Andi Eigenmann, pinili ang simpleng buhay sa Siargao

0 13
Avatar for Rona
Written by
3 years ago

May 27, 2020

Makikita sa instagram gallery ni Andi Eigenmann na siya’y naninirahan ngayon sa Siargao kasama ang partner na si Philmar Alipayo at ang kanyang mga anak na si Ellie at Lilo.

Ang buhay ni Andi ngayon ay malayo sa kinasanayan nyang buhay sa Maynila bilang isang aktres.  Nilinaw ng aktres sa kaniyang instagram na hindi niya tuluyang tinalilikuran ang showbiz dahil base sa kaniyang bio, she’s a “part-time actress, full-time holistic-living island mama to Ellie and Lilo.”

Ayon sa kaniyang interview with ABS-CBN lifestyle, naging mahirap para kay Andi ang pagpapakilala kay Philmar sa Social Media dahil sa status gap nila.  “As soon as I posted it on social media, it was inevitable for us to get negative criticism because ‘we’re not bagay’ because ‘I’m maganda’ and ‘I come from a high profile family’ and he’s ‘just a person from the island.”

Ngunit nilinaw ng aktres na hindi masusukat ang pagmamahal sa estado ng isang tao dahil para sa kaniya, “The right man for you shouldn’t be measured by how secure his future is or what he can give you. I can give that to myself. All that matters to me is that he has ambition, he has dreams, and we can work on that together.”

Makikita sa mga post ng aktres kung gaano kasaya, kapayapa at kasimple ang pamumuhay nila sa Siargao.


Photo Source: IG of Andi Eigenmann

2
$ 0.00
Avatar for Rona
Written by
3 years ago

Comments