Go Back Couple ( koreanovela)

0 9
Avatar for Rona
Written by
3 years ago

" yung desisyon na di pinag iisipan... yun ung desisyon na madalas masasaktan ka lamang.."


Isa sa pinaka paboritong palabas ko ang Go back couple. Bakit? kasi sila yung masasabi ko na sumasalamin sa totoong nangyayari pag nagsama na sa iisang bubong ang lalaki at babae.

Yung nagiging losyang na si babae dahil sa kakaasikaso sa asawa at anak nya. Tipong kakain na lang sya iiyak yung anak nya, ititigil nya yung pagkain nya. O kaya naman pupnta sa cr tapos hahabol sa kanya yung anak nya.

Yung lalaki naman na di na mabalikan yung dating buhay binata sya. Kapag gimik di makasama kasi may pamilya na na uuwian. Yung lalaki na pag uwi sa bahay pagod na pagod na sa trabaho.

Pero sa bandang huli, pipiliin at pipiliin mo pa din yung mga bagay na sumaya ka kahit nahirapan ka. Kahit malosyang at mapagod ka na. Sabi nga nila, nakakawla daw ng pagod ang mga bata.

☺️

1
$ 0.00

Comments