindi, kasi kahit bali-baliktarin ang mundo ang Panginoon parin ang masusunod diba. Kung will ni God na kayo ang para sa isat-isa, kahit ilang beses pa kayong mag-away o maghiwalay, kayo parin talaga.